PART 124 🎭

100 3 1
                                    

PABLO'S POV

Simula nang sabihin lahat sakin ni Xii, hindi na talaga ako mapakali, kanina ko pa gustong umuwi dahil nang gagalaiti padin talaga ako sa mga nalaman ko. Gusto kong malaman kung sino ba talaga may pakana ng lahat ng ito.

May mga tao na akong pinag hihinalaan, pakiramdam ko kasi may kinalaman si Big boss dito, kasi siya lang naman yung pinaka tutol sa relasyon namin ni Stell, at hindi pwedeng maging imposible iyon dahil kaya niyang gawin lahat para mawala mga taong hahadlang sa nga gusto niyang mangyari. Isa din si Glee sa pinag hihinalaan ko, dahil duda talaga ako sa pagiging close niya kay Stell, pakiramdam ko may iba siyang motibo. Kaso hindi ako pwedeng mag bintang habang wala pa akong solid na ebidensya, pero ang sinisigurado ko lang malalagot talaga sila sa akin, kahit sino pa sila.

Natapos ang trabaho ko, agad din akong umuwi, nag aalala ako para kay Stell masyado akong na paparanoid sa safety niya, kung si Big boss nga ang may gawa, may posibilidad na maulit pa iyon, or baka mas malala pa.

Pag dating ko sa Condo, wala si Stell sa sala kaya kinabahan ako, dahil lagi ako nitong inaabangan sa pag uwi ko. Napamura talaga ako, sabi ko nga paranoid ako ngayon, kaya binaba ko muna yung take out na dala ko. At kabadong napatakbo sa kwarto, naka hinga naman ako nang makitang natutulog lang pala ito. Lumapit ako, at lumuhod para mag pantay ang mga muka namin.

"Bakit hindi mo sinabi sakin?" I whispered.

In my frustration, I closed my eyes and clenched my fist tightly. I'm furious because I don't know who hurt Stell, and it scares me. What if something bad happens again without my knowing?

"Blue, naka uwi ka na pala." Napadilat ako nang marinig ang boses ni Stell, I smiled at him and kissed his forehead.

"Teal, kumain ka na?" Tumango naman ito habang nilalabanan ang antok.

"Okay, tulog ka pa mahal, maliligo lang ako tapos tatabi nadin ako agad sayo mamaya."

"Hmmm.." Sagot nito bago tuluyang maipikit ulit ang kanyang mata.

Hinalikan ko ulit ito sa pisngi bago lumabas ng kwarto.

Hinalikan ko ulit ito sa pisngi bago lumabas ng kwarto

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
TWO-FACED a STELLJUN AU [SB19]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon