Chapter One'd (CHAPTER ONE???)

2.9K 111 318
                                    

"For God's sake, Toto! What I want is an assistant that could probably help me on assassination, not on fashion runaways!" sigaw ng lalaking naka-upo sa mesa.

Ang OA naman.

"And look at the face," he looked at me, "baka nga kahit kutiting na langgam takot na patayin niyan!"

Ang OA mo te. Siya yata 'yong boss na ina-apply-an ko ngayon. Ang OA niya. Kaharap lang naman niya 'yong Toto tapos makasigaw parang nasa Pilipinas siya at nasa Switzerland 'yong kausap niya.

Tsaka anong pake niya with my outfit? Anong pake niya kung naka-all pink ako, from my pinky-blueish hair ribbons on the left side and right side of my hair, to my fitted pastel pink top down to my fitted jeans skirt, to my basta nakakapagod mag explain.

'Di bale nang hindi ako matanggap sa trabaho basta kabugera ako.

Eme, need ko ng trabaho, sana matanggap ako.

Pero ayos lang pag sa kaniya hindi ako matanggap. Grabe kasi siya makahusga. As if kailangan ko ng pera niya. Di bale lang magutom ako, hindi lang magkaroon ng boss na kagaya niya.

Eme ulit, wala na akong pera, lapit pa naman na maubos skincare ko, huhu. Please I'll do anything para makapasok ako.

"Which is actually a pro, Anton. No one would think na kasama mo siya, sa future missions mo. And to think that she's fashionable, that's a plus for future disguises," the guy named Toto answered.

Biglang napatingin sa akin si Toto, kaya nag-smile ako sa kaniya.

Ano bang disguises pinagsasabi nito?

Pinalapit niya ako pero hindi ako lumapit.

That's what you should do when applying. . .

Huwag mo ipakita sa kanilang madali ka lang manipulahin, 'wag mo iparamdam sa kanilang isang musmos na trabahante ka lang, wag mo sila hahayaang lugmukin ka dahil lang mataas ang posisyon nila sa kompanya, 'wag mo hahayaan--charot, actually lumapit ako agad, sayang naman 'yong trabaho.

"Uhhhm, what po?" pa-cute kong tanong.

"Introduce yourself. . ."

"Hello everyone, I am thankful for your presence here, without you, for sure I am not standing here. Before anything else, I would like to say good morning to the bot--"

"Can you just fucking directly introduce your name?!"

"My name is Maroi Tabayoyong. I am 21 years old," I confidently said. I fixed my hair after kasi wala lang, parang main character, ganern.

Ngumiti sa akin 'yong Toto pero halatang plastic 'yong ngiti kaya hindi na lang ako ngumiti. Ayaw kong masayang lang cinnamon roll liptint ko sa kaniya from Tiktok.

"Hello, Maroi. I am Toto, and this is Anton Gage Batumbakal. From now on, you're now his colleague."

Well, I offered my left hand, kasi this is my hand na panggamit sa paghugas kapag natatae. If hindi siya sumigaw-sigaw kanina, siguro I will offer my right hand.

Ilang segundo rin ang lumipas bago siya nakipag-shake-hands sa akin. Halatang di pa siya interesado kasi tinggal niya agad ang paghawak niya sa kamay ko.

"Now, tell me, Toto. Why did you chose this girl to by my colleague for a serious and threatening job?" Napa-upo na ulit siya sa upuan niya nang magsalita.

"Well, she said she likes being an assassin."

"What?!"

Doon na ako sumali. "Po? What I mean po is I like the word 'assassin' ang aesthetic po kasi, so you know, I applied," pa-ngiti-ngiti kong sagot.

Totoo naman. Assassin is aesthetic pakinggan. Minimalistic din. Then funky rin. Tapos retro na parang pop? Well, parang gothic din.

"Fuck, seriously? Do you even know what that fucking word, means?"

Bakit mura siya nang mura? Ututan ko siya e.

"Opo, barilan po, then sword sword din. Patayan, ganern. Tsaka gusto ko po talaga makapasok kasi last week pa po ako naghahanap ng trabaho. Nakapasok po ako sa networking, sabi maging millionaire raw ako pinagbenta lang pala ako sabon, ginamit ko na lang ang mahal ibenta e."

"See, Anton, pwede na 'yan," sabat na naman ni Toto. "Hija, na-experience mo na bang humawak ng baril at magpaputok?"

Nag-isip ako. . . Hmmm.

Haha, wait, anyways naalala ko yung joke ng classmate ko no'ng grade six ako, tinanong niya kung bakit hindi raw nireregla ang sun? Sabi ko, malamang walang reproductive system, sabi niya mali raw ako. Ang sagot daw ay dahil sun siya at hindi daughter.

Anyways, back to the topic. Naranasan ko naman so magiging honest ako.

"I can pull the trigger...!" I confidently said, with a heart, with my pink ribbons, with my high heels, with my pink soul.

"Wait, don't tell me nagpapanggap ka lang na good girl pero ang totoo mahusay ka naman talaga at blah blah blah," ani Toto.

"I mean, ilang ulo na rin ang napatumba ko..." I humbly said.

"See? I told you, Anton!"

"Marunong din po ako mambato ng bomba!"

That's my fave.

"At manaksak! Haha, I'm expert with that! Sa ulo pa nga!"

"Sabi ko na, e! Saan mo 'yan natutunan?!"

"Uhm, sa Counter Strike, Rules of Survival, at Left 4 Dead, po."

Ahhhh nostalgic af. Naalala ko na naman tuloy yung past. Grabe, Maroi, you've been through a lot. I want to hug you.

I hugged myself.

"Ohhhh, see? Alam ko ang mga kompanyang 'yan! Those are amazing companies! Tama itong nakuha natin! Sabi ko sa'y-"

"Those are fucking games, Toto!"

Huminga nang malalim si Toto. "This would do. Pagod na akong maghanap ng pwedeng secretary slash ka-partner mo. May trust issues ako, pero sa babaeng ito, wala."

"Batumbakal and Tabayoyong tandem. Well, I'm forecasting a perfect tandem. Good luck to the both of you, sa future missions niyo."

Abangan ang susunod guys!

When Mr. Assasin Needs an Assistant and this Coquette Girl Named Maroi, AppliedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon