Chapter Eighteen

5 0 0
                                    

---

"Who are you?"

---

Chapter 18

"Kamahalan, sigurado ho ba kayo rito?" Naiiyak na pakiusap sa akin ni Ehya.

"Magtiwala ka sa sarili mo. Sisiguraduhin kong ligtas ka, alright? Ang gagawin mo lang ay sundan ang lubid. Humawak ka lang ng maigi dahil hahawakan ko rin naman ang dulo."

Kasalukuyan kong tinatali ang lubid sa bewang niya. Hindi naman gaanong malayo ang kabilang banda, kaya ang ginawa ko'y naghanap ako ng mahabang lubid na suwerte namang mayroon sa loob ng karwahe at naghanap ako ng malaking bato. Itinali ko ang lubid sa bato at puwersahang inihagis ang bato sa kabilang banda. That way, the rope will now serve as our bridge and something we can hold onto while travelling the strong current. Kahit hindi sigurado na kakayanin ng bato ang bigat nitong kasama ko.

Ilang beses tinapik ni Ehya ang kamay ko. "Pwede ho...pwede hong magdasal muna?"

"Pwede kang magdasal ngayon. Tinatali ko pa naman ito,  sisiguraduhin ko lang na mahigpit ito." I said without sparing her a glance.

"Diyos ko po, sana gabayan mo ako sa paglalakbay na ito na walang kasiguraduhan. Kung maaari po ay magmahika kayo at...at...at...sandali, Kamahalan."

This time, napahinto na ako at napatingala sa kaniya, "Bakit?"

"D-di'ba may mahika ka? B-bakit po tayo magbubuwis-buhay dito kung..." Nagtataka itong napatitig sa akin.

Agad rin akong napatitig sa mga palad ko. Yeah, right. I tried to think of a plan using my magic but the case...I don't really know to use magic as of the moment. Raven's not with me so...

"Actually, sa iyo ko lang sasabihin ito. Mahina na ang mana ko, so kapag gumamit ako ng mahika ay mahihimatay ako pagkatapos gumamit nito. So ano, kaya mo ba ang sarili mo kapag nahimatay ako?" Pagrarason ko sa kaniya na may seryosong tono. Agad naman siyang napailing ng ilang beses, "Ay, wag nalang, Kamahalan. Baka...baka mabawasan ang taon ng pagtagal ko dito sa mundo..." pilit na ngiti niya.

Sa huling pagkakataon ay hinigpitan ko ang lubid sa bewang niya, narinig ko pa siyang napa-aray at nagreklamo.

"Ganito, makinig ka. Hindi tayo sigurado na kakayanin ng batong iyon ang bigat mo, so as far as possible ay hinay-hinay ka lang sa paglakad pero at the same time ay huwag kang magpadala sa agos, okay? Kapag nahalata kong delikado na at hindi ka pa makaabot sa kabila ay hihilain kita pabalik, okay?"

Natahimik na si Ehya at tumango ng tumango. Tinapik ko na ang balikat niya bilang senyales na maaari na siyang lumusong sa tubig. Huminga siya ng malalim at bumuntong-hininga.

Bago ko inihagis ang bato sa kabilang banda kanina ay inihagis ko muna ito sa gitna ng ilog at sinukat base sa nasakop na basa nito sa lubid kung gaano ito kalalim. Hindi naman malalim talaga na lagpas ulo, dahil noong isinukat ko sa taas ko ay hanggang siko ko lang ito pero dahil mas mataas ako kay Ehya, siguradong baka hanggang sa balikat niya ang lalim ng tubig.

Dahan-dahan siyang naglakad habang binabalanse ang sarili. Ang lakas talaga ng agos ng tubig, nagtaka pa ako kung ano ang dahilan pero agad ko ring nalaman ang pinagmulan nito. Hindi gaano kalayo sa amin ay isang talon, na kung saan ang malakas na agos ay nanggagaling papunta rito sa ilog.

"Kamahalan!"

Agad akong napatingin kay Ehya na ngayo'y nasa tuhod na banda ang tubig. Nagmamakaawa parin ito sa akin pero sinenyasan ko lamang na magpatuloy. She whined and pouted. What the? She did exactly as what my sister did in another world whenever she wanted to borrow some of my manga but I wouldn't let her.

CLOAKED IN ROYALTYWhere stories live. Discover now