Nanatili lang kami sa sala pagkatapos namin kumain. Nag uusap lang sila gab at liam kaya nilibot ko lang ang paningin ko sa loob ng bahay, hindi malaki ang bahay nila pero malinis, may mga graduation pic si gab na nakasabit sa dingding, may second floor din ang bahay nila.
Puro picture lang ni tita leylie, at gab ang mga nasa picture frame habang ang ibang litrato ay puro bata na nakalagay sa shelf. Nilibot ko pa ang paningin ko para makita ang itsura ng tatay ni gab, siguro dun nakuha ni gab ang tangos ng Ilong niya, pero walang bakas ng kahit ano dun.
𝑨𝒔𝒂𝒂𝒏 𝒏𝒂𝒎𝒂𝒏 𝒚𝒖𝒏𝒈 𝒕𝒂𝒕𝒂𝒚 𝒏𝒊𝒚𝒂?
"Hi!"
Napalingon ako sa malambing na boses
She's pretty she have thin eyebrows, she have almond eyes, her high bridge nose, her full lips, her skin type is morena. She is filipina beauty.
"Makalaglag panty naman yan tingin mo." Sabi ng babae
"You are pretty." Sabi ko at ngumiti
"Yan maganda? Yuck, baka may mali lang sa mata mo miss maam."
"Epal ka noh" salita ng dalaga
Agad niya naman binaling sakin ang attention niya
"Queenie Amelia B. Onnuiz." Pagpapakilala ng dalagang babae
Lumapit naman si liam sakin
"Liam Aiden C. Palvotas po maam."
Pagpapakilala niya sakin"Epal ka, hindi naman tinanong pangalan mo." Sabi ni Queenie
"Ikaw din naman hindi tinatanong ang pangalan mo." Ganti ng lalaki
They mock each other like a kid, after that tumingin sila sakin at ngumiti na parang walang nangyari.
"Malaya Marie D. Salvador." Pagngiti ko pabalik sakanila
"Ang ganda mo po."
"Kaya dapat wag mo lapitan si maam maam, baka mahawa sa kapangitan mo."
Salita ni liamSinabunutan ni Queenie si Liam, napa iling na lang si gab at lumapit sakin.
"Are you looking for something?" Tanong niya at umupo sa tabi ko
"Oo, yung tatay mo kaso hindi ko siya makita."
"Wala na yun."
"Kailan pa siya namatay?" Chismosang tanong ko
I heard his chuckled
"May bago lang siyang pamilya, pero ayun buhay pa nagpaka tatay pa nga sa ibang bata." He tilt his head
"Ayy sorry, kailan ka pa iniwan ng papa mo?"
"Simula nung 3 years old ako, nagpakatatay siya dun sa anak ng kabit niya tapos binuntis niya na din yung babae niya."
"Ibig sabihin si tita leylie lang nagsustento sayo simula dati?"
"Yes, lahat ng dapat responsibilidad niya napasa kay mama dahil sa kapa pabayaan niya." Sagot niya habang nilalaro ang kamay
"May contact kayo ng papa mo sa isa't isa?" Tanong ko pa
"Wala na, pinutol ko na siya sa buhay ko."
I can't blame gab kung bakit pinutol niya na lang ng ganon ang relasyon nila ng tatay niya, even me ganon din ang gagawin ko.
I saw the sadness in his eye.
"Wag ka ng sad, gusto mo share na lang tayo sa papa ko?" Pagbibiro kong tanong
He just laughed.
The silence between us is to loud,pinagsisihan ko na puro tanong ako edi sana hindi niya na kailangan alalahanin yung tatay niya.
BINABASA MO ANG
The Broken Oath
RomanceMalaya Marie D. Salvador is a high school student who has childhood trauma due to her own relatives, he doesn't know how to heal the wound that her relative did. Not until she meet Ethan Gabriel F. Tuazon who help her to move on and to love her self...