𖡎
Chapter 19
#wrewp
"Kuya? Sino si Jake?" tanong ko.
Kuya Matthew's eyes widened a fraction. Mabilis niyang inilayo sa akin ang cellphone niya. I craned my neck as I put down my book. Magkatabi kami sa sala habang hinihintay sila Mama dumating mula sa palengke. I was studying while Kuya was busy with his phone. Panay ang ngisi niya at tawa.
Curious to know what it was, as a kid, I took a peek. Sa sobrang abala niya, hindi niya napansin na nakasilip na ako. Akala ko naman may nakitang nakakatawang post sa Facebook. May kausap pala.
I squinted my eyes and looked at him suspiciously.
"B-Bunso! Masama ang magbasa ng conversation ng iba!" agap ni Kuya.
Umiling ako. I wiggled my brows.
"Hindi, Kuya. Sino muna si Jake?"
I noticed how his face reddened like a tomato. Hindi rin makatingin sa akin nang diretso. Ngumuso ang Kuya ko habang pilit tinatago sa gilid niya ang kaniyang cellphone. Mas lalo akong tinamaan ng kuryosidad.
"W-Wala."
"Wala, Kuya?"
"Tss, bunso. Wala nga!" bulalas ni Kuya gamit ang mahinahon niyang boses. "Kaklase ko!"
Humalakhak ako. "I don't call my classmates 'love', Kuya."
Namilog ang mata niya at hindi ako makapaniwalang tinignan. Mas lumakas ang halakhak ko dahil huling huli ko na. Love, Kuya? Tapos Jake? Kaklase? Iba na 'yan ah. Hindi nga gano'n ang tawag ko kila Gabe. Minsan pa nga ang tawagan namin ay panot. Parehas kasi kaming nagpakalbo noon. Gupit estudyante raw.
"Just don't tell, bunso, okay?"
I nodded my head. Nagningning ang mga mata ko. Sabi na eh!
"Promise!"
"He's my . . . boyfriend."
Kahit alam ko namang iyon ang sagot, hindi ko pa rin maiwasan magulat. Kuya was already in high school while I was in grade school that time. Tapos ay may boyfriend na siya. Kapag ba sumampa ako ng high school ay magkaka-girlfriend na rin ako? Puwede kaya 'yon?
I promised Kuya that I wouldn't tell anyone. Because I knew how our parents would react. Kahit manlang sa ganiyan ay maging masaya si Kuya. Kahit 'yung kasiyahan niya ay sa labas niya nahahanap at hindi rito sa bahay namin. Hindi ko iyon ipagkakait sa kaniya. Kuya Matthew deserves all the great things in the world. He suffered so much and I just hoped that his boyfriend, Jake, would make my Kuya the happiest person.
And that was my wish.
And alongside that wish was hope.
Hopeful that Kuya would be able to find every reasons to feel worthy. At sana, maiparamdam iyon sa kaniya ni Jake.
But all those wish and hope was diminished when our parents found out about it. It was terrifying. It was traumatizing. Pero wala akong nagawa. Napangunahan ako ng takot. Sobrang takot. Kinekwestyon ko sa utak ko ang mga magulang ko kung ni-katiting ba na pagmamahal kay Kuya ay naiparamdam nila?
Kahit . . . kaunti lang?
"Para rin 'to sa 'yo, Matthew!"
I was woken up by a commotion downstairs. Dinig ko ang boses ni Mama at Papa. Mayroon din akong naririnig na isa pang boses na tila ba may inoorasyon. Agad akong tinamaan ng kaba at walang pagdadalawang isip na bumangon para alamin ang nangyayari.