Chapter 13

1.8K 66 4
                                    

The day of the Year-End Party came and I'm currently at our house. Kaninang umaga ay pinauwi na kami at binakante na ang mga dorms. We were advised to go home to prepare for the party.

As expected, wala ang mga magulang ko nang makauwi ako. Hindi ko alam kung nasa ibang bansa ba sila o out of town lamang dahil wala naman silang ibinilin sa akin.

Yuei said they'll be back at school immediately dahil magchecheck pa sila ng mga kailangan sa Year-End Party samantalang ako ay oras na ng mismong party babalik.

Hana Mariz Gonzales
I'll have your dress delivered today! Stay pretty!

Ilang minuto nga lamang ay dumating na ang ipinadalang damit ni Hana. She said I'll be wearing this for the performance later. When I opened the box, I saw a multi-layered and multi-colored mini dress. May kasama rin itong headband na kakulay rin nito. A note says I should wear a white heels.

Nakahanger sa sasakyan ang damit na iyon nang pumunta ako sa Year-End Party dahil ang floor dress ang suot ko muna. 

"Red!" kinuha sa akin ni Yuei ang damit na dala ko at sinabing wala muna dapat makakita noon kaya naman sinamahan niya akong dumiretso muna sa backstage. Sabi ni Yuei ay may tatlo raw na kakanta bago ang performance ng Tala. Mayroon din daw munang program bago iyon.

"You look so beautiful." Napalingon ako sa dumating sa backstage.

"Ferblue." Tipid na tipid ang ngiting ibinigay nito sa akin ngunit bakas ang sinseridad roon.

"The dress looks good on you." Pinasadahan niya pa ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

Ferblue's wearing her name, a navy blue long back floor dress.

"Your dress suits you too." I gave her a smile.

"Sana pala color na lang din name ko, I'll be proud to wear it." Yuei giggled.

Sabay-sabay kaming nagtungo sa hall.

"Where's Amoralia?" Bulong ko kay Yuei.

Nginuso niya ang isang babaeng nakaitim. Nakatalikod ito sa amin, nakataas ang buhok kaya naman kitang kita ko ang makinis niyang likod sa kaniyang backless long dress. Damn, her white skin is being flaunted in these damn dim lights. Bakas na bakas ang hubog ng kaniyang katawan dahil sa damit na suot niya.

Tila bumagal ang mundo ko nang lumingon siya sa amin. Hawak-hawak ang kanang bahagi ng headphones na nakasuot sa kaniya, dalawang beses niya kaming liningon. I swear I felt myself gulped the same time she looked at us. She looks even fiercer and sexier with the make up she has. Her dress' lace goes up to her neck and ties at her back, with her cleavage being revealed through the hole of the dress.

I tucked my lips in, even tasting my lipstick. Nagbackfire yata sa akin ang plano ko sa kaniya. Mukhang ako ang hindi makakaalis ng tingin sa kaniya. Wtf?

Hindi niya kami nilapitan. Ibinalik niya ang tingin sa mga kausap niyang may kaniya-kaniya ring headphones sa kani-kanilang tainga.

"I have to go back to them. Enjoy the party." Bumeso sa amin ni Yuei si Ferblue bago isinuot din ang headphone na kanina'y nakasabit sa leeg niya.

"The main team won't be able to enjoy the party tonight." Iiling iling na sabi ni Yuei.

Yuei mentioned having a main team of the officers to lead the Year-End party. They gotta help with the manpower but the brain, hands, and heart of the party is the main team.

The event started with a few speeches, activities, toasts, and performances. Hindi ko inalis ang tingin ko kay Amoralia kahit may mga nagsasalita o nagpeperform sa harapan. Halos nabilang ko na rin yata kung ilang beses kumunot ang kaniyang noo, ilang beses siyang napabuga ng hangin, at ilang beses niyang kinagat ang kuko niya. Kinakabahan yata siya?

Loving Her Was Red (RD #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon