Agad kong itinapon ang aklat na binabasa dahil hindi ko ito gusto, it was weird. I don't like the story, hindi ko alam kung bakit nakikita ko ang sarili sa tauhan sa kwento at lahat ng ginagawa n'ya ay tagos sa aking nararamdaman. It was something weird that I couldn't explain.
Nang maitapon at agad akong bumalik sa aking kwarto. Para akong binuhusan ng napakalamig na tubig ng matagpuan ang aklat na maayos na nakalapag sa aking higaan. “THE WEIGHT OF YESTERDAY” titulo na nakaukit sa labas ng aklat, mukha syang old book at may pagkaunique s'ya. The f*ck?! anong nangyayari? hindi ko maitatanggi ang kaba at kilabot sa aking katawan ngunit nilakasan ko ang loob na lapitan at kuhanin ito. Binuksan ko ang aklat hanggang sa huling pahina na nabasa ko lang, halos uunti lang din ang nabasa ko dito dahil hindi ko na ninais pang ituloy. Isang kakaibang kilabot ang yumakap sa akin ng makita ko na putol na ang kwento, hanggang doon na lamang ito sa aking binasa, anong nangyayari?
Hindi na ako nag-alintana at agad na itinapon ito sa aking bintana. Kinuha ko ang aking kumot at kinumutan ang buo kong katawan sa takot. Pinilit kong patulugin ang aking sarili kahit hindi ako makapaniwala sa nararanasan ko, sa ngayon ay iniisip kong panaginip lamang ito, kung panaginip ay sana'y magising na ako.
°°°
Iminulat ko ang aking mata at sinalubong ako ng kakaibang sinagot ng araw, medyo masarap sa pakiramdam. Agad na naglaho ang mga ngiti sa aking labi ng may mapagtanto, bakit kakaiba na ang kagamitan? maging ang aking higaan na kulay kayumanggi ay naging.. wtf, pink?!!
tumingin ako sa paligid at para akong nasilaw sa mga kagamitan, puro kulay pink! I really hate girly colors and stuff! what the heck is this room, nasan ako?!
Malakas ang kabog ng aking dibdib ng makita ang aklat sa tabi ko? sh*t! “THE WEIGHT OF YESTERDAY” nakaukit dito, t-tinapon ko na 'to hindi ba? takang taka ako sa mga nangyayari. Nang binuksan ko ito ay ganoon parin ang tumambad sa akin, ang putol na istorya at kumunot naman ang aking noo sa sunod na nakita “grata devata in mundo, fruere te valebat cari” nakasulat sa sunod na pahina, anong ibig sabihin nito? at nasan ako?
napatakip ako ng tainga dahil sa isang nakabibinging tunog, mariin akong pumikit habang iniinda ang sakit nito sa aking pandinig. Maya maya'y nawala rin ito, pagdilat ko'y isang nakasisilaw na liwanag ang tumambad sa akin, ano bang nangyayari sakin?! bangungot ba ang lahat ng ito?
wala akong makita! ang paligid ay napapalibutan ng liwanag, what the f*cking heck is this?!
“pagbati binibini, malugod na pagtanggap sa aking mundo” boses ng isang babae
“s-sino ka? a-anong nangyayari?” lakas na loob kong tanong, kahit ang totoo'y natatakot ako
“nais lang kitang tulungan huwag kang mag-alala, nawa'y maging masaya ang iyong paglalakbay sa aking mundo” ani nito, nais kong magsalita ngunit walang ni anong lumalabas sa aking bibig, maya maya'y amat-amat na nawawala ang liwanag hanggang sa tuluyan na itong naging dilim.