Chapter 4: Beach Party
(LATER THAT NIGHT)
Sa sobrang excited ni Maddie pumunta agad siya sa apartment ko, nakabihis lang ito ng beach top at sa pang-ibaba naman ay naka-short ito. Naisip ko na magpaayos nalang ako sa kanya dahil hindi ko alam kung paano gamitin ang make up, at tsaka hindi naman talaga ako mahilig may-ayos ng sarili dahil sanay ako sa simple lang
"Hoy babae ka! bakit ganiyan ang outfit mo?!" Biro ko sa babae
"Alangan naman na mag-pajama ako, e! beach party ang pupuntahan na 'tin, hoy!" kinurot ako sa tagiliran kaya napasigaw ako sa sakit
"Mag behave ka ha! wag mo munang ikalat 'yang kalandian mo 'dun! Kilala ko pagkatao mong babae ka"
Normal lang ang ganiyang eksena namin ng babae. Mag-uukrayan, Mag-aasaran pero walang napipikon sa amin, char! ako pala ang unang napipikon sa amin
Habang inaayusan ako ng babae ay tumunog ang telepono ko. Nagtext si Harvey
Harvey Pangit:
Let me pick you up (with heart emoji)
Dahil sa kilig ay napatalon ako, kita ko sa mukha ng babae ang pagtataka "Ate ko, okay kalang ba?" pinakita ko ang text ng lalaki sa kaniya at napatalon din ito, agad kong inirapan ito at bumalik sa pagkakaupo na parang walang nangyari
Nang matapos akong ayusan ng babae ay nagbihis agad ako, nagsuot lang ako ng strappy beach blue dress, nagbaon lang ako ng extra dahil nga overnight 'yun, syempre hindi mawawala ang bikini. For sure mapapanganga si Harvey sa gagawin ko mamaya
It was 8:00 p.m. agad na dumating si Harvey para sunduin kami ni Maddie
Nang makababa ito sa sasakyan niya ay napasandal sa akin si Maddie "Nangyayari sayo?" bulong ko. Nakasuot ito ng hawaiian polo at sa pang-ibaba naman ay naka-black short lang ito, pero sa simple niyang suotan ay lalo akong nahuhulog sa kanya
Pinipigilan ko ang sarili na wag lumingon sa lalakit but I can't take my eyes off him. Pano naman kasi may balak ata siyang tunawin ako sa mga ngiti niya at titig niya.
"A-Ang gwapo naman talaga" bulong ng babae
"Wag mo ng balaking agawin 'yan, magkamatayan na tayo" Madami pang sinabi ang babae sa 'kin pero hindi ko na 'yun pinansin dahil naka-focus ako sa future husband ko
My cheeks turn red as I see him approaching me "That's my dream boy" bulong ko
Everytime he walked in, my eyes were immediately drawn to his! And his gentle perfume it was like... Ugh!!
Napansin kong lumapit ang babae sa lalaki para magpakilala "Hi Harvey, i'm Maddie... ikaw pala 'yung sinasabi niyang cupcake" nanigas ang buong katawan ko sa sinabi ng babae. Lintik na 'to ipapahamak pa ako sa crush ko
Harvey starts smiling, and his adorable dimple show "Huh?" tinitigan ko ng madiin ang babae "I-I mean nag c-crave ako sa cupcake" palusot niya "S-sige pasok na ako, huh?" sa hiya ng babae ay pumasok na ito sa kotse ng lalaki. Diba? hindi na nahiya, hindi niya sasakyan pero nauna na siyang sumakay
Napansin kong iba ang titig ng lalaki sa akin na parang nang-aasar "Oh bakit ganyan ka makatingin?" saad ko
"Ang cute mo pala kapag kinikilig 'no?" pang-aasar niya. Syempre! ako na 'to e
"Huh? Kinikilig? Sino?" pagpapanggap ko, pero ang totoo ay sa ngiti palang niya ay hulog na hulog na ako
He laughed "Tara na... Cupcake" He wink at me
YOU ARE READING
The Last Sun
RomanceDARIA DELA CRUZ HAS A BEST FRIEND, HER FRIEND IS OBSESSED WITH HER, IS HE READY TO SEE DARIA BE WITH SOMEONE OR IN LOVE WITH SOMONE ELSE? CAN HE STILL SUPPORT HIS FRIEND'S HAPPINESS OR WILL HE DESTROY IT? LET'S DISCOVER TOGETHER THE LIFE OF DARIA DE...