Prologue

12 0 0
                                    

Back in college, we have this topic in Ethics that tackled the vices and virtues of the sphere of our actions and feelings.

The vices have two types: the excess and the deficiency. Virtue is the mean, balancing everything.

If what I've felt at that time was fear, then I could say that I chose to choose the second type of vice, the deficiency, and fear's deficiency is..... cowardice. And I still think that I am a coward for not taking the risk and still regretting it after how many years.

Wala sa sarili kong binuga ang usok galing sa'king sigarilyo bago pinatong ang dalawang kamay sa railings. Agad na tumingin sa langit ng marinig ang mahinang pagkulog.

"Pati yata langit nakiki-epal sa pagdadrama ko," natatawa kong sabi sa kawalan.

Saglit kong narinig ang boses ng DJ, na paniguradong ang kaibigan kong si Kier, bago ulit tumahimik ang paligid.

Sa wakas naman at dumating na ang kumag. It's already 11 pm and halatang nagpapa-special ang isang iyon porket siya ang DJ ngayon. At saka ang boring ng choice of music nila, kay Kier solid masyado kaya pa-special guest ngayon ang gunggong.

Lilingon na sana ako ng marinig ang tunog ng sapatos ngunit agad na natigilan ng may nagsalita.

"What? You are tryna be back on clubbing to hook up with someone again?"

Pagak akong tumawa bago sumagot. "Then..... bakit ka nandito? Tryna hook up with someone too?"

"So you admit that you're fucking trying to, huh?" Ramdam ko ang irita sa boses niya kaya naiiling akong lumingon.

Agad kong nakita ang pamatay na mukha ng gago.

Tangina na mukha 'yan!

Kaya patay na patay ako dati sa gagong 'to, eh. Hindi ko naman masisisi ang dating ako, worth it na worth it namang masaktan sa ganito kagwapo.

Pagod akong natawa nang mas napagmasdan ang mukha niya. Bakit galit na naman 'to?

Ano na naman bang ginawa ko?

Tangina, wala pa ngang 2 years simula nung nagbreak kami tapos may ganito na. Akala ko ba after 5-10 years pa bago magkakaroon ng reunion ang mga mag-ex? Base lang sa mga napanood at nabasa ko sa movies. 

Wala bang comeback na magaganap? Parang patay na patay ka pa talaga sa ex mo, Iuseff, ah.

"Ano? Hindi ka sasagot, Rufino?"

Oh banas na naman 'to!

Ang init init ng dugo sa akin, parang hindi ako gustong-gusto mukbangin dati. Dati hindi lang mapagbigyan sa kiss hindi na namamansin, ngayon hindi lang sasagutin parang konti na lang uupakan na ako.

Parang wala kaming pinagsamahan, ha.

Natatawa kong pinatay ang apoy ng sigarilyo ko bago napagpasyahang maglakad papunta sa kung nasaan man ang basurahan.

"Now you're trying to walk away?"

Natatawa kong ginulo ang buhok ko bago shinoot na lang sa basurahan ang sigarilyo.

Two meters pa yata ang layo pero na-shoot ko pa. Angas ko, ha!

Lahat na lang talaga bibigyan ng meaning. Tatapon lang ng basura, nasabihan pang tatakas.

Anong tatakas? Brave na 'to, uy!

"Ano bang dapat kong isagot? Na oo? Na naghahanap ako ng babae—"

"Oh here comes your so straight and lover boy era coming back then!"

Minsan talaga bastos din 'tong ex ko, ni hindi man lang ako pinatapos sa sasabihin.

"O edi lalake ang hahanapin ko!"

Mas tumalim pa yata ang tingin niya sa akin. Ano bang problema nito?

Naiinis kasi kanina sinabi kong babae hahanapin ko, ngayon mas nagalit dahil lalake na.

Hindi pa ba 'to naka-move on sa'kin?

I mean, I can't blame him. I'm too hot to forget, eh.

"You know what? Tigil na natin 'to, aalis na ako," naiiling kong dugtong.

Wala naman kasing sense makipagbangayan sa kanya.

Iisipin ko na lang na nakahigop 'to ng usok kaya si Anger ang controller niya ngayon. Ako pa talaga napagbalingan, ha.

Gabing-gabi na oh.

Bago ko pa maabot ang doorknob ay humarang na ang mala-gorilla na katawan niya sa pinto.

Ano? Makikipagpatintero ba 'to sa akin?

Kanina pa 'to, ah!

"Look, Khaos. Wala ako sa mood para makipaglaro sayo tonight, okay? At hindi tayo ganoon ka-close para mag-usap, yes, we used to  be. Used, as in with a d. Past tense! Two years ago!"

Used na pala, e, ba't hindi mo matignan sa mata? Putangina naman, oo, Iuseff.

"Past na pala then why don't you say it again while looking at me? Eye to eye, Rufino, " tila nanghahamon pa na sabi niya.

Napahilamos ako sa mukha sa sobrang stress. Ano bang dapat kong i-rebat sa kumag na 'to?

"Sa sobrang lapit mo titingin pa ko sayo mata sa mata? Baka maduling pa ko, hoy!"

"Tigil niyo na 'yang landian niyo. Halata namang gusto niyo lang mag-comeback." Agad akong napalingon sa likod ko.

Anak ng? Bakit nandito 'tong si Sadness?

"Papasok ako, pre. Paharang harang kayo sa pintuan, sa motel nga kayo maglandian," asar niya pang dugtong.

Nayayamot akong gumilid, ganoon din ang ginawa ng ex ko ngunit nakipag-appear pa muna si Sadness sa tropa niyang si Anger bago buksan ang pinto.

"Seriously, if you two still like each other then stop being a pussy. And I know you're still calling me sadness on your mind, Iuseff," pahabol pa ni Sadness.

Aba! Iba talaga 'tong tropa ni Anger, hindi lang mala-sadness ang buhok at aura, mind reader din pala!

Hulaan nga niya muna if gusto kong makipag-comeback dito kay Anger dahil as far as I've known ay ayoko na.

"Tinitingin tingin mo diyan? Gusto mo? Luh, asa ka!"

At wala man lang reaksyon ang magaling kong ex. Paano ko nga ba 'to naging ex, e, hindi man lang kami same ng humor?

"What if gusto ko?" Seryoso niyang tanong sa'kin.

Ha?! Ng ano? Pinagsasabi nito? Nakahithit nga talaga siguro ito ng usok.

"What if gusto ko nga ng comeback?"

Ako rin naman...... Ha?! Gusto niya ng ano?!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 20 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Within Those What If'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon