NAKAKAIN na si Drew at ang Tita Eva niya at nakapaglinis na siya ng katawan nang mapagtanto niyang naiwan niya sa opisina ang files na kailangan niya bilang reference para sa ipinapagawa sa kanya ni Atty. Mendrez. Hindi niya iyon natapos dahil maaga siyang umuwi kanina. May trangkaso kasi si Tita Eva. Balak niyang gawin ang report na iyon sa bahay.
Wala siyang nagawa kundi ang balikan iyon. Ngunit hindi na siya nag-abala pang magbihis. Suot ang pajama at blouse na spaghetti-strapped na pantulog ay bumalik siya sa opisina. Pinatungan na lamang niya ng sweater ang pang-itaas. Pagkatapos maiparada ang kotse niya sa tapat ng building na kinaroroonan ng law firm ay dali-dali na niyang tinungo ang kanilang opisina. Nasa ground floor ang opisina nila kaya madali siyang nakarating doon. Nag- log in muna siya sa record book ng security guard sa lobby.
May duplicate key siya ng front door at ng opisina nila ni Atty. Mendrez na pinakamay-ari ng law firm Pagkatapos makuha ang files sa drawer niya ay agad na rin siyang umalis.
Nakalabas na siya ng opisina nang muling madaanan niya ang opisina ng kanyang nobyong si Albert. Kanina ay tahimik sa loob niyon ngunit ngayon ay tila may narinig siyang mga boses mula roon.
Kanina ay tinawagan niya si Albert upang ipaalam ditong maaga siyang uuwi upang matingnan si Tita Eva. Sinabi nitong pupunta na lamang ito sa bahay nila. Ngunit hindi iyon natuloy dahil pagkatapos daw ng hearing nito ay dumiretso na ito sa unit nito dahil masama rin ang pakiramdam nito. Hindi naman niya ito mapuntahan kaya binilinan na lamang niya itong uminom ng gamot at magpahinga.
Tatlong taon na ang relasyon nila at masasabi niyang stable iyon at may plano na silang magpakasal Masaya siya at hindi naman nasayang ang paghihintay at pagiging mapili niya. Ang gusto niya ay seryosong relasyon kaya itinuon muna niya ang atensiyon sa pag- aaral. Ayaw niyang mapunta sa katulad ng kanyang ama
Dahan-dahang lumapit siya sa pinto ng silid ni Albert. Nang itapat niya ang tainga sa pinto ay naulinigan niya ang boses nito. Hindi ito nag-iisa "roon. May naririnig din siyang kasama nito. At boses iyon ng isang babae.
Agad na sinalakay ng kaba ang dibdib niya. Hanggang sa mamalayan niyang nagsimula na pala siyang panginigan ng katawan. Mabilis na mabilis ang tibok ng puso niya. Nanginginig ang kamay na hinawakan niya ang doorknob. Nang marahang pihitin niya iyon ay natuklasan niyang hindi naka- lock iyon.
"You are one naughty boy, Attorney Beltran," wika ng tinig ng babae kasabay ng isang tila nakikiliting paghagikgik. Pamilyar sa kanya ang boses na iyon.
Hindi niya alam kung makakaya niyang tanggapin kung anuman ang makikita niya sa likod ng pintong iyon. Ngunit bago pa man niya pihitin pabukas ang pinto ay alam na niya kung ano masasaksihang eksena. At ngayon pa lang ay dama na niya ang tila pagkadurog ng kanyang puso. Parang gusto na lamang niyang tumakbo at tuluyang umalis sa lugar na iyon.
Naduduwag man ay nilakasan niya ang loob. Nang sumunod na marinig niya ang tila pagha- linghing ng babae ay buong tapang na malakas na ibinukas niya ang pinto. At tulad ng inaasahan niya ay naroon nga si Albert at may kasama itong babae.
Hindi lamang basta magkasama ang dalawa. Nakakandong ang babae kay Albert habang nakaupo ang nobyo niya sa swivel chair nito. Hindi na suot ni Albert ang amerikana nito. Kahit ang long-sleeved polo nito ay nakabukas na at nakahantad ang dibdib nito
Ang babaeng nasa kandungan nito ay bra nu lamang ang pang-itaas na suot. At sa posisyon ng mga ito ay nakita niyang nakalilis na pataas ang palda ng kaulayaw ni Albert. Pagbukas niya ng pinto ay eksakto namang nakasubsob ang mukha ni Albert sa dibdib ng babae na walang iba kundi isa rin sa mga abogado ng law firm na iyon na si Atty. Katrina Ojeda Napaawang ang bibig niya habang may luha na ang kanyang mga mata. Sa labis na pagkabigla ay hindi nakakilos ang mga ito.
"D-Drew!" pabiglang bigkas ni Albert sa pangalan niya.
God, she couldn't believe this! Hindi totoo ang nakikita niya. Hindi siya magagawang lokohin at traidurin nang ganoon ni Albert dahil ito ang lalaking nagsabi sa kanya na mahal siya nito at magiging tapat sa kanya.
Ni hindi man lang niya nahalata na may nagaganap na palang milagro sa pagitan nina Albert at Atty. Ojeda. Civil lamang ang pakikitungo ng mga ito sa isa't isa kapag nakikita niyang magkasama sa opisina. Hindi palangiti at may pagkasuplada ang dating ni Atty. Ojeda. Istrikto at professional ito sa trabaho. Kaya ni minsan ay hindi pumasok sa utak niya na maaabutan niya ito sa ganoon kalaswang eksena. At ang nobyo pa niya ang kaulayaw nito! "Mga walanghiya kayo!" mahina ngunit mariing sambit niya sa mga ito.
Tila tinakasan na siya ng lakas. Kahit ang mga tuhod niya ay tila hindi na kayang suportahan ang katawan niya. "Mga baboy! Ni hindi na kayo namili ng tamang lugar." napapailing na dagdag niya. Binalingan niya si Atty. Ojeda. "A good lawyer. Kilalang matinik sa strategies pagdating sa court hearing at paggisa sa mga witness. Ano na lang kaya ang iisipin ng lahat kapag nalaman nila na ibang-iba si Attorney Ojeda sa ibabaw ng kandungan ng boyfriend ng iba? Na mahilig pala siyang makipaglaro sa mismong workplace. And I thought you were the ever professional lawyer. Pwe!" puno ng galit na wika niya. Kapagkuwa'y ang nobyo naman niya ang binalingan niya. "Ikinahihiya ko na minahal ko ang isang tulad mo, Albert. Isang lalaki na inakala kong tapat at may prinsipyo. And I am so glad I maintained my stand not to sleep with you. Lucky you dahil may isang Attorney Ojeda pala na handang magtaas ng palda niya para sa iyo. How cheap, Attorney Ojeda. You allowed yourself to be used a place like this."
Pagkasabi niyon ay mahinahong tinalikuran niya ang mga ito at isinara ang pinto. Dahan-dahan pa rin siyang naglakad diretso palabas ng law firm na iyon. It had been a difficult task to walk from the building to her car. It had been an effort to drive her car.
BINABASA MO ANG
I'm Addicted to Your Love
Romance|Complete| CEO × Secretary Mary Drew Antonio "How can I work for a man na hindi ko gusto ang ginagawa? Sa isang taong mapaglaro sa damdamin ng mga babae at napakapalikero?" Iyon ang sentimyento ni Drew ngunit napilitan pa rin siyang magtrabaho bilan...