CHAPTER 28
No More Emptiness
“Wow, Karasuno number 11!” masiglang bati ni Akon pagbaba ko ng building.Syempre, baka Kei Tsukkishima fan 'to!
Tinignan ko siya at naka jersey siya ng Fukurodani, jersey number ni Bokuto. “Asan si Akaashi mo?” pabiro kong sabi kaya napangisi siya.
“Andon na sa venue.” Sagot niya.
Hindi ko naman alam na meron na pala. Binibiro ko lang.
Birthday ngayon ni Zoren at sinundo ako ni Akon sa apartment. Hindi kasi sa bahay nila gaganapin, sa isang private hotel 'yon malapit sa isang beach. Tutal Haikyuu theme naman daw, para raw makapag beach volleyball ang ibang bisita.
Alam kong maraming pupunta dahil buong angkan nila ito both sides. Iba pa ang mga kaklase ni Zoren at mga kakilala nila sa business. Ganon sila mag celebrate kapag birthday ng bata.
Nagdala rin ako ng ibang gamit kasi hanggang bukas ang celebration.
“Si Kuroo sana sa'kin, kaso nakita ko sa list ng bisita na meron nang nakakuha.” Naka-pout niyang sabi.
“Pupunta rin ba si Brix?” tanong ko.
“Oo, mas favorite nga ni Zoren sila Brix at ZL kesa sa'kin na mismong Kuya niya! Unfair!” maktol niya habang nagd-drive.
“Pupunta rin si ZL?” gulat kong tanong.
Alam ko naman na magkakaibigan sila pero kasi naiilang ako sa kanya. Hindi kasi niya ako pinatulog ng maayos dahil sa nangyari kahapon, nakakainis!
“Oo, noong kasing pumunta si Z sa'min, kasama niya si Zamie. Kapatid niya 'yon, eh mahilig sa volleyball, kaya ayon sakto naman na nanonood si Zoren ng Haikyuu. Nagkasundo sila.” Paliwanag niya.
“Ilang taon na yung Zamie?” tanong ko ulit.
Kahit nagtataka siya kung bakit ko tinatanong ay sinagot din agad. “Ten.”
Ten na pala 'yon? Akala ko eight or seven. Maliit kasi tapos ang bata tignan sa edad niya.
“Akon may tanong ako,” tumingin siya sa'kin, nagaantay sa tanong ko. “What does it mean when you see your friend hanging out with their significant other and suddenly you start feeling all weird and anxious, like your heart just dropped into your stomach.... I don't know, bakit ko ba tinatanong sa'yo 'to!” tinakpan ko ang mukha ko gamit kamay.
Hindi siya sumagot kaya sinilip ko siya mula sa kamat ko pero nakatakip pa rin. Nakatingin siya sa'kin na para bang may kung ano sa pagkatao ko na hindi niya pa nakikita tapos biglang nagpakita.
“Hala ka!” komento niya at humawak sa bibig habang nakatingin sa daan. “Nagka gusto ka ba sa may jowa, Nowie?!” gulat niyang tanong habang namimilog ang mata sa'kin.
Umiling aki ng mabilis. “No way! Nagtatanong lang ako!”
“Isa lang ibig sabihin kaya non! Gusto mo yung kaibigan na tinutukoy mo kaya nasaktan ka noong nakita mong kasama niya jowa niya!”
“Hindi nga! Impossible 'yang sinasabi mo!” panlaban ko.
“Eh bakit mo mararamdaman yung ganon dahil sa wala lang?!”
“Hindi ko rin alam!” namumula kong sabi habang nakatakip sa mukha.
“Ewan ko sa'yo, sino ba 'yan?” kalmadong tanong niya pero may pang-asar na look sa mukha.
BINABASA MO ANG
Seeking the Wellspring of Heart
RomanceNocia's life has been marked by a sense of disconnection and isolation from her family. From a young age, she was made to feel like she didn't belong and that she was a burden, despite her efforts to meet her family's expectations. This experience h...