CHAPTER 1: WARNING

71 11 3
                                    

Content Warning: This chapter contains mature themes and potentially disturbing content. Reader discretion is advised.

...

THEA BELLE FAJARDO'S POV

"Good morning, ma'am," nakangiting bati sa 'kin ng mga empleyado ni Dad. Ginantihan ko lang sila ng isang pilit na ngiti bago lumabas ng building.

I got into my car, started the engine, and slowly backed up.

"What the fvck!" napamura ako nang biglang may naramdaman akong pagpalo sa likod ng kotse ko.

"Anong problema ng taong 'to?" Dali-dali akong lumabas ng kotse at pinuntahan ang walang'yang lalaking 'yon.

"Anong problema mo?" I calmly but assertively asked. I placed my left hand on my waist.

"Hindi ka ba tumitingin sa likod ng kotse mo?!" he angrily exclaimed while pointing his index finger at me with his right hand.

"What?" I raised an eyebrow. I didn't understand him.

"Yung motorsiklo ko nakaparada rito, hindi mo manlang chinecheck kung may nakaparada dito. Porke mamahalin 'yang kotse mo, wala kang pakialam sa nasa likuran mo-" I cut him off. I couldn't contain the anger that enveloped me.

I slapped him. Kahit na maingay ang tunog ng mga sasakyan na dumadaan ay rinig na rinig pa rin ang pagsampal ko. He held his cheek, which I slapped, and turned towards me.

"Ganiyan naman kayong mayayaman, mahilig manghamak ng kapwa," kumunot ang noo ko sa pinagsasabi ng lalaking 'to.

"Who the hell are you? Kilala mo ba kung sino ang binabangga mo?" Iritada kong saad.

"Wait here." Bumalik ako sa loob ng kotse para kumuha ng pera at bumalik sa kanya.

"Here." Iniabot ko ang tatlong libo sa kaniya. Agad niya rin naman itong kinuha.

Itinayo niya ang motorsiklo niya at sumakay rito ng walang anomang sinasabing kahit na ano.

"Thanks," aniya na kumindat pa bago pinaharurot ang motor na animo'y naging matagumpay ang kaniyang plano.

"Aba! H-Hoy!" umigting ang panga ko nang mapagtantong na-scam ako ng walang'yang iyon.

Nakatanggap ako ng voice message galing kay Trisha.

"Hoy, babae! Nasa'n ka na ba? Bilisan mo bago pa maubos ang pasensiya ko sa'yo."

Nailayo ko ang telepono dahil sa lakas ng boses niya.

I directed my car towards where Trisha was. She was the one who helped me apply to Tallestar Company.

May mga sariling company naman ang dad ko. I just want to know more about the feeling of being employed in a company and to learn more because someday my dad's company will be mine. Curious lang din ako sa kung papaano pinapatakbo ng isang sikat na CEO ang kompanyang Tallestar.

Pinarada ko ang kotse sa isang parking lot na medyo malayo sa kompanyang aaplayan ko. Pagkalabas ko ng kotse ay agad ako pumasok sa loob ng building na ito para magpalit ng simpleng kasuotan. Agad rin naman ako sinalubong ni Trisha.

"Bakit ba ang tagal mo, Thea Belle Fajardo, ha?!" animo'y galit na galit na aniya. Nakapameywang pa siya habang dinuduro-duro ang noo ko.

"Sino ba kasi nagsabi sa'yo na pumunta ka ng maaga, Trisha Moira, ha?!" ginaya ko pa ang tono at ang pagduro niya sa noo ko para dama niya.

AELO 1: The Secretive Secretary Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon