“bakit ka palaging nasa dalampasigan?”
nabalik ako sa reyalidad dahil sa tinig na iyon, kay sarap pakinggan. saan ito nagmula? takhang tanong sa sarili.“ipalaot mo ang balsa, tumungo ka sa gitna” narinig ko na naman, sino ba sya? o ano ba sya.
walang pagdadalawang isip na tumungo ako sa gitna at natanaw ang isang mala-diwata.
“sino ka? anong ginagawa mo sa ganitong lugar?” takhang tanong ko dahil kilala itong lugar na iniiwasan dahil sa nakakapangilabot na dahilan.
“sumama ka sa akin, ika'y aking paliligayahin” nagsusumamong ani nito sakin.
sa tanang buhay ko ay ngayon lamang ako nakakita nito, nakakabighani ang kanyang kagandahan at ang tinig na mala musika kung pakikinggan.
hindi ako makakilos sa aking kinauupuan, mukhang nahihipnotismo ako sa kanyang kagandahan. ano itong nangyayari sa akin? mukhang maging sarili ko ay walang kontrol sa sistema nito.
dahan-dahang lumiit ang distansya, mata sa mata. lumapit ang kanyang malambot na labi sa sakin. gumapang ang malikot na kamay sa ibang parte ng katawan sabay bulong sa akin.
“ang sarap mo, mahal ko” huling tinig na narinig ko, bago ako nito hatakin papuntang ilalim.
YOU ARE READING
Sitio: kubli sa hiwaga
Mystery / ThrillerIsang binatilyong bumalik kung saan sya nagmula, sa isang masaganang pamayanan noon, Isang masaya at makulay na komunidad. Ngunit sa kanyang pag balik, hindi inaasahang madadatnan, ang dating may buhay na paligid ay nagmistulang katatakutan. Ngunit...