CHAPTER 25
Magnets Repelled
“Anong nararamdaman mo?” kalmadong tanong sa'kin ni Micay habang sinusubuan ako ng mansanas.Hindi pa rin kasi ako pwedeng kumain ng heavy meals dahil ayon ang advised ng Doctor. Tanging prutas lang daw muna. Hindi pa rin bumabalik ang lakas ko at kailangan ko pa ng tulong para makabango at kumilos.
“Okay na... hindi ko lang maikilos masyado ang katawan ko.” Sagot ko.
Nakatulog na si Brix at Akon sa couch samantalang umuwi na sila Pat at Sean. Malapit na kasi mag-gabi at bawal silang umuwi ng late. Si ZL naman ay nasa dating pwesto niya at pinapanood kami ni Micay.
Pinapauwi ko na sila kanina pero tumanggi lang. Linggo naman daw bukas at nagawa na nila ang mga dapat nilang gawin, gusto raw nila bumawi sa'kin. Sa totoo lang, nahihiya ako sa kanila. Para bang ang selfish ko sa nagawa ko, hindi ko sila inisip. Tapos eto sila ngayon, wala raw silang palya sa pag bisita sa'kin araw-araw. Minsan pa ay dito na rin daw sila natutulog.
“The sleeping pills you took had the effect of paralyzing you, leaving you unable to move.” Tugon ni ZL sa'kin.
Umiwas ako ng tingin sa kanya. Nahihiya kasi ako sa ginawa ko, pero hindi ako nagsisisi. At kapag naalala ko 'yon, mas gugustuhin ko na lang hindi gumising kesa makita silang inaalagaan ako dahil sa ginawa ko.
“Hindi ka pa raw pwedeng lumabas hangga't hindi pa okay ang buo mong katawan. Alam ko ang iniisip mo, Nola... please don't think that way. You've already been through so much, and we're here to support you. You're not alone in this; we're in this together.” Saad ni Micay na para bang nabasa ang nasa isip ko.
“I just can't help myself. I know you all worry about me, but I wish you wouldn't. Because what if I did this again and I won't wake up anymo---”
“Don't say that, Nocia.” ZL cutted me off with a serious expression. “Willingness namin 'to, kaya sana 'wag mo naman ipagkait sa'min.”
Yumuko ako at pinigilan maiyak. Tama siya, hindi ko dapat sila pigilan sa kagustuhan nilang tumulong sa'kin. I know they understand me deeply, and that's why I feel ashamed of myself. Whenever I feel the urge to, I can't help but distance and isolate myself. No matter how many times they tell me I'm not a burden, the feeling is already ingrained within me, haunting me every time.
I understand their intentions are to help, and I hate the fact that I perceive it as pity towards me. I appreciate their concern, but I'd prefer they didn't waste their time trying to mend the parts of me that are broken, as those are my own burdens to bear.
Ilang minuto rin kaming tahimik at tanging nguya ko lang ang naririnig. Pasado alas nuebe na ng gabi, pero hindi pa rin sila natutulog.
"Totoo ba na yung kambal ni Hennessy ang dahilan kung bakit nag-away sila Brix at Akon?" bigla kong tanong naikinagulat ni ZL at Karmic. HIndi rin kasi ako makatulog kaya naisipan kong hanapin ang mga sagot na gumulo sa'kin noong nakaraan.
“O-oo, eh. Pasensiya na kung hindi namin nasabi sa'yo. Nawala na rin kasi sa utak namin dahil magka-ayos naman na yung dalawa.” Sagot ni Micay at ngumiti.
Tumango ako. Hindi naman bigdeal sa'kin dahil labas naman ako sa nangyari. Isa pa, nangyari 'yon noong hindi pa ko pumapasok sa buhay nila kaya wala akong karapatan magreklamo.
“Hindi, natanong ko lang kasi nabanggit din noong nakaraan nila Pat. Sinigurado ko lang kung tama ang assumptions ko.” Komento ko.
BINABASA MO ANG
Seeking the Wellspring of Heart
RomanceNocia's life has been marked by a sense of disconnection and isolation from her family. From a young age, she was made to feel like she didn't belong and that she was a burden, despite her efforts to meet her family's expectations. This experience h...