We had a good trip, but not until he started talking about something. His mouth never stopped, so my head started to get hot for him, and my ear hurt again.
Umiling-iling nalang ako sa ingay ng bunganga niya. Parang nilamangan pa niya si Eunice dahil 'di matigil ang bibig niya. Ilang oras na siyang ganyan, at ilang oras ko na rin siyang tinitiis sa ingay ng bunganga niya.
"May pagkain ka ba jan?" Tanong niya.
"May cake akong dala, baka gusto mo" Sabi ko, nasa daan pa rin ang tingin.
"Wala ka bang prutas o gulay man lang?"
Napakunot ang noo ko sa tanong niya kaya napabaling ako sa kanya.
"Ang arte mo, healthy living? Hindi ito ang farm" Ani ko bago ibalik ang tingin sa daan.
"Sorry...bawal sa 'kin matatamis eh"
Natawa nalang ako sa kanya. May diabetes ba 'tong lalaking 'to?
Ilang oras na rin ang nagdaan kaya medjo nakakaramdam na rin ako ng gutom.
"Anong oras na ba?" Tanong ko sa kanya.
Itinaas nito ang isang kamay at sinuri ng mabuti ang relong suot niya at bumaling sa akin.
"Alas-onse na"
Ang bilis lumipas ng oras. 'Di ko akalaing alas-onse na pala. Pero hindi pa rin ako nakakaramdam ng pagod at alam kung ganun din ang lalaki. May energy pa rin ito para magbunganga st ngumiti.
"Nga pala, ba't hindi si Eunice ang kasama mo?" Tanong nito sa akin.
"Busy daw siya" Sagot ko sa kanya pero nasa daan pa rin ang tingin ko.
"Eh...si Knchnle?" Naiilang na tanong niya.
Sasagot na sana ako sa kanya nang magsalita ulit siya.
"E 'di ba nilalagawan ka nun?"
Napabuntong-hininga ako sa tanong niya bago ko siya lingunan. Nagtama ang mata namin. His eyes were waiting for an answer.
"Hindi niya ako nililigawan, kasi 'di ko pa siya pinapayagan" May diin ang pagkakabigkas ko sa mga salita bago ibinalik ang tingin sa daan.
I saw him nod in my peripheral vision. Hindi na siya nakapagsalita ulit. So, I take the chance to speak again at hindi na siya hinintay na magtanong ulit.
"May sakit ang lola niya ngayon at siya raw muna ang magbabantay" Tanging nasabi ko.
Hindi na siya nagtanong pa at ipinagpasalamat ko iyon, dahil kung sakaling magtanong pa ulit siya ay malamang sasabog na tainga ko sa kanya.
Napabaling ulit ako sa kanya nang kunin niya ang camera niya. Maganda ang kalidad nito at mukhang mamahalin.
Nagpapalit-palit ako ng tingin sa daan at sa kanya nang itapat nito ang camera sa labas. Napansin ko ang paglabas ng kanyang biloy sa pisngi nang magsimula itong kumuha ng bidyo sa labas.
He turned to me, and suddenly our eyes met. Napabaling ulit ako sa daan. Pero bago 'yun, nakita kong bumakas sa mukha niya ang matamis na ngiti.
"Ba't ka nakatitig sa akin? Type mo 'ko 'no?" Natatawang asar niya sa akin.
Napangiwi ako nang bumaling ako sa kanya. Nakatutok na sa akin ang camera niya at nang-aasar na mukha niya.
"Ew!"
I give him a disgusted look.
"Baka ikaw kamo ang may type sa 'kin" Pang-aasar ko rin sa kanya.
BINABASA MO ANG
Till the End (Love Duology #1)
RomansaLOVE DUOLOGY #1 Started: 05/25/2024 Ended: Pano kung binabalik-balikan ka ng masakit mong nakaraan? Will you move forward? Isa nga bang tadhana na pinag-tagpo sina Bhea at Stefano na parehong nawalan ng mahalagang tao sa kanilang buhay? Si Bhea ay...