Chapter 22

11 4 1
                                    

"Ballpen?" Patanong na tawag ni Pattema. I had been standing behind her in line and she just noticed me.

"Ngayon ka palang magpapapirma ng clearance mo? Tapos na 'yung mga kaibigan mo, bakit hindi ka sumabay?" Taka niyang tanong. Nasa harap kami ngayon ng Pilipino office at nakapila dahil isa-isa lang ang puwedeng pumasok para lapitan si Ma'am.

"Umm, hindi ko alam na nagpapirma sila," sagot ko saka napayuko at napangiwi sa isipang hindi man lang nila ako niyaya.

"Ahhh... Hindi ka nila niyaya?" Alinlangang niyang tanong.

"Nakalimutan lang siguro nila."

"May problema ba kayong magkakaibigan?" Usisa niya pa.

Umangat ako ng tingin.

"Ahhh, Pattema, wala ako sa mood na pag-usapan 'yun, sorry," finally I said. Tumagal ang titig niya sa'kin bago siya tumango at umarteng i-zipper ang bibig.

"Sorry," she mouthed bago umayos ng tayo at hindi na ako kinausap pa.

Maya-maya lang ay si Pattema na ang sunod na pumasok sa office. I just stood beside the door as I waited for my turn to come in.

"Girl, 'yan diba 'yung crush mo?"

"Ha? Saan?"

"Ayun oh, 'yung nasa loob ng office, 'yung kausap ni Ma'am Levi."

"Siya nga! Oh my God, likod palang panalo na, beh."

Rinig kong usapan ng mga babae sa likod. They were from a different section. Somehow I felt jealous. Ganun na ganun din kami ng mga kaibigan ko kapag nakikita si Jal, pero ngayon wala na akong mapagbubuntungan ng kilig ko. Kanina lang I tried to talk to them again, I even bought their favorite food. Funny how they gladly accepted it, thanked me, and ignored me later on. Siguro tuluyan na talaga nila akong cinut off. Napatawad na siguro nila ako pero ang maging kaibigan ulit ako ay mukhang ayaw na nila.

"It's your turn," sabi ni Pattema nang palabas na siya. Ngumiti lang ako ng tipid bago bumati sa mga guro at pumasok sa loob.

Agad kong inabot kay Ma'am yung resibo ko, na agad niya namang pinirmahan.

"Thank you, Ma'am," sabi ko saka kinuha yung resibo at aalis na sana nang,

"Wait, puwede ba kitang mautusan, anak?" she asked.

"Yes po, Ma'am," agad kong pagpayag. Puwede ba akong humindi? That would be rude.

Tinuro niya yung dalawang magkaparehong box.

"Kaya mo bang buhatin yung dalawang 'yan?"

"Mukhang kaya ko naman po."

I bent down and tried to lift both of them, and as I expected, mabigat sila, pero hindi ko yun pinahalata. I managed to carry them habang nakatuwid ang tayo.

"Pakidala yan sa Room 134, sa tabi ng Values Office, sa bodega. Ilapag mo lang sa gilid kung saan madaling makita."

"Opo, Ma'am."

"Eto ang susi." Inabot niya sa akin yung susi na pinatong niya sa ibabaw ng karton since I can't hold it as both of my hands are occupied at the moment.

"Pagtapos mo ay ibalik mo rin agad dito yung susi."

"Opo, Ma'am," tumango-tango ako.

"Sige na, dalhin mo na 'yan dun. Salamat, nak ha."

"Wala po yun, Ma'am, carry ko po ito." Huli ko pang sinabi saka tumalikod na at naglakad para lumabas pero dahil nahaharangan ng karton yung foresight ko ay halos hindi ko na makita yung daraanan ko.

Bestow Your Affections On (Highschool Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon