SHARIAH POV
"ok pa ba kayo dyan!!??",
Foundation day na..at kasalukuyang tumutugtog ang G Clef..ako naman andito sa isang table..nag iisa..sanay na naman ako sa mga ganitong senaryo..sila nasa stage habang ako nandito lang..nakaupo at pinapanood sila..sikat sila sa school na to at im sure mas lalo silang sisikat dahil kay Ronnie..after nila magperform ay agad na silang pumunta sa lugar ko which is the G Clef's table..mukang saling pusa lang ako dito..hayss..ang hirap maging kaibigan ang mga sikat at talented na katulad nila..
"congrats Ronnie at Steph..at dahil jan..kayo ang kasama sa music seminar na gaganapin sa Tagaytay..", tuwang tuwa na sabi ni Ian..
"music seminar?"
"oo bestie..bale 3 days at 2 nights yun na seminar para sa mga aspiring band vocalist..and gladly kami ni Ronnie ang isinama ng school sa seminar na yun", paliwanag sakin ni Steph..ibig sabihin mawawala sila ng tatlong araw..silang dalawa..ouch!!
"wow..congrats kung ganun", pilit kong pinasigla ang boses ko..hindi dapat ako magpaapekto..maganda na din na hindi ko makita ng tatlong araw si Ronnie para mabilis kong malimutan ang nararamdaman ko sa kanya..
------
"Shah..ok lang yan..nagseseminar lang sila",
sabi sakin ni Jeff..andito kami sa may garden nang school..vacant time kasi ehh..kaya tumambay muna kami..sina Ian at JB ay nagtatakaw..samantalang sina Ronnie at Steph ayun nasa seminar na.."ano ka ba Jeff..wag ka ngang asar jan.."
"hahahah..ang cute mo talaga Shah.., nga pala..alam mo na ba na pinapasunod kami ng principal sa seminar?..", parang may pag aalinlangan na sabi ni Jeff
"talaga?..edi mabuti", alam kong pag sumunod sila dun..maiiwan ako mag isa...pero ok lang..para sa kanila yun..ilang araw lang naman ehh..
"pero magpapaiwan na lang ako para may kasama ka dito..alam ko naman na hindi ka makikibarkada sa iba pag umalis kami ehh.."
alam kasi nya na loner ako..pag wala ang barkada ko, mas prefer ko ang mag isa kesa makisama sa iba.."ano ka ba..kaya kong mag isa..at saka ilang araw lang naman yun ehh..sumama ka na..sayang din yun..at saka hindi makukumpleto ang G Clef kung wala ka dun.."
Hindi na nagpumilit pa si Jeff at napagdesisyunan na nyang sumama din..mamayang hapon ang alis nila..bale 2 days sila mawawala..2 days lang..mabilis na yun..
Nung gabi..hindi ako makatulog..iniisip ko kung anong pedeng mangyari sakin bukas..alam kong madaming galit sakin dahil nga sa barkada ko ang G Clef..wala naman sigurong mangbubully sakin..
-------
"oh andito na pala ang nerd", sabi ni Rheicy..sya ang pangalawa sa pinakasikat na babae sa school na to..si Steph ang nangunguna..hindi ko na lang sya pinansin..at nagderetso na sa upuan ko..kaso pagkaupo ko, may lumipad na eraser na puno nang chalk dust at tumama sa ulo ko..tumawa lahat nang kaklase ko..eto na ang kinakatakot ko..dahil wala ang G Clef, kaya nilabas nila lahat ng galit nila sakin..
Akala ko tapos na yung sa eraser pero may kasunod pa pala..nung recess ay nadulas ako sa may pinto dahil sa balat nang saging na hindi ko alam kung san nanggaling..nung lunch naman ay tinamaan ako ng bola ng volleyball na sina Rheicy ang naglalaro..at nung awasan ay tinalapid ako nung barkada ni Rheicy..at buong araw na ako lagi ang pinagtatawanan nila..isang araw pa lang ay bugbog na ang katawan mo..at may isang araw pa sila para bullihin ako..
Umuwi ako samin na pagod na pagod..kaya pagkakain ko ng hapunan ay dumeretso na ko sa kwarto para matulog..
"hayy matteo do..buti pa si Steffi Cheon, nung time na dinumog sya ng mga reporters ay nandun ka para iligtas sya..ako kaya?..kelan ako ililigtas nang Matteo Do ko?.."
*bzzztttt
From : Ronnie
Kamusta?..miss na kita..:-)
Ano ba namang trip nang lalaking to..nakakainis..pano ako makakamove on nito..hayy..kikiligin muna ako nang 10 seconds..1....2....3
waaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhh
Sigaw yan na walang boses..baka makinig ako nina Mama at Papa..ang landi ba?..pasensya..crush ko ehh..haha..pero ngayon lang to..dahil pipigilan ko na ang kung ano man ang nararamdaman ko sa kanya..
Nagulat naman ako sa phone kong nagvivibrate..si Ronnie?..ano namang kailangan nito at may pagtawag pang nalalaman..