CHAPTER 4 - TEAM ASIANA OR TEAM CELESTINA

5 0 0
                                    

Ryell’s POV

"Manahimik ka, halikan kita" Pagka-sabi ko non, agad ko natutop ang bibig at nanlalaki ang matang tumingin sakaniya!

Oh my goodness!
Bakit ko sinabi yon?

Hindi ko rin alam, kusang lumabas sa bibig ko, eh!

Kitang-kita ang gulat na dumaan sa ekspresyon ng guro, hindi ko rin alam talaga bakit ko nasabi iyon.

"W-what?" Hindi ako agad naka-sagot at umiling na lang.

"What did you say, Miss Mendoza?" Tanong niya pa ulit. Mula sa pagka-gulat ay mabilis lumandas sakaniya ang naiinis na itsura.

"Manahimik ka, kung hindi, s-sasakalin kita." Fuck, I stuttered! Ang tanga, Ryelle!

"Come on, Miss Mendoza. I heard you. But for now, sige, I'll pretend that I didn't hear anything. But, next time, be careful with your words, Celestina." Naiwan akong naka-nganga nang sabihin niya yon.

G-gumanti siya! She also called me by my second name!

Natulala pa ako ng ilang segundo bago ko maramdaman ang bola na tumama sa paa ko.

"Let's play, Miss Mendoza." She smirked.

Hindi ko na alam paano aasta o aakto dahil sa ginawa niya kanina. Para akong na-hypnotize, the fuck.

Pero hindi, bawal! Bawal akong ma-distract! Kailangan ko siyang matalo!

So, I smirked back. "Goodluck, Miss Ledezma." Kinuha ko ang bola at pumunta na sa gitna.

Oo, kaming dalawa lang. One on one.

Bago kami mag-simula ay lumapit ako sakaniya para bumulong. "Kapag natalo kita, bibigyan mo ako ng kape everyday." Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko.

Alam kong mataas ang pride ni Asiana kaya gagawin niya ang lahat upang hindi matalo.

"Bring it on, Ryelle. Let's see kung hanggang saan iyang kayabangan mo."

"Oh? Nayayabangan ka na agad, Miss Ledezma---Asiana, naku, wala pa nga, eh. Kalma." Natatawa akong bumalik sa court ko at naiwan siyang nanlilisik ang mata.

I'm enjoying it.

Seems like I wanna tease her more.

"Omg, Go Ma'am Ledezma!" Napatingin ako sa mga estudyante niya.

Aba, walang nag c-cheer sa akin, ah!

Inilabas ko muna ang cellphone ko at nag chat sa gc ng section ko.

SECTION NI INANG ELLE
Mga anak, punta kayo volleyball court, may laban ako. Gawa kayo banner ha. Wait kayo ni inang Elle rito. Loveyou mga nakshits.

Ang dami agad nag seen at nag haha sa chat ko. Wala siguro silang teacher ngayon, buti naman.

"Ryelle, come on, let's start!" Isinilid ko na ang phone ko sa bulsa--- wait, bawal!

Tumakbo ako sa bench at pinahawak ang phone ko sa isa sa mga anak niya. Sinabi ko na lang na kapag dumating na mga nakshits ko saka nila ibigay roon.

Ako ang unang mag s-serve kaya lumayo ako nang kaunti para makapunta sa serve line.

Wait, kailangan may kakampi kami no? Mahirap ito, ay! Wala akong tiwala sa sarili ko, kaya hard pass sa kinginang one on one na yan.

What's wrong with my Co-Teacher? ( ON - GOING )Where stories live. Discover now