Umalis si Amoralia nang hindi ako pinapansin. Hindi ko alam kung ano'ng nangyayari.
Mabaho ba ang hininga ko kaya ayaw niyang halikan ko siya? E halos kainin niya na nga ako magdamag kung hindi lang namin narinig ang katok ni Yuei.
Naman kasi, Red! Dapat nagtoothbrush muna bago humalik, kainis.
Two days before the Year-end at mas kitang aligaga na ang mga taong involved. Ang mga hindi naman ay halos tambay na lamang sa dorm at naghihintay na lamang ng Year-end party bago magsiuwi sa kani-kanilang mga pamilya.
Speaking of, I wonder kung nasa amin ba ang parents ko sa holidays, lol.
Dahil hindi ako officer at hindi rin ako nagvolunteer to help the Year-End, nanatili lamang din ako sa common area para magNetflix. Ang tanging naitulong ko lamang sa Year-End ay ang pag-invite sa Tala.
Hindi pa ako nagnenetflix ay nagfacebook muna ako. I came accross the post of the Official Page of the officers regarding the Year-End. Formal party pala ang mangyayari, wala pa akong isusuot. 3d ago pa ang post at ngayon ko lamang ito nakita, great.
Bumalik ako sa dorm para magpalit ng damit. Maghahanap ako ng isusuot para sa Year-End Party. I even texted one of my friends, Clau, to help me. Her Mom's a fashion designer kaya siguradong matutulungan niya ako.
"Red!" Nakangiti si Clau sa akin habang pababa ito ng hagdan nila.
Natatawa ako sa tuwing maaalala ko ang mga judgments ng mga tao sa friendship namin ni Clau. Clau is literally my opposite, sobrang bait nito at hindi halos makapatay ng lamok. How we became friends? Well, I sort of saved her from a car accident and so her Mom's so fond of me.
"Red, ngayon lang yata ulit kita nakita?" Nakangiti rin sa akin si Tita Ophie.
"I've been transferred to a boarding school tita." Bumeso ako sa kaniya maging kay Tito Kinn nang dumating din ito.
"Oh really? How was it?"
"It's good naman Tita. Hindi naman ako nahirapan mag-adjust." It's fun, really.
"So are you gonna bond with Claudein? I'll be happy to have you accompany my daughter, Red. Kinn and I will be leaving kaya walang kasama si Clau—,"
"Clau!" A sophisticated woman entered the house. Sa tantya ko'y nasa 4-5 years ang tanda nito sa amin.
"Oh, Lady Reign." Nginitian siya ni Tita Ophie. Sino ba ito?
"Ninang, my mumma's said Clau will be left alone here so sumama ako para hindi siya mag-isa rito." Sabi noong babaeng tinawag niyang Lady Reign.
Wait, Lady Reign?
"Clau, I hope our daughter won't be such a bother to you, hhmm?" Malambing na saad ng isa ring magandang babae.
"Well, Yenna, a friend of Clau is also here. I believe kaya niyo na ang mga sarili niyo, hhmm? Just ask our maids if you need anything." Teka lang Tita Ophie, kanina ko pa iniisip kung saan ko ba nakita ang mga babaeng ito.
"Are you ready to go?" May isang babae ring mabilis na gumapang ang kamay sa beywang noong malambing na babae—shit, it's Lady Rhianne of Rianzares!
"Reign Yell Ann Rianzares, behave." Pinandilatan ng mata ni Lady Rhianne ang babaeng ngayon ay nakaakbay na kay Clau. Dumila lamang naman iyong tinawag nilang Lady Reign.
Umalis na rin sila pagkatapos noon.
"So who's this girl?" Tinaasan ako ng kilay noong babae.
Bakit napapaligiran si Clau ng mga babaeng opposite ng ugali niya? Lol.
BINABASA MO ANG
Loving Her Was Red (RD #1)
RomanceRed Duology 1: Loving Her Was Red They say an all-girls boarding school is the usual prison for delinquent girls, but Reddiah Puhllie Crinzon took the opportunity to play with President Amoralia Denise Levarez. (GL)