Booooooooooooooooooooooooooooooooooom! Sabi ng utak ko! Ayoko talagang magsulat, hindi naman kasi ako pinanganak na ang unang hinawakan ay panulat. Wala akong naimbak na libro, notebook, lapis, papel, pantasa, krayola at iba pang gamit sa eskwelahan galing sa kabataan ko. Isa lang ang hilig kong gawin noon. Maglaro, Maglaro, at Maglaro at humanda sa laki ng dalang pamalo ng nanay ko. hindi ko alam kung bakit sa araw-araw ay napapalo ako, nagkalaman ang utak kong baliko na may galit sa mundo. hindi ko din matandaan ung mga sandaling narasan ko bakit 'yun ang naisip ko. Malaki na ako ngayon, malaki na din ang utak ko at salamat naman sa mga gurong nagtiyaga na ituwid ang pagiisip ng baliko kong utak!
MARAMING SALAMAT TALAGA SA KANILANG LAHAT! Naalala ko pa noon nung una kong nakita ang sarili ko na umiiyak, hindi dahil napalo nanaman ako, kundi naiiyak ako sa kalagayan ko, estado ng buhay ko, at bakit hindi ko makalimutan yung mga bagay na dapat kong kalimutan. tsaka ko lang naisip na minsan may sayad din talaga magkaroon ng utak na kayang iimpok ang natututunan sa loob at apat na sulok ng silid-aralan kahit nakaupo lang at nakikipagkwentuhan at hindi nagsusulat. Tama, mula nung umapak ako sa pinto ng pagiging high schooler hindi ko na masyado maalala kung nasulatan ko ba kahit minsan yung mga notebook na binibili ko tuwing sasapit ang pasukan.
Ang tamad ko 'no? pero natural nalang sakin ang masabihan ng ganyan, at sa sariling pananaw ko din naman ay tamad talaga ako magsulat. May ballpen naman ako, pero sa buhay ng isang magaaral, isa din ako sa taga bigkas ng mga katagang "Pengeng papel!", "Pakopya ng assignment!" at "Palibre!" Walang kamatayan nga naman ang mga linyang yan.
Bukod sa paaralan marami pang maibabahagi ang bawat tao mula sa kanilang buhay. Tunay na pangyayari, karanasan, kaalaman, kabulastugan, kakornihan, katamaran, at kalaswaaaaaaan ay este kakayahan. hindi nasusukat ang pagkatao sa estado ng buhay, kataasan ng pinagaralan, at narating sa buhay. marami na rin akong nakilala, mula sa iba-ibang relihiyon, may mga pinag-aralan at wala, may kaya sa buhay at mahirap. pero ibang-iba yung mga taong masasabi mong tunay na tao. hindi mo sila kayang mailarawan, dahil sa kulang ang kayang mong sabihin sa natatangi nilang karakter. pero sa talas ng dalawang mata ko, hindi ko parin alam kung sa'n ko pwedeng ilagay o itugma ung pagkatao ko. malikot, makipot, at nakakatakot yung bigla mong iisipin na nasa lebel ka ng ibang tao ngunit hindi para sa nakakasugat na paningin ng iba.
Bago mo ilagay yung sarili mo sa iba, isipin mo muna kung sino ka bang talaga. mahirap, kahit sarili mo nang pagkatao at katauhan mahihirapan kang alamin kung saang lugar o sa anong klase ng tao ka nabibilang. siguro hindi ngayon, pero baka bukas o sa susunod na mga bukas, linggo o buwan, maiisip mo rin kung san ka ba talaga nadala ng mga paa mo mula nung nagkaisip ka hanggang ngayon, at kung saan mo pa gustong pumunta, ano pa ang gusto mong makamit at magawa sa nagiisang buhay na meron ka.