"Di ako makakasama, pero kasama daw niya sina Julie at Jolina" sabi ni Joy
"Silang dalawa lang?" tanong ko
"Tanong mo kaya siya, ayun siya oh, tawagin ko ah"
Namula bigla pisngi ko. Lumapit sina Carly at Niki sa amin. Nakaupo kami nina Jerick sa bungad ng stage at nagulat na lang ako nasa likod ko na sina Carly.
"Kevin, kausapin mo na oh" sabi ni Joy.
Mas lalong uminit pisngi ko. Sobrang nahihiya ako nasa likod ko lang siya. FUCK! Wala naman akong masabi. Habang nag-iisip naman ako ng masabi, tinext na si Jerick ng tatay niya na nasa labas na siya. Umalis na kami ni Jerick at napatingin na lang ako.
I'll guess I will see you tomorrow na lang.
DAMN! ANG TORPE KO TALAGA!Paano ba naman kasi ako hindi magiging torpe, every time I get to see her deep eyes and her plump cheeks, natutulala ako. How could you talk to someone that beautiful na hindi ka mapapatulala? And evertime she smiles, she leaves me speechless. How can you start a conversation kung namamangha ka palagi tuwing nakikita mo siya.
Well, nagsisi naman ako sa sasakyan kasi bat hindi ko nga siya kinausap, kahit 'Hi' man lang. So stupid Kevin, so stupid.
Finally, natapos na ang last class ko. All I have to do is to find Carly. Don't mess it up Kevin. I promised myself to finally talk to her.
"Saan si Carly?" tanong ko kay Joy
"Teka hahanapin ko"
Nahanap na ni Joy si Carly at pumunta sila sa akin.Umupo si Carly sa may paanan ng hagdan, mag-isa. Tumabi na ako sa kanya at agad namula ang mga pisngi ko.
"Carly, sino sino kasama mo?" sinabi ko at lumunok
"Si Julie at Jolina, umuwi agad si Niki eh..., nahihilo pa ako at parang nasusuka, wala pa akong damit kaya baka di pa ako makapasok sa mall"
Ang bilis niya magsalita, pero at least nakakausap ko siya. Halatang frustrated siya at di ko alam bakit.
"Tawagin mo na mga kaibigan mo para makanood na tayo"
Umalis na siya. Umupo muna ako at hinintay ko siya.
Hinanap ko siya nung nainip ako. Nakito ko si Carly nan aka-heads down sa isang table. Nagpasama ako kay Justine at pinuntahan namin siya.
Di ko alam kung nahihilo siya o nababadtrip siya sa akin.
Kinausap muna siya ni Justine, nahihilo nga siya. Nagulat na lang ako at umalis na siya. Sinundan namin ni Justine, nasa Lrt station na siya, nakapila.Nalungkot na lang ako, nag-vibrate phone ko.
"Next time na lang ako, sasama na ako, promise" text ni Carly.
Nakita namin sina Julie at Jolina sa likod namin. Hinahabol pala kami
"Nasaan si Carly?" tanong ni Julie
BINABASA MO ANG
Worth Waiting
Teen FictionSome people are just worth the risk, worth all of the hurt and pain in the world. Someone worth making unrecognized sacrifices and someone worth giving your time, worth giving your love There are people worth understanding, even though they are uncl...