Chapter 2: Inside The Book

0 0 0
                                    

A quiet sanctuary with silence filming around this room. All things in right places, this place..... Why?

Why the hell it is forbidden to come in this room? It's beautiful.

Kanina pa ako umiikot sa kwartong ito pero kahit na anong gawin ko, kahit anong pilit ko e ayaw bumukas ng pinto. Shit! Parang nasa labas pa 'yong lock . Great! Pano na ako makakalabas dito?

Inis na pinagsisipa ko ang flower pot na nasa harapan ko. Kasalan to lahat ng libro na 'yon!
Mabilis akong napalingon sa gawi ng pesting libro na 'yon upang tingnan kong may kababalaghan ba itong ginagawa. Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi ito gumalaw sa kinaroroonan nito. Pesti! Nagpaloko pa ako sa librong 'to at sa boses na 'yon na ngayon ay wala na.

What the hell ever, kailangan konang makalabas dahil bukas na ang burol.

I tried and tried but eventually end up failing.

Napasalampak nalang ulit ako sa sahig dahil wala na talagang ibang daanan sa kwartong ito. Ilang beses ko na ring sinubukang paghahampasin lahat ng dingding at bintana pero wala ring epekto. Parang sinusuntok kolang ang pader sa ginagawa ko.

"Let me out of here! Tulong! Tulungan niyo Ako!!" Sigaw ko habang pinagsisipa at winawasak ang pinto, kahit na! Kailangan ko paring subukan.

" Walang makakarinig sa'yo d'yan kaya tumigil kana" A soft and angelic voice filled my ear. Nababaliw na ba ako? Last time I check kumain naman ako?

" Naririnig mo ba ako?" Inis pero malambing nitong wika. Okay that's it! Tuluyan na akong nababaliw!

Huminga ako ng malalim at ipinilit ang sarili na harapin kong sino man ang pangahas.

One..

Two..

Three!..

"Oh kita muna, nababaliw na talaga ako!" Sabi ko nalang ng mapansing wala naman talagang tao dito maliban sakin. Akmang maglalakad na ulit ako ng bigla nalang lumutang bigla ang libro at tumigil sa mismong harapan ko. Tiningnan kolang ito ng masama at lalagpasan na sana.

"Hi!"

Nakaawang ang mga labing napatingin ako sa nagsalita. Hindi ko namalayan na nabuhol na ako sa pagkakatayo habang hindi makapaniwalang napatingin sa librong nagsasalita!

Kailan pa natutung magsalita ang mga libro?!

Bago pa ako mawalan ng malay dahil sa sobrang gulat, narinig ko pa itong nagsasalita hanggang sa sakupin na ako ng tuluyan ng kadiliman.

The hell?! .......

Unknown

"Hayy nako, kita muna? Sobrang nagulat siya sa'yo" tinuturo ng isang salamin ang walang malay na dalaga.

Napayuko naman ang libro " Hindi ko naman alam na ganyan ang magiging reaksyon niya" tinapunan nito ng tingin ang dalaga at bumuntong hininga " pinapahirapan niya lang kasi ang sarili niya"

Kahit na anong gawin niya hinding hindi bubukas ang pinto na 'yon. Sabay silang napatingin ng salamin sa dalaga na wala paring malay at malakas na bumuntong hininga at umiwas ng tingin.

Nameywang naman na humarap sa kanila ang isang flower pot na masama ang tingin " Ano na?" Iritado nitong bigkas " Dinala niyo iyan dito kaya responsibilidad niyo iyan" sa sinabi niyang iyon bigla nalang umalis sa harapan nila ang salamin at bumalik sa pwesto nito na parang walang nangyari.

" Kailangan siya ng kaharian pot" walang buhay niyang sagot.

" Kung gano'n dalhin muna siya ro'n Aklat" panghihimok nito sa kanya. Kaya wala ng bawian, bahala na bukas!

My Journey Inside Of The Book Where stories live. Discover now