Chapter 11

64 2 0
                                    

Paulit-ulit na sumalit sa kanyang isipan ang eksenang naabutan niya kanina sa opisina ni Albert. Nang maramdaman niya ang pagbaligtad ng kanyang sikmura ay inihinto niya ang sasakyan sa gilid ng daan. Bumaba siya upang sumuka. Nang mahimasmasan at matiyak na kaya na niyang muling magmaneho ay muli siyang sumakay sa kotse at pinaandar iyon.

Nang pumarada siya sa tapat ng bahay nila ay saka pa lamang siya umiyak nang umiyak. Matagal siyang nanatili roon habang iyak nang iyak. Iniyakan niya ang muling pagkasira ng tiwala niya sa mga lalaki na nauna nang nasira ng kanyang sariling ama. Iniyakan niya ang mga panahong ibinuhos niya kay Albert; ang mga panahong napaniwala siya nitong tapat ito.

Hindi pa roon natapos ang lahat. Sinundan siya ni Albert sa bahay nila. Kaya naabutan pa siya nitong nasa labas ng bahay at nasa loob ng kotse niya. Mabuti na lamang at tapos na noon ang pag-iyak niya.

"I'm sorry, Drew... I'm so sorry... Please, forgive me," paghingi nito ng tawad sa kanya nang pareho na silang makababa mula sa mga kotse nila.

"Kailan pa?" walang emosyong tanong niya rito. "Drew"

"Kailan n'yo pa ako niloloko? Kailan ka pa nagsimulang sumiping kay Attorney Ojeda?"

"Drew, it's nothing"

"Kailan?!" malakas na wika niya. "Isang linggo na? Isang buwan? Anim na buwan? Kailan?"

"Drew, don't do this to yourself-"

"Tell me."

Nalaglag ang mga balikat nito. "It's been... It's been almost a... a year..."

Parang sinaksak ang puso niya sa pagtatapat na iyon ni Albert. Almost a year? Ganoon na katagal siyang niloloko nito at pinagtatawanan ni Atty. Ojeda dahil tutulug-tulog siya sa pansitan?

"Leave," mahina ngunit mariing wika niya.

"Drew, let's talk about this-"

"Leave and never come back, Albert. I don't want anything to do with you anymore. We're done."

"Drew, please-"

"1 said leave!"

"Ikaw rin naman ang may kasalanan, eh!" malakas na ring wika nito. "Kung hindi ka nagpaarte-arte at nagpakiput-kipot, sa palagay mo ba'y maghahanap ako ng iba? You care so much about your virtue. Three years na tayo pero hindi mo pa rin ako magawang pagbigyan. Tiyak na pagtata-wanan ako ng mga kakilala ko kapag nalaman nila na hanggang halik at yakap lang ako sa iyo!"

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. And she thought he respected her.

"You're twenty-eight and what? Virgin ka pa rin Sa palagay mo ba, matutuwa pa ang lalaking ipapula mo sa akin kapag nalamang virgin ka pa after all these years? He will think something is wrong with you, Drew And something is really wrong with you! Frigid ka Wala kang kakayahang makadama ng init at magpadama n'on. You are so cold 1 had to find someone with passion."

Hindi na siya nakapagpigil pa. Sinampal niya ito nang ubod-lakas. Napabiling ang mukha nito. Kitang kita niya ang galit na ramehistro doon. Gumanti ito ng sampal sa kanya. Tuluyan nang nawala ang respeto niya rito, lyong lapit niyang iyon dito ay agad niya itong tinuhod sa hinaharap nito.

Napasigaw ito sa labis na sakit.

"Umalis ka na at huwag na huwag ka nang babalik pa rito! lyon lang at pumasok na siya sa loob ng bakuran nila. Nang marinig niyang umalis na ang kotse nito ay saka pa lamang siya lumabas upang ipasok naman ang kotse niya. Wala nang luhang lumabas mula sa kanyang mga mata. Galit ang namamayani sa kanyang puso dahil sa kawalan nito ng respeto.

Ilang ulit pa siyang tinawag-tawagan ni Albert upang pagbantaan. Huwag na huwag daw niyang sasabihin kay Atty. Mendrez na boss din nito at ni Atty. Ojeda ang tungkol sa natuklasan niya kung hindi ay hindi raw niya magugustuhan ang gagawin nito. Hindi na siya nag-aksaya pa ng panahong ilantad ang natuklasan. Hindi dahil natatakot siya sa banta ni Albert kundi dahil hindi na niya kaya pang pag- aksayahan ng kahit isang minuto pa ang dating nobyo. Ilang buwan ding paulit-ulit na napapanaginipan niya ang masasakit na salitang iyon ni Albert sa kanya. Hindi niya matanggap na siya pa ang lumabas na may kasalanan kung bakit ito nagloko. Lalo niyang na-real- ize na marami talagang lalaking manloloko sa mundong ito.

"Sa palagay mo ba, matutuwa pa ang lalaking ipapalit mo sa akin kapag nalamang virgin ka pa after all these years? He will think something is wrong with you, Drew. And something is really wrong with you! Frigid ka. Wala kang kakayahang makadama ng init at magpadama n'on. You are so cold I had to find someone with passion."

Ang mga katagang iyon ang paulit-ulit na naririnig niya sa kanyang isipan. Naging masyadong traumatic sa kanya ang karanasan niyang iyon kaya paulit-ulit na napapanaginipan niya iyon hanggang sa magigising na lamang siyang tigmak ng luha ang kanyang mga mata.

 I'm Addicted to Your Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon