MULING pinasadahan ni Abba ng tingin ang sarili sa salamin.
Her makeup was perfectly made by her best makeup artist. She could do her own makeup pero ayaw niyang pagurin ang sarili. Sayang naman ang pagkakaroon niya ng magagaling na tauhan kung hindi niya mapapakinabangan ang talent ng mga ito.
"Ma'am, mukhang espesyal na espesyal ang date n'yo mamayang gabi, ah," komento ni Bianca na nasa tinig ang panunukso. Ito ang makeup artist niya.
Ngiti lang ang isinukli niya rito. Kanina pa siya tinutukso ng mga tauhan niya dahil talagang buong araw siyang nagpaganda sa salon. Nagpa-manicure at nagpa-pedicure siya, complete with facial treatment and body spa.
"Wiz ko lang na 'papang-papa' ang ka-date ninyo mamaya para naman hindi alangan sa ganda n'yo," sabad naman ni July na nire-rebond ang buhok ng isang customer nila. "Ay! Bakit hindi n'yo i-rate, Ma'am?"
"It's ten," nakangiting sagot niya.
Nagpalakpakan ang mga bading na nasa salon.
"Ay! Panalo. Sana ten inches din," sabi pa ni July.
Napangiti na lang siya sa kapilyahan nito. Sanay na siya sa mga salita nitong may double meaning.
Tiningnan niya ang oras sa wall clock—alas-sais na ng gabi. May isang oras pa siya para magbihis. Tumayo na siya.
"Kayo na ang bahalang magsara nito. Mauuna na ako," paalam niya sa mga ito. Pumunta siya sa loob ng opisina niya para kunin ang kanyang bag. Pagdaan niya ay sinabihan pa siya ng "good luck" ng mga ito.
MULI niyang pinasadahan ng tingin ang sarili sa full-length mirror sa loob ng kuwarto niya.
Isang itim na evening gown ang napili niyang isuot. Bareback ang tabas niyon at may mahabang slit sa tagiliran. It was simple but elegant. She managed to get the alluring look she wanted.
Aminado siyang gusto niyang maging magandang-maganda nang gabing iyon dahil magkikita sila ni Zach.
Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksiyon nito pagkakita sa kanya. He might be shocked when he saw her. Nasisiguro niyang hindi nito magugustuhang matuklasang siya ang makulit na texter nito. Kaya gusto niyang mag-iwan ng isang lasting impression dito. It could be their first and last date, so she wanted it to be memorable.
Nagwisik siya ng pabango sa magkabilang tainga at sa kanyang mga pulse points, pagkuwa'y muling tiningnan ang sarili sa salamin. Nang makontento ay lumabas na siya ng kanyang kuwarto.
Good luck, Abba. It's showtime, sabi niya sa sarili.
"ALL RIGHT, let's set the record straight once and for all." Inilapag ni Abba ang kanyang kubyertos.
Hindi na niya kayang magkunwari na nag-e-enjoy siyang kumain. Parang rubber ang steak na in-order niya sa sobrang tensiyong nararamdaman.
Tila hindi naman naapektuhan si Zach sa biglang pagsasalita niya. Nanatiling composed ito. Inilapag din nito ang kubyertos nito at tumingin sa kanya; tinging halatang naghihintay sa susunod na sasabihin niya.
"Y-ou knew it was me." Hindi iyon isang tanong. She was just confirming it. Hindi man lang niya kinabakasan ito ng pagtataka pagkakita sa kanya kanina. In fact, he seemed to be expecting her. Which of course, came as a surprise to her.
"Yes, I knew it was you who was texting me," pag-amin nito.
Kahit inaasahan na niya ang pag-aming iyon ay napasinghap pa rin siya. "P-aano mong nalaman?" nalilitong tanong niya. Hindi niya gusto pero sumingit sa isip niya si Serena.
"It was easy to track you down. Lalo na at linya ang gamit mong numero."
He said it plain and simple. But she couldn't help thinking he was silently mocking her for her stupidity. Bakit nga ba hindi niya naisip na madali para ditong makilala siya?
BINABASA MO ANG
Make Believe That I Love You - Sharmaine Galvez
RomanceAwang ang mga labing tiningnan ni Abba si Zach. She was fully aware of his thick brows, hot eyes, perfectly pointed nose. And his lips... they were sinfully red. Parang kay sarap halikan nito. "Think he's gay!" Hindi siya/makapaniwala sa sinabing iy...