Ilang gabi akong hindi nakakatulog nang maayos magmula nang gabing 'yon. Parang sirang plaka ang boses ni Sonnet sa isip ko na paulit-ulit akong tinatawag at para bang ayaw talaga akong patulugin.
Hindi ko pa 'to nasasabi kay Summer dahil ayaw kong mag-assume na tama nga ang sinasabi niya kahit pa para akong tanga sa tuwing malalapit ako kay Sonnet.
Even the mention of his name in my head sends my heart racing! Hindi ko talaga maintindihan kung anong nangyayari sa akin these past few days!
Kagaya na lang kahapon, parehas kaming nasa office ni Daddy. Siya, busy sa thesis niya. Ako, nautusang maghanap ng file ni Dad.
Napasabunot ako sa ulo ko at napa-facepalm na lang habang naghahanap ng flash drive.
Hindi ko kasi maiwasan na mapasulyap kay Sonnet habang nag-oopen ng drawer ni Daddy. Muntik ko pa tuloy matabig ang monitor!
Ano bang nangyayari sa akin? May mali na ba sa sistema ko?
"May hinahanap ka?"
Napaangat ako agad ng tingin kay Sonnet nang magsalita siya. Nakatuon pa rin ang atensyon niya sa laptop at nagtitipa doon.
'Oo, Sonnet. Hinahanap ko ang katinuan ko na tinangay mo!' Gusto ko sanang sabihin pero nawala ko na rin yata pati dila ko!
Nang hindi ako makasagot agad ay sinarado niya ang laptop niya at lumapit sa akin.
Susmaryosep! Ang puso ko baka marinig niya!
"Need help?" namumungay ang mga mata pa niyang alok.
Para akong natood doon at hindi makagalaw.
Lumapit siya sa akin at nakihanap sa mga drawer ni Daddy kahit hindi naman niya alam ang hahanapin.
Nang tumama ang braso niya sa braso ko ay wala sa sarili ko siyang naitulak.
"Livie!"
"Ay... Sorry," kagat-labi kong sabi. Ayaw ko siyang tumabi sa akin dahil baka marinig niya ang nagwawala kong puso!
Nang makatayo na siya ay agad akong kumaripas ng takbo palabas.
Buong maghapon noon ay nilalapitan niya ako para tanungin kung anong problema ko o kung galit ako sa kanya dahil iniiwasan ko siya kahit saan ako magawi sa bahay.
Hindi ko nakuha ang pinapahanap sa akin ni Daddy. Kahit pa nang utusan niya ako ulit na hanapin 'yon ay hindi na ako sumunod.
Parang hindi ako makahinga kapag nasa iisang lugar lang kami ni Sonnet. Hindi ko maintindihan pero naguguluhan yata ang puso ko.
At ngayong araw, walang pasok dahil sabado pero pinili kong pumasok sa school para magpalipas lang ng oras. Hindi pa ako nakakadalaw ulit kay Mommy dahil sabi ni Ninong ay nagkaroon na naman ng manic episode si Mom after ko bumisita last month.
I'm not sure if gaano kalala pero I'll still visit her kahit pa nitong mga nakaraang linggo ay halos isang oras na lang ako pinapayagang mag-stay doon ni Ninong. He told me mas naging violent na daw si Mommy. I hope she feels better today. Sana pagbalik ko doon ay mas maging okay siya.
Mahangin at maaraw na sa labas dahil December na. Malapit na naman ang bakasyon. I am excited and, at the same time, nervous dahil unang Pasko namin na kasama ang mga Han.
Speaking of Han, hindi ako nakisabay kay Sonnet dahil wala naman siyang pasok. Nagcommute na lang ako dahil kahit pa sabihin niyang ihahatid niya ako ay hindi ko 'yon tatanggapin dahil delikado na.
BINABASA MO ANG
Dis-Engagement Proposal
Teen FictionIn a desperate attempt to mend her broken family, Olivienne hatches a daring plan: sabotage her father's impending wedding to another woman by dating the bride-to-be's son. As she navigates the delicate balance between love and loyalty, Olivienne gr...