Chapter 9

65 2 0
                                    


Napaawang ang bibig niya sa labis na pagkabigla sa tinuran nito. How dare this man think of me that way? At the back of her mind, alam niyang pino-provoke lang siya nito. Ngunit hindi niya nakayang pigilan ang tila paghi- hysteria.

"At ano naman ang tingin mo sa akin, ha? Isa sa

mga babaeng nagkakandarapang mapansin mo? For your

information, Mr. Agustin, hindi ako interesado sa iyo o

kahit sino pang katulad mo ang reputasyon. Alam ko

kung anong damage ang magagawa ng tulad mo dahil

kinalakhan ko 'yan na ginagawa ng tatay ko sa nanay

ko. At lalung-lalo namang hindi ako nagseselos sa kahit

sino pang babaeng mapadikit sa iyo, okay?

"Nagkataon lang po na mahilig akong magbasa, mapadiyaryo man o magazines. Lahat po iyon ay binabasa ko. At hindi ko na kasalanan kung nasusundan ko man ang buhay mo dahil pagbuklat ko ng magazines at diyaryo ay palagi kang present sa mga artikulo roon."

Hiningal siya nang matapos siya sa mahabang sinabi.

"So, you mean to say you don't like me? I mean as a man?" diretsong tanong nito.

"Definitely not," mabilis pa sa alas-kuwatrong sagot niya.

"You're not even attracted to me?"

"Not in any way, thank you very much," mas mabilis na namang tugon niya.

Ano ang akala ng lalaking ito? Na mapapabilang siya sa mga babaeng humihingi ng atensiyon nito? Hah! Ibahin niya si Mary Drew Antonio!

"Really?" tila nanghahamon ang tonong tanong pa nito sa kanya.

"Really!"

"You mean that?"

"Yes!" walang gatol na tugon niya.

"You're saying you're immuned to my charm, my dear Drew?"

"Y-yes," napalunok nang wika niya. Bigla kasi siyang kinabahan nang tila may nababasa siyang kapilyuhan sa mga mata nito. Para bang may pinaplano itong gawin na hindi niya mawari.

"All right, let's see," anito, pagkatapos ay lumapit nang husto sa kanya. Napaurong naman siya, ngunit patuloy pa rin ang paglapit nito sa kanya. Hanggang sa bumangga ang likod niya sa pinakaposte ng kubong iyon at wala na siyang maurungan pa

"Ano'ng ginagawa mo?" Malakas na ang kabog ng dibdib niya.

"Titingnan ko lang kung nagsasabi ka ng totoo," nakangiting wika nito.

"Are you crazy? Lumayu-layo ka nga sa akin."

"Not until I'm finished," anito.

"Finished with... what?" Nanginginig na ang boses niya dahil unti-unti nang inilalapit ni Riley ang mukha nito sa mukha niya,

"This." Pinakatitigan siya nito sa kanyang buong mukha. Langhap na langhap niya ang mabangong hininga nito. At dahil malapit na malapit na ang mukha nito sa kanya ay halos magdikit na rin ang mga labi nila. Hindi siya makapag-iwas ng tingin dahil wala naman siyang ibang mabalingan. Nakaharang kasi ang mukha nito sa mukha niya.

Hindi siya makagalaw sa takot na baka kapag kumilos siya ay tuluyan nang magdikit ang mga labi nila. Naging triple pa yata ang bilis ng tibok ng kanyang puso. Pakiramdam niya ay naririnig na rin iyon ni Riley.

"What... are... you... doing?" pahintu-hintong tanong niya rito, Lalo pang nag-init ang mukha niya. Nang halos mapadikit na ang mga labi nito sa mga labi niya ay wala na siyang nagawa kundi ang awtomatikong mapapikit. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman. She wanted

for their lips to meet as much as she dreaded it!

Alam niyang ilang sandali pa ay lalapat na ang mga labi nito sa mga labi niya. Ngunit dumaan ang ilang segundo ay hindi pa nangyayari iyon. Nang maramdaman niya ang malamig na simoy ng hangin ay saka pa lamang niya natantong tila hindi na nakadikit ang mukha nito sa mukha niya.

Ganoon na lamang ang pagkagulat niya nang magmulat siya ng mga mata at makitang maluwang ang pagkakangiti nito habang pinagmamasdan siya. Needless to say, nakita nitong bahagyang nakabuka ang bibig niya habang hinihintay na lumapat ang mga labi nito sa mga labi niya!

He made a trap for her! At nahulog siya sa trap na iyon! Ngayon ay siguradong pinagtatawanan na siya nito. Nakakahiya ka, Drew! Umakto kang katulad ng mga babaeng nagkakandarapang mapansin ng lalaking ito! piping kastigo niya sa sarili.

"Well, Miss Antonio, seems like you're not immuned to me after all?" anito habang nasa mga labi nito ang makahulugang ngiti.

Hiyang-hiya siya. Nang mapuna niyang humina na ang ulan ay agad na bumaba siya ng papag at isinuot ang sandals niya. Hindi siya magkandatuto sa pagsuot niyon. Wala siyang ibang gusto kundi ang makaalis sa lugar na iyon.

"Gusto ko nang bumalik sa Maynila. Hindi ko na gustong makasama pa ang mayabang na katulad mo." Pagkasabi niyon ay agad na niya itong tinalikuran at tinahak niya ang daan papunta sa kinapaparadahan ng kotse nito. Narinig pa niya ang malakas na pagtawa nito kaya lalo siyang nainis. Pakiramdam niya ay naisahan siya ng herodes na iyon!

Nasa loob na siya ng sasakyan nito nang makasunod ito. Mabuti na lamang at bukas ang pinto ng passenger's seat. Habang nasa biyahe sila pabalik sa Maynila ay walang namagitang kahit isang salita sa kanila. Hanggang sa hindi niya mamalayang tuluyan na palang sumuko sa antok ang diwa niya.

 I'm Addicted to Your Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon