"Ayos lang po ba kayo diyan ma'am Bella?" Tanong muli kay Bella ni Karen ang dalagitang apo ni nanang Minda.
Papunta sila sa batis na palaging pinapaliguan nito, at ngayon nga ay tinatahak nila ang mabatong daan patungo sa batis.
"Ayos lang ako dito Karen." Lumingon pa ito sa kaniya upang matiyak na ayos lamang siya.
Ito kasi ang nauunang maglakad at nasa likod siya nito nakasunod sa bawat hakbang ng dalagita, napatili si Bella ng matapilok siya sa naka usling bato. Pero bago pa man siya bumagsak sa mabatong daan ay may mabilis na braso ng nakasalo sa kaniya.
"Ayos ka lang ba?" Tanong ng nakasalo sa kaniya.
Napasinghap si Bella ng makilala ito, kong hindi siya nagkakamali ito 'yon lalakeng muntikan ng makabangga sa kanila ni Ziejan no'n nakaraan araw.
"We meet again." Masuyo itong ngumiti sa kaniya, habang nababakas sa mga mata nito ang paghanga, Itinulak ito ni Bella ng bahagya upang makalayo siya sa katawan nito.
"Ayos lang po ba kayo ma'am Bella?" Nag aalalang tanong ni Karen sa kaniya nababakas sa mata nito ang patulong luha kaya agad niya itong nginitian.
"Ayos lang ako Karen huwag kana umiyak hindi naman ako nasaktan."
"Buti naman po akala ko napano na kayo." Tila ito'y nakahinga ng maluwang ng malaman na ayos lamang siya.
"Ehem.." Napalingon sila pareho ni Karen sa lalakeng sumalo sa kaniya ng marinig nila itong tumikhim.
"Salamat.." Pasalamat niya dito at ng akmang muli na silang maglalakad ni Karen ng pigilan siya nito sa kaniyang braso.
"Hindi ako tumatanggap ng salamat lang." Anito, ang kaninang ngisi nito ay mas lumawak.
"Wala akong pera para ibigay sayo." Natawa ito ng mahina sa kaniyang tinuran.
"Hindi ko rin kailangan ng pera." Kumunot ang noo ni Bella sa naging tugon nito.
"Kung gano'n ano ang gagawin ko para makapag pasalamat saiyo?"
"Saan ba kayo pupunta?"
"Sa batis po kuya!" Masayang sagot naman ni Karen bago pa man siya makasagot sa tanong nito kaya napalingon ang lalake sa dalagita.
"Isama niyo na lamang ako sa pupuntahan ninyo para bayad ka na sa pagtulong ko sayo, gusto ko rin magpunta sa batis." tumango na lamang si Bella dito bago tinanggal ang kamay nitong nakahawak sa kaniyang braso.
Mangha na pinalibot ni Bella ang mata ng makarating sila sa batis na sinasabi ni Karen, nakita niya ang talon na masaganang lumuluha ng tubig at bumabagsak 'yon sa malaking tipak na malapad na bato na pwedeng pwede mong higaan o kaya naman ay upuan. Napapalibotan ng ibat-ibang uri ng halamang bulaklak ang paligid ng batis, kaya ang ganda rin tingnan ng mga makukulay na mga paru-paru na humahalik sa mga ito at ang iba pa ay kumakawag-kawag sa hangin. Kasabay ng maingay na pagbagsak ng tubig sa talon ay sumasabay ang mga huni ng ibon na para kang hinihele sa sobrang lambing.
"Ang ganda." Kaniyang usal habang may malawak na ngiti sa labi.
"Yeah." Napalingon siya sa nagsalita at napatili ng sumalubong ang abo nitong mata sa kaniya, dahil sa pagkataranta ay hindi niya namalayan na may batong malapit sa kaniyang inaapakan nawalan siya ng balanse at kusang ipinikit ang kaniyang mata upang hintayin na lamang ang kaniyang paglagapak.
Ngunit may malakas na mga braso ang muling sumalo sa kaniyang bisig.
"Are you okay?" Puno ng pag aalala ang mga mata nito, itinulak niya ito ng mahina sa dibdib upang makalayo ito sa kaniya.
BINABASA MO ANG
AF SERIES 2: ZIEJAN'S AFFECTION
Narrativa generaleBella Guevarra is a simple girl with a good heart. She loves her untie very much, so even when she sang in the street, she did it for her untie. She was a complete orphan and did not know her parents because they had died when she was a baby. When h...