SHARIAH POV
" ah Ronnie..pede bang pakihinaan ang aircon?.."
Andito ako ngayon sa kotse ni Ronnie dahil diba nga lage na kaming magkakasabay pumasok..may lagnat pa din ako kaya ako nilalamig..ayoko kasi na maiwan sa klase..ang hirap kaya makahabol..kaya eto..kahit hindi pa ok ay pinilit ko nang makapasok..
"bakit ba kasi nagpilit ka nang makapasok??..", tanong sakin ng bestfriend ko..
"ayoko maiwan sa klase..at saka malapit na ang exam natin..", paliwanag ko na nakahalukipkip ang dalawa kong kamay..hininaan na ni Ronnie ang aircon pero ang lamig pa din..
"sayo muna tong jacket ko", inabot sakin ni Ronnie ang jacket nya..hindi na ko nagpakipot pa kaya kinuha ko agad..
"buti boyscout etong si Ronnie..dahil kung hindi..baka tigas ka na jan", sermon pa ni Steph..hindi ko na lang sya pinansin..marahil nagseselos sakin to..sus..kung alam nya lang..gusto sya ni Ronnie..at nung maalala ko yun ay nakaramdam na naman ako ng lungkot..mukang kailangan ko nang payo ni Jeff..ayoko kasing mag open kay Steph ehh..nakarating na din kami sa wakas sa room..agad naman akong sinalubong nina Ian..at katakot takot na sermon din ang inabot ko sa kanila..
"ok na nga kasi ako..ang kulit nyo..", mejo napikon na ko kasi paulit ulit lang naman ang mga sinasabi nila..
"kung ganun..tanggalin mo yang jacket ni Ronnie", hamon sakin ni Jeff..
"tigilan nyo na si Shah..wala din naman magagawa ang mga sermon nyo..dahil pasaway ang pinagsasabihan nyo", sus..akala ko pa naman pinagtatanggol ako ni Ronnie..yun pala nangongonsensya..hay naku..ang hirap maging PA ( Palaging Asa )..
"bakit ganun..hindi naman maganda si Shariah..pero kaibigan nya ang G Clef at poging si Ronnie?", aksidente kong narinig ang sabi ng kaklase ko na binubulungan yung isa ko pang kaklase..hayss..lagi ko na lang naririnig yan..lagi nila akong pinag uusapan..bakit daw ako kinakaibigan nina Steph..ehh ang pangit ko naman daw..manang..samantalang ang ganda ni Steph, yung tatlong kolokoy, ang popogi..tapos si Ronnie na gwapo din..tanggap ko naman na malayo ang itsura ko sa kanila..ang masakit lang..parang iniisip nila na hindi ko deserve ang friendship na binibigay sakin nina Steph..
---
"ok ka na ba?" , tanong sakin ni Jeff..andito kami sa music room kung san magppractice ang G Clef..naiwan kami dito kasi sina Ian, JB, Steph at Ronnie ay kumakain pa..
"ok na ko..sinat na lang naman to..", nakangiti kong sabi
"hindi yan ang ibig kong sabihin", titig na titig na sabi sakin ni Jeff..nagets ko naman agad ang ibig nyang sabihin..
"posible ba talaga yun?..na magkagusto ako sa kanya kahit saglit pa lang kaming nagkakilala?"
"ikaw lang ang makakasagot nyan", nakangiti nyang sabi..
"naks..PBB teens na ang bunso namin", pinisil nya ang ilong ko..pagkatapos ay ang pisngi ko naman ang kinurot nya..
"Jeff ano ba?.." pigil ko sa kanya..ang pula na nang pisngi ko..
"walang masama kung magkagusto ka sa kanya..basta wag mo lang pababayaan ang sarili mo..napansin ko kasi lately..hindi ka halos kumakain tapos ngayon may sakit ka pa..", sincere ang pagkakasabi nya nun..natouch naman ako..
"salamat dahil andito ka..wala kasi akong pedeng pagsabihan na iba ehh.ayokong sabihin kay Steph..kasi baka one day..magtapat sa kanya si Ronnie..baka maging complicated sa kanilang dalawa.."
"may gusto si Ronnie kay Steph?..pano mo nasabi?",
"ramdam ko lang..", ngumiti ako sa kanya na may halong lungkot..
"ai sus..wag ka munang mag assume..wala kang ebidensya..at wag ka nang malungkot hah", pagkasabi nya nun ay kiniliti nya ako ng kiniliti..omg..tawa na ko ng tawa dito..parang nawala ang sakit ko..
"hahahahahaha..Jeff ayoko na..tama na..hahahahahaha",
"ehem!!"
napatigil naman kami ni Jeff nang mag ehem si Ronnie.."oh pre..andyan ka na pala..nasan na ang iba?", tanong ni Jeff na makabawi sa pagkabigla..sakto namang dating nung iba pa..kaya nag ayos na ang G Clef ng instruments nila..maya maya pa ay nag umpisa na sila..pero nagulat ako kasi katabi ni Steph si Ronnie at may hawak ding mic..
Ronnie : You and I cannot hide
The love we feel inside
The words we need to say
I feel that I have always walked alone
But now that you're here with me
There'll always be a place that i can go..ang ganda ng boses nya..hindi ko alam na magaling pala syang kumanta o_O
Steph : Suddenly our destiny has started to unfold
When your next to me
I can see the greatest story love has ever toldDuet : Now my life is blessed with the love of an angel
How can it be true?
Somebody to keep the dream alive
The dream I found in you
I always thought that love would be the strangest thing to me
But when we touch, I realize that I found my place in heaven by your side..Ang galing nila..ang ganda ng blending ng boses nila at bagay sila..napangiti ako at the same time, may kirot sa puso ko..siguro nga may gusto na ko kay Ronnie..pero alam ko na ako lang din naman ang masasaktan..sa itsura kong to..na mukang manang at nerd, malabo nya akong magustuhan..at saka alam ko na din na si Steph ang gusto nya..kaya hangga't maaga pa..kailangan ko nang pigilan ang kung ano man ang nararamdaman ko para sa kanya..
"Shah!!!"
"ay kabayo ka!!..JB naman..ano ba?", bulyaw ko kay JB..basta na lang naninigaw ehh..
"hahaha..kanina ka pa namin tinatanong..kaso tulala ka", natatawang sabi ni Steph..hah?...kanina pa nila ako tinatanong?..
"ayos ba ang tugtog namin?..naisip kasi namin na duet naman at hindi solo ang bokalista namin..kaya yun..sinali na namin si Ronnie", paliwanag ni Ian..
"ahh oo naman..ang galing nyo..nice", nakangiting sabi ko sa kanila..nag high five naman sila..
Ang saklap lang..first time kong magkagusto sa isang tao..dun pa sa taong ang gusto ay ang bestfriend ko..