Identity Crisis

32 2 0
                                    

Nasabihan ka na ba ng "It's not you, it's me. I just need to find my self"

Kung sa isang magkasintahan ito nasabi, isang sign na ito ng break up. Sasabihin lang ito sayo ng iyong kapartner at maghihiwalay lang daw kayo sandali. Dahil simula ng maging kayo hindi na niya kilala ang kanyang sarili, pakiramdam niya binabago mo siya o kaya naman nagbabago siya para sayo. Ikaw naman si mabait papayag ka. Pero ang masakit umasa ka na magkakabalikan kayo isang araw pero yun pala may bago na siya. Syempre naguguluhan ka kung bakit ka niya ipinagpalit, samantalang pinagbigyan mo na nga siyang mag cool-off muna kayo dahil kailangan niyang hanapin ang kanyang sarili . At ang sagot niya? Nahanap niya sa kasama niya ngayon ang sarili niya. Diba ang sakit? Pero ikaw naman wala kang magagawa kundi tanggapin. Kaya nga uso na ang Move on.

Pero ang tanong, bakit may mga taong ganito? Mga taong hindi nakukuntento sa buhay ngayon at hinahanap ang sarili.

Sino ba yung mga may identity crisis?

Ito ay hindi lamang limitado sa LGBTQ - Lesbian. Gay, Bisexual, Transgender, Queer(silahis).

Kundi ang mga sumusunod ay nabibilang na din sa mga may identity crisis.

1. Loner- a person who prefers not to associate with others.

Bakit sila may identity crisis? Dahil hindi sila nakikisalamuha sa tao o ayaw makisalamuha kaya hindi nila nalalaman kung sino ba talaga sila. Puro limitasyon lang o imagination ng kanilang sarili ang alam nila. Hindi sila nakakapagdiscover ng mga bagay na kaya pala nilang gawin. Kaya karamihan sa mga tao, hindi nila alam kung saan sila magaling, mahiyain at hindi maexpress ang kanilang sarili. ito yung mga tao na pinipili nilang go with the flow nalang.

2. Rebellious- showing a desire to resist authority, control, or convention.

Bakit sila may identity crisis? Dahil maaaring simula pa ng bata sila hindi nila nagawa yung gusto nilang gawin kaya sa later age dun na ito lumalabas. Maaari ding controling ang magulang kaya napipilitan ang anak na maging rebellious. Dahil sa mga ganitong scenario kahit pa gusto ng isang tao na hanapin o madiscover kung sino siya hindi siya nabibigyan ng pagkakataon dahil may pumipigil sa kanya.

3. Promiscuous -having or characterized by many transient  relationships. (syota ng bayan).

Bakit sila may identity crisis?  Dahil maaaring hindi nila mahanap ang sarili sa pamilya o sa buhay nila ngayon kaya sa iba nila ito hinahanap. Ito ang isang halimbawa na sinabi ko kanina sa pasimula. 

4. People who do drugs, alcohol, gangs/frat

 5. Depress people

6. Suicidal people

Ngayon alam na natin ang mga nabibilang sa may identity crisis. 

The BIG Question is: WHO ARE YOU?

FOUNDATIONAL TRUTHS ABOUT YOURSELF

1. Who you think you are determines how you act.

- Kung sa tingin mong ito ka. Ito ang ang kinikilos mo. Example sa taong loner, alam niya na loner siya kaya ito ang kinikilos niya.

" Whether you think you can or think you can't you are correct" - Henry Ford

Binigyan ang mga tao ng Diyos ng malayang pag iisip, kaya may kapangyarihan tayong magdesisyon kung ano ba dapat ang kilos natin.

2. How you act is how others perceive you.

- iba naman ito sa naunang statement dahil dito kung iniisip mong ito ka pero hindi naman ito ang ginagawa mo, mag iisip ang ibang  tao ng iba kaysa sa iniisip mo. Example sa taong nagsusuot ng maiikling damit o mga pinagkaitan ng tela. Kapag nakita ka ng iba syempre iisipin nilang bastusin ka. Kaya babalik tayo sa number 1 kung ayaw mong bastusin ka dapat you should act according to what peron you think you are.

" No one can judge me!!!" - said by people who act like this.

Dahil may paniniwala silang, I don't care sa sasabihin ng iba kaya go lang. Pero kahit na may free will tayo it's up to us if we want to be respected by other people.

3. Who God says you are is who you REALLY are.

Ontological Inversion: Unang ginawa tayo ng Diyos bilang spiritual beings at dahil sa kasalanan namatay tayo at nagkaroon ng physical body at nabuhay bilang tao dito sa lupa. The Edenic fall reveal it in Genesis 3. Ngayon baliktad na , ipapanganak tayong tao with flesh at mamatay bilang spiritual beings kaya nga  di na katulad ng dati na nakakausap natin ang Diyos face to face ngayon we can talk to Him by spirit. Pero ang mali lang dito, ang mga tao ngayon mas pinapahalagahan ang kanilang physical body kaysa spiritual body. Hindi man lang nila naisip na yung physical body nila is temporary lang, yung spiritual body ang eternal. Our physical body is just a vessel of our holy spirit. Kung alagang alaga ang physical body at sobrang payat ng spiritual ,kaya kapag namatay ka yung alagang alaga mong physical body ililibing lang sa lupa at yung pangit, payat, walang kabuhay buhay na spiritual body ang magiging itsura mo habang buhay. Kaya nagtataka ako kung bakit maraming nagpapasex change , pag namatay naman sila yung dating itsura nila ang makikita sa kabilang buhay.

2 Corinto 5: 14-19

 Sapagka't ang pagibig ni Cristo ay pumipilit sa amin; sapagka't ipinasisiya namin ang ganito, na kung ang isa ay namatay dahil sa lahat, kung gayo'y lahat ay nangamatay;At siya'y namatay dahil sa lahat, upang ang nangabubuhay ay huwag nang mabuhay pa sa kanilang sarili, kundi doon sa namatay dahil sa kanila at muling nabuhay.

Kaya nga mula ngayon ay hindi namin nakikilala ang sinoman ayon sa laman: bagama't nakilala namin si Cristo ayon sa laman, nguni't sa ngayo'y hindi na namin nakikilala siyang gayon. Kaya't kung ang sinoman ay na kay Cristo, siya'y bagong nilalang: ang mga dating bagay ay nagsilipas na; narito, sila'y pawang naging mga bago. Datapuwa't ang lahat ng mga bagay ay pawang sa Dios, na pinakipagkasundo tayo sa kaniya rin sa pamamagitan ni Cristo, at ibinigay sa amin ang ministerio sa pagkakasundo; Sa makatuwid baga'y, na ang Dios kay Cristo ay pinakipagkasundo ang sanglibutan sa kaniya rin, na hindi ibinibilang sa kanila ang kanilang mga kasalanan, at ipinagkatiwala sa amin ang salita ng pagkakasundo.



QUESTION: How can we discover who we really are?

ANSWER: By discovering who Jesus is.


"A World which has lost its true identity is bound to lose its true humanity" - Pastor Randell Mark Soriano


Today's BIG IDEA: the answer to identity crisis is to know who Christ is.





-------------------------------------------------------------------------

kung may question kayo, kindly ask in comment.

If you agree with me. Please vote..


by: animazing95

Armor Of GodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon