Chapter 7

21 7 5
                                    

Kakatapos lang ng huling klase naman at inilibot ko ang tingin sa loob ng room namin kokonti nalang ang nga tao dito sa loob at yung iba ay nag re-ready na rin upang umalis dito sa loob. Mag aalas singko na rin at uwian na at sila Ezra ay nauna ng umuwi dahil may family dinner daw sila mamaya at kailangan nilang mag handa at sila Stacey naman ay may gagawin pa raw kaya naiwan ako dito.

Kanina ay may mga bago akong naging kaibigan. Hindi naman pala lahat ng tao dito sa room ay masusungit at manyak katulad nung lalaking monstero kanina. May ibang nagsasabi na finollow din nila ako sa ig at fan ko raw sila tapos marami rin akong compliments na natanggap halos sa lahat ng gender mapa lalaki‚ babae‚ bakla‚ bading kapag may nadadaanan ako at nginingitian ko sila.

May nagtatanong pa kung model ba raw ako dahil ang ganda ganda ko raw. May balak nga akong mag model eh pero mas inuuna ko ang pag-aaral ko ngayon. Kahit pa maraming modeling agencies na gusto akong makuha bilang model nila ay tinatanggihan ko. Dati nga ay may nakuha akong invitation galing sa Xione. Isa iyon sa pinakasikat na modeling company dito sa bansa pero tinanggihan ko ito dahil nga mas inuuna ko ang pag aaral ko at para saakin magiging distraction lang yan.

Sabi pa nila ay kung magbago raw ang isip ko ay mag email lang daw ako sakanila at agad agad nila akong tatanggapin at um-oo naman ako dahil malay niyo may malaking opportunity palang nakahintay saakin sa modeling.

"Khyssa uuwi kana?" tanong ni Ghia. Si Ghia yung matalinong babae kanina na in-approach ako dahil daw ang galing ko raw sumagot sa tanong ng professor namin kanina at halos nasa akin na raw ang beauty at brain. Akala ko nga masungit siya eh kasi kanina tinignan niya pa ako from head to toe at tinaasan ako ng kilay pero mabait din pala siya at sobrang daldal pero mostly sa mga pinagdadaldal niya ay about sa mga subjects namin.

"Maya-maya‚ hihintayin ko pa kasi yung tita ko." sabi ko sakaniya.

"Si Professor Khy ba?"

"Yes,"

"Ah sige mauuna na ako sa'yo. Andiyan na kasi yung sundo ko‚ see you tomorrow nalang." nginitian ako nito kaya sinuklian ko rin siya ng ngiti at nag paalam na siya.

Si tita kanina tinext ako na hintayin ko lang daw siya sa may waiting area dahil may madaliang meeting pa raw ang mga professors kaya eto ako ngayon nasa first floor malapit sa main entrance at umupo sa waiting area para hintayin si Tita.

Ang swerte niya 'no? Kala niya special siya kasi hinihintay ko siya. Ano siya rebisco?

Konti na rin ang mga estudyante rito sa loob at halos mga taga faculty staff's at mga professors nalang ang naririto sa loob.

Tinanaw ko pa ang tingin ko sa malaking bintana at kita ko doon ang makulimlim na langit so it means uulan pala ngayon.
Buti nalang may mini payong ako rito sa loob ng bag na good for two persons lang. Kapag umulan ngayon hindi ko papayungan si Tita ang kapal niya naman pinaghintay niya pa nga ako tapos papayongan ko pa siya. Joke lang syempre bilang isang mabuting pamangkin ay hindi ko gagawin yon.

Ilang minuto na ako rito at nangangalay na yung pwet ko kakaintay sa tita ko. Konti nalang talaga lalayas na ako dito, konti nalang talaga.

Napakunot ang noo ko dahil tumunog ang ringtone ko at iyon ay ang intro ng seasons by wave to earth agad kong sinagot ang tawag at hindi ko na tinignan yung caller.

"Hel—"

[ "Pamangkins!" ] inihiwalay ko yung speaker ng phone ko sa tenga ko dahil sa lakas ng sigaw ng tao sa kabilang linya.

"Tita naman! Bakit naninigaw? Hindi naman ako bingi!"

[ "Eh sorry na, andiyan ka pa sa waiting area?"]

The Gap Between Us (On Going)Where stories live. Discover now