THAT XX.

1.5K 46 12
                                    

“nikko.. ang sakit talaga! mabait naman ako di’ba? loyal naman ako.. ginawa ko naman lahat.. pero nagawa niya pa din yun! bakit?? ahuhuhu”

message sent.

since my boyfriend, I mean EX-boyfriend, dumped me because of other girl si Nikko na yung naging labasan ko ng sama ng loob.. alam niyo yun? shock-absorber.. ilang beses na nga akong nagsusumbong sa kanya tungkol dun, mabuti hindi nagsasawa makinig sakin. close kami e. pero ang totoo niyan, naging close lang kami nung nagbreak kami ng magaling kong Ex. magkakilala na kami First year high school pa lang pero hindi naman kami halos nag-uusap kasi nasa kabilang section siya.. tapos ayun, naging textmates kami dahil sa isa mga friends ko, mabait daw yun kasi which is true naman..

1message received from Nikko:

“kasi nga G*GO siya!”

palagi na lang ganyan ang sagot niya, e panu palagi naman kasing ganun ang text ko.

tinawagan ko siya..

“nikko naman e..”

“ano? kasi naman walang kwenta yung ex mo.”

mabait naman ako di’ba?” tanong ko ulit sa kanya.

“hay naku naman Kyle.. mabait  ka nga.. girlfriend material ka nga e..”

“talaga? e bakit niya ako iniwan??” nakasanayan ko ng itanong sa kanya yan, kahit hindi na ako sigurado kung talaga bang interesado pa akong malaman.

“ilang beses ko naman ba sasabihin sa’yo na wala sa’yo ang problema? bakla lang talaga yung Ex mo.. hindi siya tunay na lalaki. ang hirap kasi senyong mga babae, ang dali niyong mabulag basta gwapo.. akala niyo lagi pag ganun ang BF niyo, ok na.. happy ending na. at ang hirap naman sa mga gwapo, nagte-take advantage. tsk.tsk.”

“kung magsalita ka naman akala mo hindi ka gwapo!” kasi kung gwapo si Devin, mas lalo namang mas gwapo si nikko, Mr. Pretty Boy e..

“hoy!hoy! hindi naman ako nanloloko ng babae.. ako ang niloloko. ang bait ko kasi masyado..”

“sus! e di ikaw na mabait.. nga pala! kamusta si Mariz?” biglang ibang topic?haha. ewan ko ba, pag naalala ko si Devin tapos magsusumbong ako kay nikko, nagla-light-up yung mood ko pag nagsasalita na siya.

“si Mariz? ahm.. ok naman yun siguro.. nakatext ko siya kagabi e, nangangamusta din. may nanliligaw yatang bago..” si Mariz kase, EX niya yun.. first GF niya, torpe e. iisa pa lang nagiging GF niyang si Nikko kahit naknakan ng gwapo.

“awww.. hurt ka na niyan? wawa naman sweetheart ko.” hahaha! abnormal ba? yan tawag ko sa kanya pag niloloko ko e.

“ayan ka nanaman sa sweetheart na yan.. bakit naman mahe-hurt? ok naman kami nun, tsaka tanggap naman namin ang break-up.. hindi kagaya ng iba d’yan.. BITTER! hahahahaha”

“ang bad mo nikko ha! ginaganyan mo na ako ha..” kunwari nagtatampo ako. haha

“ikaw naman kasi.. hindi lang si devin ang lalaki noh! ang ganda-ganda mo tapos nagpapakatanga ka dun sa g*agong yun!”

>////////////< kyaaaaaaaahhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!! pwede kiligin? maganda daw ako.. kahit na madami nagsasabi, iba pa din pag galing ke nikko, iba din taste niyan e.

“talaga?maganda ako?”

“bakit?di mo alam yun?”

“alam.. pero ngayon mo lang nasabi yan..”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 03, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THAT XX.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon