Page 50

15 3 0
                                    

Nakuha na namin yung bagong papel ni sadie last week, nakapag enroll na din siya at first day of school niya ngayon.

Ako lang mag hahatid sakaniya kasi busy si warren sa bahay, sakaniya ko na din iniwan si cam. Hindi ko kaya mag hatid kay sadie na karga karga si cam.

Yung kotse nalang ni warren ang ginamit ko pag hatid, medyo malayo din kasi dito yung school kung saan papasok si sadie.

Ilang araw na din busy si warren laging naka tutok sa laptop niya o kaya umaalis ng umaga tapos umuuwi ng madaling araw na.

Wala na siyang time saming tatlo, ang alam ko wala pa siyang trabaho ngayon kasi wala pa daw nag tetext sakaniya.

Sa loob ng dalawang linggo ganyan ang ginagawa niya, tutok sa laptop aalis ng umaga.

Nag tatanong na din si sadie kung bakit palagi umaalis si daddy niya, pinapaliwanag ko nalang na busy sa new work habang wala pa yung main work ng daddy niya.

Buti nalang naiintindihan na ni sadie ang mga bagay na pinapaliwanag ko.

Hininto ko ang kotse sa harap ng gate nang school ni sadie, binuksan naman niya agad ang pinto ng kotse at bumaba. Hindi na siya nag papatulong mag buhat nang bag niya kasi big girl na daw ito.

"Babye mommy ingat po pag uwi"masigla niyang paaalm sakin at yumakap sa bewang ko. Hinalikan ko naman siya sa noo at nag paalam na din.

Friendly ang anak ko kaya imposible na wala siyang magiging kaibigan agad.

Umuwi agad ako sa bahay pagka hatid ko kay sadie, pag pasok ko sa bahay ang tumatawa ang anak ko habang naka tingin sa pinapanood nito.

Tinignan ko si warren kung anong ginagawa, hindi na siya naka tutok sa laptop nito at nakikinood sa pinapanood ni cam.

Naka ngiti akong lumapit sakanila at hinalikan sa noo sa cam.

"Kamusta?"tanong ko kay warren at umupo sa tabi niya.

"Okay lang"tipid na sagot nito, ilang araw na din siyang ganyan, sa tuwing kakausapin ko siya laging tipid ang sinasabi sakin.

Ni hindi na nga niya ginagawa ang mga dati niyang ginagawa sakin, nag tatampo na ako sakaniya kasi puro sila sadie at cam lang ang hinahalik niya sa noo tapos ako ni isa wala na.

Bago pa ako mainis sakaniya ay pumasok nalang ako sa kwarto namin ni cam at humiga doon.

Hindi ko na pansin na naka tulog na pala ako, kung hindi ako gigisingin ni warren hanggang ngayon tulog pa rin ako.

"Nasundo ko na si sadie"sambit nito at lumabas na sa kwarto ko.

Tinignan ko ang orasan na nasa tabi ko at 12 pm na, maaga akong nagising kasi pang umaga din si sadie sa schedule niya.

Lumabas ako sa kwarto at nakitang kong kumakain si sadie ng inasal at si cam naman ay nasa crib na niya at natutulog.

"How's your day?"tanong ko kay sadie at hinalikan sa noo.

"Mommy sobrang saya ko po, madami na din po akong naging friend"naka ngiting kwento ni sadie sakin at kumain na ulit.

Lumapit ako kay cam at hinalikan ito sa noo, gustong gusto ko gawin sakanila ang pag halik sa noo dahil isa na yun para maramdaman nila na mahal na mahal ko sila.

Tinignan ko si warren na ngayon naka tutok na ulit sa laptop niya, ni hindi manlang niya ako inaya kumain.

"Hindi ka pa rin tapos?"tanong ko sakaniya at hinawakan ang buhok nito.

Kahit hindi niya ako pinapansin pinaparamdam ko pa rin sakaniya na mahal ko pa rin siya kahit walang kami.

"Hmm"tipid na sagot nito, umalis nalang ako doon at pumunta sa kusina para mag luto ng meryenda namin mamaya.

Nag luto lang ako ng spaghetti at chicken para sa meryenda namin, saktong pag tapos ko mag luto ay lumapit sakin si warren.

"Alis muna ako, uuwi agad"paalam nito at may inabot sakin na papel.

"Ano 'to?"tanong ko at binuksan 'yon, naka sulat doon ang address at hindi ko alam kung kaninong address 'yon.

"Hindi mo titikman ang niluto ko?"sambit ko at hindi na tinanong kung ano yung ibinigay niya saakin.

"Nag mamadali ako"sambit nito at tinalikuran na ako at bumalik kila cam at sadie. Nag paalam siya at hinalikan sa noo ang dalawa.

Deretso siyang lumabas ng pinto at hindi na tumingin pa sakin.

Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko na natitiis niya akong hindi pansinin, akala ko hindi siya tulad ng pinsan niya.

Akala ko hindi siya mag babago hanggang maging asawa ko siya, may pasabi sabi pa siyang soon to be husband ko pero hindi ako pinapansin at hinahayaan.

Ako nalang kumain ng niluto ko dahil busog daw si sadie pinatulog ko nalang silang dalawa sa sala habang nanonood ako ng kdrama.

Hindi ko na malayan na mag dadalawang oras na pala akong nanonood kung hindi pa nagising si cam at umiyak.

Nag timpla na din ako ng gatas ni cam kaya pina dede ko siya, bumalik siya sa pagkatulog at ako naman ay nanood ulit.

Hanggang ngayon walang umuwing warren saamin, mag 6 na ng hapon pero wala pa siya sabi niya uuwi din siya, bakit pa kasi ako umaasang uuwi talaga siya e palagi naman madaling araw umuuwi 'yon.

Pnaliguan ko nalang sila sadie at cam kasi sobrang init ngayon, pinag papawisan din si cam kaya sinabay ko nalang si sadie kasi galing labas siya baka kung ano pang dumikit sa damit niya.

Hindi na ako nag luto nag order nalang ako sa food panda at yon nalang ang ginawa kong dinner namin ni sadie, kaming dalawa lang naman kakain kasi yung magaling ama ni sadie walang balak umuwi samin.

Sobrang aga din namin mag dinner ni sadie kaya na nood nalang kami, buti si cama ang tahimim habang karga ko.

Syempre yung pinanood ko ay pwede sa dalawang bata, edi nauwi nananamn sa cocomelon.

Wala akong choice nag anak anak ako, kung ano dapat panonoorin nila panonoorin ko nalang din kahit paulit ulit nalang.

Habang nanonood silang dalawa ay nag timpla na din ako nang gatas ni cam incase na magutom siya.

Life With A Good Guy (LTM Series #1)Where stories live. Discover now