PABLO'S POV
"Kuya yani ano ba, please maman oh paki bilisan." Nang gagalaiti na ako sa galit, hindi ko pa kasi alam kung anong lagay ni Stell, tapos itong si Kuya yani naiwan pa susi ng sasakyan sa office.
"Kumalma ka nga Pablo, buti nga pinayagan pa kitang pumunta!" Pagalit na sabi nito.
Kailangan kong mag pasalamat? Eh sa tutuusin lang dapat kanina pa ako nandun, dahil una sa lahat wala ng mas importante pa kaysa kay Stell.
Nang makuha na ni Kuya Yani, agad din kaming nag lakad pababa ng Parking lot, habang nasa elevator biglang nag notify phone ko, agad ko din itong tinignan nagbabakasakaling si Stell ang nag message at tama nga ako.
STELL'S POV
Napabuntong hininga nalang ako, buti nalambing ko pa si Pablo para hindi na sumunod dito, buti talaga na message ko pa ito. Kung hindi baka pag pyepyestahan nanaman kami sa social media ng wala sa oras.
"Stell, are you sure hindi mo i rereport to?" Nag aalalang tanong ni Xii sa tabi ko.
"Hindi na, I'm okay naman na, saka mild fracture lang naman." Tinuro ko pa yung paa ko, tapos ngumiti. "Pero Xii, promise me hindi mo sasabihin kay Pablo, please."
BINABASA MO ANG
TWO-FACED a STELLJUN AU [SB19]
FanfictionIs it right to fall in love with someone who wears two faces, without knowing which one is genuine?