BETTINA'S P.O.V
"CCA Bettina, new customer sa table 9."
Napalingon ako sa aking katrabaho na si Jasmine, may hawak siyang bote ng mga alak. Tumungo naman ako sa table 9 kung saan nakita ko ang tatlong lalake, ang isa ay may edad na habang ang dalawa ay mukhang nasa 30's lamang.
"Hello, what's your name?" tanong ng matanda sa akin.
"Bettina, sir. I am here to personally entertain you!" Kinindatan ko siya dahilan para mapapalakpak siya.
"I told you, Cris... Arnold, magugustuhan niyo dito."
"Dad, let's just go home and rest," sabi ng gwapong lalakeng katabi ng matanda.
"Kuya, we're just getting started. Tignan mo, mukhang may sasayaw pa sa harap." Tinuro ng isa pang lalake ang stage.
Tumugtog ang isang sikat na korean song dahilan para ang mga kapwa ko CCA ay magsipag sayaw ng aming choreography.
"Bettina, get me a whiskey, sarapan mo ang timpla!" sabi ng matanda.
Sumunod ako sa kaniyang utos. Napabuntong hininga naman ako, ramdam ko ang pananakit ng aking paa sa suot kong heels. Pakiramdam ko ay puro sugat na naman ang paa ko. May isang taon na rin akong nagtatrabaho bilang Customer Care Assistant o mas kilala bilang CCA. Ilang lalake na ang napagsilbihan ko para pagtimplahan ng alak, pakainin, at aliwin. Hindi mawawala ang mga bastos na customer, marami ring nagyayaya sa akin para sa extra service pero hindi ako pumapayag.
Nang matapos kong timplahin ang whiskey ng customer ko ay bumalik ako sa table nila.
"Bettina, this is my son, Cris. I want you to personally entertain him. Mahirap pasiyahin 'yan, I want him to enjoy the girls here!" sabi ng matandang customer ko at tumayo.
Naiwan ako sa lamesa, napatingin ako kay Cris na mukhang hindi masaya sa akin. Ngumiti ako sa kaniya at nilagyan ang baso niya ng alak.
"Sir Cris, tikman mo 'tong timpla ko. That's from the bottom of my heart," sabi ko at nagpa-cute pa sa kaniya.
Ngumisi siya at umiling.
"You know what, miss... Hindi mo na ako kailangan aliwin, pumunta ako rito dahil sa tatay kong makulit. Wala akong balak makipaglandian sa mga babaeng kagaya mo," sabi niya at nag-iwas ng tingin sa akin.
Napaawang ang labi ko, pakiramdam ko ay naapakan ang aking ego.
"Ano bang problema mo sa trabaho ko? Kung ayaw mo, wala akong pake. Magbayad ka ng talent fee ko—"
"How much do you need?" mayabang niyang sabi at naglabas ng pitaka.
Laking gulat ko nang makita ang makapal na pera sa kaniyang wallet, iba't ibang klase ng pera, mayroon ding foreign money. Mukhang bigatin itong natapat sa akin, hindi ko pwedeng palampasin ito.
"Sir..." tumabi ako sa kaniya at ininom ko ang alak sa kaniyang baso.
"How much? Is ten-thousand pesos enough for you?" tanong niya at nagsimulang magbilang ng pera.
Napangiti ako. Ang sampung libo na iyon ay sapat na para hindi ako pumasok dito sa loob ng isang linggo, makakabili na ulit ako ng mga gusto ko.