Chapter 1 First meet

5 1 0
                                    

Xia's pov:

Shettt naman!! Late na naman ako sa work!!

Nag mamadali ako bumangon sa higaan at mabilis na pumasok sa loob ng banyo.

Sabon

Banlaw

Shampoo

Banlaw

Sabon

At tada!! Tapos na ako maligo!!
Nag bihis na agad ako at nag ayos ng mukha.

Wag na mag full make up, lipstick at powder lang ok na yan then konting blush on para kunwari natural ang pag ka pink ng pisnge dahil sa pute!

Lumabas ako ng bahay at sumakay ng tricycle pa byahe papunta sa work ko.

Working student ako, as a waitress or FOH assistant sa isang restaurant.

Hindi naman kami mahirap at lalong hindi mayaman, tama lang buhay namin. Yung may nakakain at natitirhan pa naman.

" Ang lapit lang ng bahay mo, late ka na naman" salubong sa akin ni sir jon pag pasok ko sa loob ng store.

Ngumiti na lang ako at tuloy tuloy sa pag lalakad papuntang kitchen.

"Late ka na naman anteh!" Bungad sa akin ni sophie, ang bar namin.

" Na late ako ng gising" sabi ko at diretso sa locker namin.

" Lagi ka na lang late" sabi nya ulit sa akin na hindi ko naman inimikan.

Sometimes you don't have to answer all the questions that been asking to you.

Choss, di Naman nya tinanong.

After ko mag suot ng apron ko sa bewang ay nag time in na ako at lumabas ng kitchen..

Wala pa naman mga guest kaya nag punas punas na lang ako ng mga salamin at waiting station, punas din ng pintuan sa entrance at mga upuan.

Ganun kasi dito sa trabaho namin, bawal kang tumunganga or tumayo lang. Dapat kumilos ka kahit wala ka ng ikikilos. Kasi ikaw din ang aantukin. Yung tipong wala ka naman ng lilinisin dahil malinis na, pero kailangan mo linisin ulit para di ka mapagalitan or ma sermonan.

Naputol yung pag iisip ko ng may pumasok na guest kaya agad ko namang sinalubong ng ngiti at bati.

" Good morning sir! Welcome to frances! Table for how many po?" Tanong ko.

" For one" pag kasabi nya ay agad ko naman syang iginuide patungo sa uupuan nya.

Iniwan ko lang sya dun pansamantala, at hinayaang pumili ng o orderin nya.

Nang mag taas ito ng kamay ay agad akong lumapit dito at kinuha ang order. Pag ka kuha ay nag repeat order lang ako.

After ko sa work ay lumabas na ako ng resto. At pag ka labas na pag ka labas ko ng entrance, ay sya ding pag ka bunggo ko sa isang matipunong lalaki sa harap ko

"Sorry!!" Agad kong pa umanhin at yumuko ng bahagya. Kahit hindi ko kasalanan, i pu push ko na yung sorry ko.

" Next time tumingin ka sa dinadaanan mo" napa taas ang kilay ko sa narinig ko. At tumingala sa kanya.

"HOY! IKAW NGA TONG HINDI TUMITINGIN SA DINA DAANAN MO! AKO PA ANG SASABIHAN MO NG GANYAN!? ABAAA!!" Sigaw ko sa kanya

Tinaasan nya ako ng kilay " ikaw pala yan, ms xia. Ang laging late, tulog at absence sa school" sabi nya sa akin.

At ng tinitigan ko sya sa mukha ay dun ko na realize na ang kausap ko lang ay ang ssg president ng school namin!!!

Ayos lang, wala naman kami sa school .

" Ohh! Ikaw pala yan MR. SUNGIT" sabi ko sa kanya at diniinan ko pa ang salitang 'sungit'

"Tsk tskk, hanggang dito sa labas napaka squatter ng ugali mo" sabi nya sa akin na, ikinalipad ng palad ko sa mukha nya.

Nasampal ko sya..

" How. dare. you" sabi ko at nilayasan sya.

Ang kapal ng mukha nya para sabihan ako ng ganon! Anong akala nya sa akin? Porque nag ta trabaho, sobrang hirap na? At naka tira sa squatters area??

Papara na sana ako ng tricycle ng may humablot sa braso ko

"Look, I'm sorry. Ok?? I didn't mean to say it" sabi nya sa akin na ikina taas ulit ng isang kilay ko.

"Sorry mo mukha mo!" Sigaw ko sa kanya at pumara ng tricycle tsaka sumakay.

Pag ka dating ko sa bahay, ay nag asikaso lang ako ng gamit ko.

That is our first meet, yesss first meet. At baka yun na din ang last! Nakaka bwisit ang lalaking yon.

Kalat sa school na--late, absent at laging tulog ako sa klase. Dahil dinidikit ang mukha ko sa pader kung saan saan sa school.

Yupp, maganda ako pero nakakaranas ako ng bully sa school namin, hindi ako nerd or what. Siguro dahil hindi ko sila ka standard kaya ganun nila ako ituring. Di naman ako na aapektohan dahil totoo naman.

Humiga ako sa kama ko, at tumulala sa kisame.

Gwapo sya, makisig ang katawan, mabango, at mahahalata mong anak mayaman. Pero balita ko, matagal ng patay mga magulang nya. At sya na lang ang bumubuhay sa sarili nya at nag papa takbo ng negosyo nila kahit na busy sya sa school.

Magaling sya mag manage ng time nya kaya di ko ikaka ila na madaming nag kaka gusto sa kanya, bukod don. Matalino pa.

Kaming dalawa ang kilalang kilala sa school. Pinag kaiba lang.. kilala sya dahil sa katayuan nya sa buhay at dahil president sya ng school. Ako, kilala bilang absingera, late at tulog lagi sa klase.

Habang nag iisip ako ng kung ano ano, kusa na pala akong nakatulog.

Nagising ako sa alarm ko, day off ko ngayon at dahil day off ko, papasok ako sa school.

May pasok naman ako kahit hindi ko day off, pero iba schedule ko.

Pag ka dating ko sa school ay agad na naman akong pinag titinginan, alam ko namang maganda ako. Ganun talaga. Sanayan lang ;>

" Pumasok ka??" Bungad sa akin ni hydie, ang kaibigan ko.

" Hindi ata beh, siguro ano. A.i lang 'to" sabi ko, na agad nya namang ikina irap sa akin dahil sa sagot ko sa pang bobo nyang tanong.



His obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon