After ng rounds ko sa mga patients ay nag start na ako mag ayos ng charts dahil ganitong oras nag ro-rounds ang mga doctor.Kumunot ang noo ko nang may mapansin na isang litrato, nakadikit sa board dito sa nurses' station. Lumapit pa ako at pumikit pikit.
"Huy, baka malusaw si Dr. Ramos 'yan. Ang pinakagwapong doctor na nakilala ko." ani Kia, kapwa nurse dito sa surgery ward. Napahawak ako sa bibig. What the hell??
"D-Doctor siya?" hindi kapaniwalang tanong ko.
"Oo, baliw. General surgeon siya sis kaya madalas dito 'yan." hindi na ako nakapag salita. Napadukdok ako sa lamesa, halo halong emosyon ang naramdaman.
"Kanina ka pa tulala at pa ulit ulit na inuuntog ang noo sa table. Kailangan mo na atang mag pa konsulta." umiiling na sabi ni Kia.
"Maaga ata akong matatanggal sa Hospital na 'to." ingit ko sabay dukdok.
"Bakit naman? Ano ba kasing nangyari?" umayos ako nang upo at hinarap si Kia.
Sasabihin ko ba sa kaniya? Umiling ako. "Wala..." hindi ko pa siya gaanong kilala, baka i-chismis ako, mahirap na.
Inabala ko ang sarili sa pag aasikaso sa mga pasyente. Mabuti na lamang ay hindi nag rounds ang doctor na 'yon at mabilis lang ang oras dahil patapos na ang shift ko.
"Wassup, Danna girl!" bati sa akin ni Paulo, ang kapalitan ko sa duty.
"Eto, malapit nang mamatay." walang ganang sabi ko.
"'Wag naman! Wala ka pang sinasahod!" sabay tawa niya, umiling ako.
After ko mag ayos at mag time out ay nag paalam na ako sa kanila. Nag tungo akong parking lot pauwi sa... wait, san ba 'ko uuwi?
Napa-hawak ako sa sintido ko. Pumunta nga pala ako rito sa Manila na kasama ang ex ko, mayaman siya kaya sa kaniya ang tinitirahan naming condo pero ngayong wala na kami, san na 'ko pupulutin nito?
Kaunti lang ang pera na meron ako dahil hindi naman ganon kalaki ang ipon ko. Wala pa 'kong sahod ngayon at tanging pera na bigay ni Mama lang ang dala ko. WTH! I love my life talaga!
Saktong tumunog ang cellphone ko. Kyran is calling. Bumuga ako ng hangin bago sagutin.
"Ano?" pabalang kong sagot.
"Let's talk, Danna." seryosong sabi niya. "Hintayin kita rito sa condo."
Bumuntong hininga ako bago nag tungo sa condo. After ilang mins ay nakarating ako.
Kinakabahan ngunit nilakasan ko ang loob ko. Matapang akong pumasok sa condo namin, naabutan ko siyang naka upo sa sofa.
"Hindi ako nag cheat, Danna." panimula niya, wala akong reaction. "Matagal ko nang kaibigan si Hannah, nag pa sama lang siya sa akin dahil wala siyang ibang kaibigan kung 'di ako lang. Sinaktan siya ng boyfriend niya—"
"Matagal na nating pinag aawayan 'yang lintik na kaibigan mo! Halata naman na gusto ka niya kaya kita pinapalayo, Kyran. Bakit kayo nag kiss?! Kitang kita sa story ng friend mo sa instagram!" sigaw ko. Namumuo na naman ang galit sa katawan.
"Nalasing ako, Danna. I'm sorry. Please, give me another chance. Tatanggalin ko na siya sa buhay ko." hinawakan niya ang kamay ko pero inalis ko kaagad.
"Kaya ka nag so-sorry dahil nakita ko, pero paano kung hindi ko nakita, sasabihin mo ba sa akin? Di ba hindi? Cheater. Hindi dahilan ang lasing ka." bumilis ang pag hinga ko, hudyat na malapit nang umiyak. Nag mamakaawa ang mga mata niya.
YOU ARE READING
Torn Between Two Hearts
RomanceIn the bustling corridors of the hospital, where the pulse of life beat steady and urgent, Danna's world intersected with Sebastian's in a twist of fate that seemed almost scripted. As a dedicated nurse, her days were a tapestry woven with compassio...