His voice (One Shot)

85 9 4
                                    

Nakatingin lang ako sa orasan sa loob ng kwarto ko. 11:11 pm na wala pa yung gwapo kong asawa? Tss -_- baka nakipag-date na yun sa iba! Aish! Ang paranoid ko ba? Kung ikaw kaya magkaroon ng poging asawa plus matalino plus may abs at higit sa lahat maganda yung boses, tignan natin kung di ka maging paranoid! Anyway, Sshhh lang kayo ah! Secret lang natin na sinabi ko sa inyo na maganda yung boses nya, ayaw nya kasing ipaalam sa iba. Kasi daw ako lang daw dapat ang makakarinig ng golden voice nya! Hihihi ;) Ganun ako kamahal ng asawa ko :D Sweet nya noh? Kaya love na love ko yan ih!

"Hello my love! Sorry late na ko naka uwi ah! *kiss*"

"Kanina pa kita iniintay my love, alam mo namang di ako nakakatulog pag di mo ko kinakantahan *pout*"

"Hehe! Sige na nga, kakantahan na kita."

Sa hindi inaaasahang
Pagtatagpo ng mga mundo
May minsan lang na nagdugtong,
Damang dama na ang ugong nito.

Di pa ba sapat ang sakit at lahat
Na hinding hindi ko ipararanas sa'yo
Ibinubunyag ka ng iyong matang
Sumisigaw ng pag-sinta.

Ba't di papatulan
Ang pagsuyong nagkulang
Tayong umaasang
Hilaga't kanluran
Ikaw ang hantungan
At bilang kanlungan mo
Ako ang sasagip sa'yo.

Saan nga ba patungo,
Nakayapak at nahihiwagaan na
Ang bagyo ng tadhana ay
Dinadala ako sa init ng bisig mo

Ba't di pa sabihin
Ang hindi mo maamin
Ipauubaya na lang ba 'to sa hangin
'Wag mo ikatakot
Ang bulong ng damdamin mo
Naririto ako't nakikinig sa'yo...
(Sige na mahal ko, matulog ka na. Babantayan kita palagi.Mahal na mahal kita!)

"Grabe talaga yang baliw dyan sa kabilang kwarto friend!" -nurse 1

"Sinabe mo pa! Tuwing alas dose ng gabi, lagi yang kumakanta! Kinikilabutan nga ako eh!" -nurse 2

"Wag kayo! Ang saklap ng pinagdaanan nyan ni Mrs.Smith!" -nurse 3

"Chika mo naman samin!" -nurse 1

"Ganto kasi yan! May banda dati yan si Mrs.Smith, sya yung lead vocalist. Yung asawa naman nyang si Mr.Smith yung lead guitarist. Balita ko gwapo daw yung si Mr.Smith kasi foreigner!" -nurse 3

"Gwapo? May picture ka ba nung si Mr.Smith? Ay! Bet ko yang mga pogi eh!" -nurse 2

"Nasan na ba yung asawa ni Mrs.Smith? Ano bang nangyare sa kanila?" -nurse 1

"Siguro naghanap na ng iba yung si Mr.Smith? Ikaw ba naman magkaron ng baliw na asawa eh" -nurse 2

"Yung kwento ko ba eh itutuloy ko pa ba? Daldalan kayo ng daldalan eh! Mga pabebeng to! Extra na nga lang tayo dito sa one shot na to aagawan nyo pa ko ng exposure?" -nurse 3

"You may continue bh3!" nurse 2

"Yun na nga! May banda sila tas nagkain-laban sila. Then nagpakasal sila! Teh! Mala-DongYan ang wedding nila! Bongga pa sa bongga! Nung first day daw nila bilang mag-asawa, balak daw ni Mr.Smith na sorpresahin yung asawa nya. Dadalhin nya sana yung asawa nya sa bagong beach house na ipinagawa nya bago sila ikasal kaso naligaw sila. Gabi na di parin sila nakakarating dun sa beach house nila. Nung papaliko na sila sa isang makitid na daan, may humaharurot na sasakyan sa kabilang side. Lasing daw yung nagmamaneho nung kotse na yun. Then ayun! Sinubukan ni Mr.Smith na iwasan yung kotse na paparating sa kanila kaso wala na syang nagawa. Wala na syang nagawa kundi yakapin ng mahigpit ang pinakamamahal nyang asawa... Si Mrs.Smith"

"Ang sad naman nung ending :(" nurse 2

"Kawawa naman silang mag-asawa." nurse 1

"ANONG GINAGAWA NYO? MGA PABEBENG TO! CHISMISAN NG CHISMISAN! BUMALIK NGA KAYO SA MGA TRABAHO NYO! LETSUGAS!" head nurse

"My love? Nasan ka na? Iniwan mo nanaman ako? Baket tuwing gabi na lang kita nakikita ah! Lagi mo na lang akong iniiwan! David nasan ka? Mahal na mahal kita! DAVID!! DAVID!! Palabasin nyo ko dito!!! David! Mahal ko!! Palabasin nyo ko!! Pupuntahan ko yung asawa ko!! DAVID!!!"

"Doc! Doc! Yung pasyente po sa room 502 po nagwawala nanaman! Doc!" nurse

"Nurse, tranquilizer please!"

"Yes doc! Here!"

"DAVID!! Ma.. mahal na mahal ki.. kita!"













A/N:

First of all! Thank you kay God! And thank you sayo kase binasa mo to! Yun lang :D @owwsiccc Idol kita! :*

Thanks @SwaegLady for the new cover :*

Vote/Comment/Share! Love yah' :* <3

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 19, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His voice (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon