NATHAN KIM's POV
Three weeks from now, graduation day na namin nina Bryan Trevor and Marcus. And its been a year since Zhoumi and Henry moved to the mansion. We're now a big family! Literally big. Madali namin silang nakasundo. They are super talented kaya isinama sila sa sub-unit ng group namin. It is called Hallyu Brothers Bond.
I was about to go to the restroom nang may marinig akong sumisigaw sa hallway. Or maybe pinapagalitan.
Nandito kasi ako sa radio studio kung saan ako nagtatrabaho. Aside from being a singer and a dancer, I'm also a DJ.
Bihira lang ako makarinig ng ingay dito sa hallway ng studio dahil busy ang mga tao rito.
Tumabi muna ako sa gilid para hindi ako maka-distract sa eksena. Pakikinggan ko na rin, hindi pa naman ako ihing ihi.
"The heck, Zyna! Bakit hindi mo magawa ng maayos ang trabaho mo? Ilang taon ka na rito pero ang dami mo pa ring kapalpakan. Pati ako nadadamay sa pagiging irresponsible mo. Kahit na anak ka ni Mr. Andrade, hindi iyon rason para makuha mo ang gusto mo. Gusto lang naman ng daddy mo na maging ready ka. Maging responsible." Halos lumabas na ang ugat sa leeg ng babae habang sinasabihan ang kaharap nito.
"Wala naman kasi akong sinabi na gusto kong magtrabaho rito sa radio studio namin. Sya lang mapilit. Saka wag mo akong sisihin sa kapalpakan ko. Pabayaan mo nalang ako kung ayaw mong madamay." Pasupladang sabi ng kausap nya.
Medyo nararamdaman ko nang naiihi na ako. Ang hallway kung saan sila nakatayo ay papuntang restroom.
"Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sayo, Zyna Ylaine Andrade." Napapailing na umalis ang babaeng sumisigaw kanina.
It's time na rin siguro para pumunta na ako sa restroom. Naiihi na talaga ako.
Pagdaan ko sa babaeng sinisigawan kanina, napahinto ako.
Tama ba ang nakikita ko?
"Hey! Where are you looking at?" Mataray na sabi nya.
Tinignan ko sya. She's pretty pero mukhang mataray. Siguro matangkad lang ako sa kanya ng three inches. Mukha syang mayaman.
"Ano bang tinitignan mo?" Hinarang nya ang kanyang dalawa kamay sa dibdib.
Yes. Nakatingin ako sa dibdib nya. May nakita kasi akong nakakatawa.
See-through kasi ang upper part ng polo sleeves nya kaya nakikita na talaga ang bra nya. And guess what? Akala ko namamalikmata lang ako pero giraffe style ang bra nya. Which is ang long neck and tail ng giraffe ay ang strap nito at ang katawan naman nito ay hapit na hapit sa kanyang dibdib.
"Masama bang tumingin sa pader?" Nakangisi kong sabi sabay alis.
I need to pee.
"Pervert!" Sigaw nya.
Napangisi nalang ako sa sinabi nya.
AFTER ONE YEAR...
"Let's try this one and make it simple. Our costumers will surely love it." Kuya Vincent said.
"Okay."
Kanina pa kami nag-uusap ni Kuya Vincent kung ano ang gagawin namin para sa innovation test. May limang pastries kasi na hindi masyadong mabenta sa bakeshop and we decided to innovate it instead na hayaan nalang iyon mawala. Sayang naman ang effort namin sa paggawa ng pastries.
Tumagal din ng halos dalawang oras ang pag-uusap namin ni Kuya Vincent.
"Natham, I have to go. Ikaw na muna ang bahala rito sa bakeshop. Kanina pa ako minamadali ni Kuya Casey baka pagsungitan na naman nya ang secretary ko." Pagpapaalam nya sa akin.
BINABASA MO ANG
The Hallyu Brothers Book 3: Ryeowook (ON-HOLD)
FanfictionNathan Kim doesnt want to be in a rebound relationship. Ayaw nyang maging komplikado ang relasyon nya sa babaeng magugustuhan. Until he met Zyna Ylaine Andrade. Ang babaeng laging nagsusungit sa kanya kapag nagtatagpo ang landas nila. Paano kapag na...