~AIAH~
Nakakainis pala talaga siya. I fucking hate him!
Akala ko pa naman ang bait niyang tao. Pero mukhang purido siyang masama. Muntik na nga niya akong sagasaan tapos pinagtawanan pa niya yung medyas ko. Sarap niyang sapakin sa mukha!
“Lyico, Aiah!”
Napaigtad naman ako sa kinauupuan nang tapikin ako ni Xiaron.
“Aiah, kanina ka pa tinatawag ni Mrs. Fumi” Bulong nito sa'kin.
Kaagad naman akong umangat nang tingin at tiningnan si ma'am.
“Maam?!” Nangangatal na usal ko.
Tumango naman si ma'am at tumawag ulit ng pangalan.
“Okey, Jaide Urisma!”
Napapahimas nalang ako sa ulo. Masyadong umikot ang isip ko sa lalaking 'yon kaya hindi ko na napapansin ang paligid ko.
Napabuntong hininga nalang ako nang magsimula na si ma'am magturo.
Kasalukuyang akong nag-aaral sa Maisen University at 3rd year college na'ko. Sa buhay ay may binubuhay rin ako yung kapatid ko at mama ko.
Si Papa ay namatay dahil sa sakit sa puso. Kaya kami nalang nila mama ang nagtutulongan para makaahon.
Si Mama ay nagta-trabaho bilang isang kasambahay. Ako naman at si Jaida ang kapatid ko ay kasalukuyang nag-aaral kaya mahirap talaga.
Kaya nag-papart time job ako sa shop. Kailangan ko pa talagang maghanap ng trabahong mas aangat ang sahod ko.
Napatigil naman ako sa pagsusulat nang maubos ang tinta sa ballpen ko. Napaawang ang bibig ko nang makita ang bintana nang may lalaking dumaan doon. Mas lalong kinuyom ko ang ballpen ko sa inis.
Ngumisi lang ang lalaking 'yon. Nakaka-asar na ngisi..
“Aiah...yung ballpen mo.” Napaangat tingin naman ako at tiningnan si Xiaron. At tiningnan ang ballpen ko, bali na pala.
Binigyan naman ako ni Xiaron ng panibagong ballpen. Umiling ako para makapagfocus sa sinusulat.
Nang matapos ang klase ay agad-agad akong nagpunta sa banyo. Inayos ko ang sarili sa salamin.
“Ang lukot nang mukha ni girl beh..tapos kung makahampas sa baby ni John parang kasing parehas sila ng presyo..hindi nga makabili ng tamang kapares ng medyas HAHAHAH”
Ako ba pinaparinggan nila?
Nanguyom ang kamao ko sa inis nang narinig ang sinabi nang dalawang babae sa loob ng banyo. Hindi ba nila alam na andito lang ako. Kung pagsasabunutin ko mga buhok nila para makalbo.
Kainis!
Pero relax, kailangan kong maging mabait. Tumingin naman ako sa kanila na may pekeng ngiti.
“Hala beh.. nandito pala siya?” Nangangatal na usal ng isang kaibigan niya.
Tiningnan ko sila nang nakakatimping tingin. Kumilos naman sila kaagad at lumabas ng banyo.
YOU ARE READING
Thank You, Mr. John
RomantizmAiah Lyrico will bring to life the dark world of John Vonyerd. When she helps John, that's where her good relationship with him begins. Will she be thankful to him? If she finds out John mischief.