Assumptions

4 0 0
                                    

So, I have this officemate na unexpectedly naging crush ko mga 3 or 4days na. Nagkataon na magka-batch kaming pumasok sa Team long-long time ago and all along akala ko may asawa at anak na sya kaya I always kept my distance from him. Then this planned vacation happened... His team began to tease him in secrecy until my friends told me about it. Tapos nagka-yayaan mag out of town, then nagka-asaran ulit. I immediately dismissed the thought and told them that it wasn’t right, but I was so shocked when they told me that he is very much single.

At ayun na nga. Flashback flooded my mind instantly. Especially recently, during our ‘Summer Saya’ activity na sya ang nag lead. Bilang isang curious sa mga bagay-bagay, naki-usisa ako sa ginagawa nya until I realized na he already nominated me as his sub-lead to décor our booth since walang tumutulong at sumusunod sa kanya.

So, we were buddy on those two days. I remember being awkward around him. Eh paano kasi, he was with me everywhere I go, kasi nga buddy kami. Syempre, that time, I must behave accordingly baka sabihin ng mga marites eh nililingkis ko yung lalaking may asawa.

There was one time pa, nag didikit ako ng mga letters sa cartolina and he offers to cut the tape while I stick them sa cartolina. Siguro mga 3 letters lang yung nadikit ko tapos I randomly grabbed a scissor and joined the other group in cutting out other printouts, tapos he followed me and asked if sino pwede nya makasama sa pag-bili ng additional art materials sa National Bookstore. By this time, marami na kaming nahakot na volunteers dahil sa chocolates na dala nya na hindi ko natikman kahit isa. I tap one of my teammates to go with him, tapos biglang yung mukha nya parang na-disappoint then sabi nya ‘ah sige, ipa-sama ko sa kanya si Louie’.

Back to present, I was wondering, if we both went to the National Bookstore, magiging close kaya kami? Doon palang kaya sa point na yun malalaman ko kaagad na single naman talaga sya? The next day kasi noon mejo close na kami. Tapos since buddy nga kami, lagi kaming mag kasama sa mga programs and pag assist ng mga participants sa games na prenepare namin. Sabay nga din kaming nag ikot para sa QR Code voting gamit yung phone nya na ibinilin nya sa akin. Pero my gosh, if I just knew, hindi na sana ako lumalayo everytime na lalapit sya para silipin yung fone nya na hawak ko. Kinilig na siguro ako ng bongga. May pag ping pa sya non, pero hindi ko ine-entertain.

Ayun na nga. Unexpectedly, nung chinika sa akin ng mga ka-team ko yung ‘asaran’ na naganap, biglang nag flashback lahat.

Sabi ko nga kanina, kung papasok sya ng office today may chance talaga…  Pero it is very unlikely dahil tapos na sya mag RTO last week. Tapos parang nag blur yung paligid nung nakita ko syang palapit. Pumuwesto pa sya sa katapat kong table na pareho kaming magkaharapan. Pero hindi kami nag kibuan.

Kapag sumama talaga sya bukas kahit wala sya masyadong ka-close, baka sya na nga…

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 09 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Our Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon