Makalipas ang ilang buwan mula nung naka lipat si Lesther dito ay mas nagiging close kami sa isa't isa.
Napaka matulungin rin ni Lesther sa'kin, hindi lang sa mga bayarin kundi sa mga gawain rin dito sa bahay.
Kung tutuusin, malaki ang utang na loob ko sa kaniya. Halos siya na gumagawa ng lahat dito sa bahay, dahil na rin sa palagi akong kinakailangan sa simbahan.
Nahihiya na nga ako kay Lesther pero.. okay lang sa kaniya.
Tumutulong rin naman ako pero most of the time, hindi niya ako pinapatulong sa kaniya.
Ganito ba talaga siya o hindi?
[Lesther's pov]
Napaka laki na rin ng ginawang tulong sa'kin ni Lesther, bumabawi ako sa pag tulong rin sa kaniya dito sa bahay. Alam ko rin na gustong tumulong ni Leo sa'kin pero dahil na rin sa nakatatanda ako, ako na ang nag kukusang wag na siyang patulungin. Kundi, unahin niya ang kaniyang mga importanteng gawain.
“ Leo? busy ka? ” tanong ko sa kaniya habang siya'y naka higa sa kama
“ bakit? anong meron? ”
“ shot tayo, gusto mo? ”
“ mabilis akong tamaan eh.. ”
“ onti lang naman, tara na ”
“ sige na nga, may pulutan ba? ”
“ oo ako. ”
“ hoy! ”
“ ako bumili ng pulutan, ano bang iniisip mo? ”
“ wala-wala, tara na ”
Bumangon agad si Leo at sumunod sa'kin sa sala, naupo siya sa tabi ko at binuksan ang tv. Sinabayan rin namin ng panunuod ng 'Got 2 Believe' para na rin sa pag alaala kay Rico Yan.
Binuksan ko na ang isang lata at iniabot kay Leo, nag bukas na rin ako ng sa'kin at nakipag "cheers" kay Leo.
Sabay kaming uminom at hindi ko rin in-expect na malakas pala tama nito, mukhang mabilis lang matatamaan si Leo. Pero hindi rin masyadong lasa ang alcohol. Kaya mukhang mag e-enjoy s'ya rito.
Matapos ang kalahating oras, at sa kalagitnaan na rin ng movie. Napansin ko si Leo na mukhang may tama na, hindi ko nalang masyadong pinansin pero mukha namang kaya pa niya.
“ meron pa ba? ” tanong niya saakin.
“ gusto mo pa ba? ”
“ oo e, hindi lasa 'yung alcohol. ”
“ sa ref meron pa, kuha ka lang ”
“ sige, ikaw kuhaan rin ba kita? ”
“ kuha ka pa ng tatlo, bahala na kung sinong makakaubos. ”
“ lakas ah, sige-sige. ”
Tumayo si Leo mula sa kinauupuan namin at kumuha pa ng apat na lata sa ref, isa sa kaniya at.. bahala na kung sinong makaka ubos ng iba.
Nag bukas siya ng isa, para sa kaniya at nag bukas rin ako ng saakin.
Habang nanunuod kami ay bigla nalang siyang sumandal sa'kin, inaantok na siguro. Pero hinayaan ko nalang, mukha namang masaya siya e.
Nang maupo na namin ang iniinom namin, mag b-back out na sana ako. Pero nag bukas pa siya ng dalawa, mukhang delikads ako sa batang 'to ah?
“ last na then tulog na tayo.”
BINABASA MO ANG
SEMINARYO
Romancethis story is a Filipino BL story, about two young men who are roommates who gradually fall for each other and enter the sacristan at the same time. Until one of them fell out of love, and responds to "The Lord's Call" and started going through semi...