"Lizbeth, ako na magpapaligo Kay Jacko.""Pero ma'am, ang bilin ni Sir Tyrel ako po ang bahala sa--"
"Don't worry, leave it to me. Sige na. Please?"
Bagamat alanganin ay tumango na lamang ang katiwala sa pakiusap ko. Lunes ngayon at gumising talaga ako ng maaga upang asikasuhin ang mga anak. Nag-file pa ako ng leave dahil excited ako na ipaghanda sila ng breakfast bago pumasok. Wala akong problema Kay River dahil nakaligo na ito at nag aalmusal na. Si Jacko nalang ang bukod tanging nagta-tantrums sa silid nito dahil ayaw pumasok.
"Lake--Jacko? Gising ka na ba? Good morning, anak! Rise and shine!"I gave him my warmest smile matapos katukin ang pintuan at makitang nakatalukbong parin ito ng kumot.
"I don't like you! Get out! Get out!"
I tried to brushed off his words and just pretend that I didn't hear anything. Umupo pa Ako sa gilid ng kama niya at sinubukan alisin ang kumot sa kanyang katawan.
"Jacko? Si Mommy ito--"
"You're not my mom! Si Mommy Tia lang ang mommy ko! I want my Mommy Tia! I want my Mommy Tia!"
"I know but Mommy Tia is not here. Get up. You need to to take a bath and eat your breakfast. May pasok pa kayo ng kapatid mo."
"Wala akong kapatid! Wala akong mommy! I don't want anything to do with you! Si Daddy, Mommy Tia and Papa Jace lang ang family ko!"
This is the price I have to pay for what I did in the past.
Ang sakit Pala itakwil ka ng sariling anak.
But I am tough and clever enough I will never let those words hinder my plans of getting in his good side. Hinubog na ng panahon ang kakapalan ng mukha ko.
Hindi man lumaki sa akin poder ay mahal na mahal ko ang anak. At Hindi Ako makakapayag na mauwi sa Wala ang lahat.
"Anak naman, makinig ka kay mommy please? Alam ko naguguluhan ka sa nangyayari. Probably nalilito ka why all of a sudden bigla kaming lumitaw ni River and claim that we are family, but please give us a chance."
"Ayoko Sayo! Hindi kita mommy! If mommy kita bakit Ngayon ka lang dumating?"Tinabig nito ng malakas ang kumot, lumitaw tuloy ang bilugan niyang mukha na namumula pa sa galit. "Don't you love me enough to stay with me?"
Para akong binagsakan ng hollow blocks sa dibdib sa sobrang bigat ng nararamdaman.
"Anak, mahal kita. Mahal ko kayo ni River. Nasa tiyan palang kayong dalawa ay mahal na mahal ko na kayo. I'm sorry. M-May malalim na dahilan si mommy bakit i-iniwan kita sa Daddy mo kahit m-masakit sa loob ko--"
"Liar! Si River lang ang mahal mo! Iniwan ko Ako Kay Daddy kasi ayaw mo sa akin! Ayoko Sayo! I will never treat you as my mom!"Patakbong nagtungo ito sa banyo at nagkulong. Naiwan akong umiiyak na kumakatok. Masakit makita ang epekto ng nagawa kong pag-iwan sa sariling anak ngunit kung kinakailangan Kong Gawin iyon ng paulit-ulit para mailigtas ang Buhay niya, gagawin ko.
"Tyrel? Open the door! Please!"
"What is happening here?"hangos na saad ni Tyrel na kaliligo lang at hindi pa ayos ang pagkakabutones ng puting polo na bakat sa katawan.
"T-Tyrel..."
"What did I tell you? I told you to wait for him to adjust and come to you right? Ano na Naman ginawa mo? Tang-ina naman, Ambrosia! If you can't abide to my damn rules then you better get the fuck out of my house!"
Napatungo Ako sa pagtitimpi ng galit. I said to myself that I will never let Tyrel disrespect me in this house but right now wala akong lakas na patulan siya. For the sake of my son, handa akong ibaba ang pride para makasama ito.