CHAPTER ONE

122 29 5
                                    

Zahaira's POV

Inipit ko ang buhok ko sa likod ng tenga ko at ngumiti sa mga estudyante. Iba’t-ibang reaksyon ang nakita ko mula sa kanila, may mga ngumiti, may mga napapatigil, at may mga napapatitig na lang. Naisip ko lang, ganun nga ba ako ka-captivating? Pero, syempre, joking lang! Alam ko namang may mga estudyanteng mabait lang dahil ang lolo ko ang may-ari ng Asia International School.

Hindi ko na masyadong pinansin ang mga tingin nila, nagpatuloy na lang ako sa lakad ko, feeling confident as always.

"Zahaira!"

Napabuntong-hininga ako at lumapit sa direksyon ng mga lalaki na nagtutulakan para makalapit sa akin. Oo, medyo nababagot na ako, pero nilakasan ko na lang ang loob ko at ngumiti.

"May kailangan kayo?" tanong ko habang tinitingnan silang nag-aalanganin.

"A-Ah, si Kevin, tumawag sa'yo, hehe!" sabi ng isa sa kanila, medyo magkahalong kaba at hiya.

"Oo, si Kevin nga."

"H-Hi, Zahaira," bati ni Kevin sa akin habang nag-aalok ng kamay. "I'm Kevin Andreas Montero."

Tinutok ko ang tingin ko sa inilahad niyang kamay, tapos ngumiti lang ako at hindi ito tinanggap. "May kailangan kayo?" tanong ko ulit, na may kaunting ngiti pa rin.

"A-Ah... w-wala lang hehe, kamusta?" tanong ni Kevin, medyo kabado.

"I'm fine. How about you, Kevin?" sabi ko, nagpapakita ng kahit konting interes.

Napangiti si Kevin sa gulat at pagkamangha sa aking sagot. "K-Kilala mo ako?"

"Hindi," mariing sagot ko"Pero kung mayroon kang kailangan, sana sabihin mo na agad."

Napakurap si Kevin sa pagkabigla, pero agad namang bumawi ngiti. "S-Sorry, gusto ko lang sanang bumati saiyo"

Ngumiti ako ng bahagya"May sasabihin pa ba kayo?"

"A-Ah...w-wala na sorry if naistorbo ka namin"

Ngumuwi akong tumatango-tango "Aalis na'ko, anyway nice to meet you, Kevin" Tumango ako at tinalikuran sila

"Gagi, pre!! ang swerte mo!!"

Napangisi akong naglakad patungo sa classroom, pero nasa hallway pa lang ako ay nakasalubong ko na ang kinaayawan ko! hate na hate kong estudyante dito sa AIS! as in hate.

Nalagpasan ko na sila pero napatigil ako ng tawagin nila ang pangalan ko mariin akong napapikit at nakangiting lumingon sakanila

"May kailangan kayo?" Kaswal kong tanong, sa t'wing tatawagin kasi ako ng mga estudyante ay ito agad ang tinatanong ko

Ngumisi si Jeanne"Mukhang good mood ka ngayon aira."

Napabuntong hininga ako ayan ang ayaw ko sa babaeng yan, ginagawa niya ako ng nickname like hello? ang ganda ganda ng nickname ko' no! Haira lang dapat ang tawagin nila saakin.

"I think he's not in the mood" Sabi pa ni Hanna, napairap ako "Good mood ka ba ngayon aira?"

Bumuntong hininga ako at nameke ng ngiti"My name is Zahaira, don't decide what nickname to call me because ang panget lang ng binibigay niyo sakin na nickname!And.. you're asking if I'm in a good mood, right? Yes, I was in a good mood earlier but nung makita ko na kayo ay nawala na yung mood ko."

"Duh? always naman eh!" Si Jeanne tumawa ako

"Mabuti alam mo." Mariin kong saad at tinalikuran sila, bumuntong hininga ako at ngumiti. Masisira ang beauty ko pag pinatulan ko pa sila tss.

"Valeria late ka nanaman!" Bulalas ng lecturer namin, pasimple akong umirap at saka bumuntong hininga "Bakit ka nanaman late Valeria? idadahilan mo ba ulit na dinala mo ang pusa mo sa Veterinary clinic?" Nakakainsulto ang tanong ni miss.

Sumama ang mukha ko at bumuntong hininga ulit "Totoo yun miss."

"Oh, eh ano naman ang idadahilan mo ngayon ha? bakit kasi may veterinary veterinary pang nalalaman" Bulong ni miss ngunit hindi iyon nakaligtas sa pandinig ko

"My cat is sick, that's why I took him to the veterinarian."

Tumawa ito at saka umiling iling lalong sumama ang mukha ko,nakakainsulto siya. Reklamo reklamo hindi naman ako nag-
rereklamo na minsan lang siya mag turo.

"Puwede naman ang magulang mo na lang ang magdala sa pusa mo Valeria" Nakangising saad niya,nagtawanan ang mga classmate ko.

"Ni hindi nga maglaan ng oras ang magulang ko sakin. dalhin pa kaya ang pusa ko" Pairap kong sabi at walang ano ano ay pumasok na sa classroom, padabog akong umupo sa gilid at kumuha ng pen and note-
book. Isa rin siya sa ayaw ko! Magaling ito magturo dahil napaka logic ng mga sinasabi niya. Ang kaso hindi siya madalas magturo
puro reasons! ang dahilan ay may meeting daw pero nakikipagchikahan lang naman.

"Parang kanina lang ngiti-ngiti ka Zahaira ah, bakit bad mood ka nanaman ngayon?" Pang-aasar ni Chadriel, nagtawanan ang mga barkada niya

Inis akong bumuntong hininga hindi ko na sila pinatulan bagkus nag focus na lang ako sa lesson.

"Okay mag quiz tayo!" Sigaw ni miss, lumaylay naman ang balikat ng mga classmate ko, at saka parehas nagsigawan, sinasabing ke'syo wag na lang daw mag quiz! breaktime na daw.

"Miss? Breaktime na po!"

"Oo nga po!"

"Quiet! mag ququiz tayo! Number one!!" Sigaw ni miss, naglakad ito sa gitna habang nagtatanong

Natapos ang quiz namin na masama pa rin ang mukha ko, tumayo ako at pinasa ang 1/4 na papel kay miss,ngisi-ngisi niya naman itong tinanggap at tinignan ang papel ko

"Aba! ikaw lang ang naka perfect na score!" Nakangising saad ni miss,sumama lalo ang mukha ko dahil nakakainsulto talaga siya, napaka sarkastika kung magsalita!

"Tss, bakit ka nagulat, miss? My quizzes are always perfect."

"Ganon ba, bakit hindi ko alam?" Nagugulat kunyari niyang tanong

Napangiwi ako"Dahil madalang lang kayo magturo miss" Kaswal kong saad at saka lumabas ng room. Pero kamalas malas nga naman dahil may nakabangga pa saakin dahilan para malaglag ang mga libro ko.

Inis ako bumuntong hininga, kukunin ko na sana ang libro ng may magkuha na nito, natigilan ako at tinignan kung sino yun. Si Claude.

"Hi Haira." Bati niya, nakangiti ng malawak.

Nag-aalinlangan man ay binati ko siya"Hi, thank you" Saad ko at saka kukuhain na sana ang libro ng ilayo niya ito, nag-angat ako ng tingin sakanya"Why?"

"Ako na ang magdadala, and puwede bang sabay tayo kumain?" Nakangiti niyang tanong, natigilan ako pero napangiwi din agad

"Why?"

"Uhm...k-kasi gusto ko" Napakamot
siya sa batok niya at natawa

Bumuntong hininga ako"Fine, but akin na to" Nakasimangot kong kinuha sakanya ang libro at nanguna sa paglalakad, dinig ko naman ang matunog niyang tawa at sumunod na saakin.

To be continued...

Stay With Me (COMPLETED)Where stories live. Discover now