DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
____________________________________________
"Alam mo, Boo, kapag natupad na yung pangarap ko na makasayaw sa ibang bansa, ako na mismo ang magp-propose sayo.""Talaga? Gagawin mo 'yon?"
"Uhm. Ayaw na kitang pakawalan pa."
"Hinding hindi naman ako mawawala sayo." nakangiti kong sabi.
"Aba dapat lang. Ako na 'to oh."
Natawa ako. "Ikaw lang naman talaga."
Mga bata pa lang kami ay pangarap na ni Stella na makilala bilang isang mananayaw, hindi lang dito sa Pilipinas, kundi sa buong mundo.
Nasali siya sa mga nakapasok sa audition. Kasama siya sa pambato ng probinsya namin.
Unti unti na natutupad ulit ang pangarap niya.
Hinatid ko siya sa studio nila.
"Boo, uwi agad ako ah." aniya.
"Susunduin na kita."
"Huwag na. Alam kong pagod ka sa trabaho, pahinga ka na lang po."
"Ikaw naman pahinga ko."
Hinampas niya ako ng mahina sa braso. "Bolera."
Niyakap ko siya. "Nandito lang ako, okay?"
Niyakap niya rin ako. "Uhm. Mahal kita."
"Mahal din kita."
Nagpaalam na ako at pumasok sa trabaho.
May bago kaming project kaya magiging busy rin ako.
Miss ko na ang Boo ko.
Lunch time at nagmessage si Stella.
"Huwag kalimutan kumain. Mahal kita."
Napangiti naman ako. "Kakain na po. Kain ka na rin, at huwag kalimutan magpahinga. Mahal din kita."
Hindi ako nag OT dahil nangako ako kay Stella na susunduin ko siya.
Nakita kong nakatayo siya sa harapan ng studio nila.
Sa labas na kami nag dinner.
"Kumusta practice niyo, Boo?" tanong ko sa kanya habang kumakain kami.
"Okay naman, boo. Ikaw? Kumusta project niyo?"
"Ayun, magiging busy na ulit."
"Balik OT ka ba?"
"Hindi, ayaw ko."
"Bakit?"
"Magagawa ko naman sa bahay pagkauwi. Tsaka gusto kita mayakap kauwi ko."
"Kaya mahal kita eh."
Lagi kong sinusundo si Stella sa studio nila.
Nagtataka ako kung bakit siya lang lagi mag isa ang naaabutan ko sa labas ng studio nila.
"Boo, matagal ka ba naghihintay sa labas ng studio niyo?" tanong ko.
"Huh? Hindi naman, bakit?"
"Kasi napapansin ko hindi ko nakikita mga kasama mo na umuuwi rin."
"Mababagal lang sila." sabay tawa niya.
Ganon pa rin ang ginagawa ko, hatid sundo sa kanya tapos ipinagluluto niya ako kapag ginagawa ko sa bahay yung project.