Capítulo 23

8 2 0
                                    


Flashback


Nagising ako dahil sa isang tunog ng machine sa aking tabi at nang imulat ko naman ang aking mata ay sumalubong sa'kin ang nakakasilaw na liwanag.

Nasa langit naba ako?

Pumikit pikit pa akong muli upang masigurado na hindi ako nananaginip. 

Nagulat nalang ako ng may biglang tumawag sa pangalan ko.

"Tharnalie!! Baby! I'm glad you're awake!" bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Mommy at napakunot naman ako sakaniyang inasta.

Hindi ako sumagot sakaniya at nang igala ko ang aking paningin ay napagtanto kong nasa loob ako ng isang Hospital private room.

Akmang magsasalita ako ng bigla niya akong pigilan. "Don't move and talk, baby, okay? Tatawag lang ako ng nurse and doctor." nagmamadaling banggit niya kaya naman wala akong ibang nagawa kung hindi ang tumango bilang pagsagot sakaniya.

Dali-daling lumakad si mommy papunta sa pintuan at makalipas lang ang ilang minuto ay napapaligiran na ako ng tatlong nurse at dalawang doctor.

"Rest and be calm, okay?" ani ng isang lalaking doctor. Tumango lang ako at hinayaan siya na igiya ang aking ulo sa pagkakahiga.

Madaming chineck sa'kin, ultimong pagdilat at paggalaw ng aking mga daliri ay tinest nila. Naroon pa nga 'yong tinutukan ako ng flashlight sa mata at sa lahat ng 'yon ay hindi ako nag-atubiling magsalita. Puro tango at iling lang ang aking nasagot.

Matagal tagal din ang naging pagtatanong sa'kin ng mga doctor. At nang matapos na sila ay mabuti na lamang at lumabas na yung iba.

Nanatili namang nakaupo ang doctor na lalaki sa aking tabi. Nang matignan ko ng maigi ang mukha nito ay parang may dumaan na memorya sa aking utak na nag resulta ng bahagyang pagkirot nito.

Umupo ang doctor sa isang silya at saka ako taimtim na tinignan.

"Do you remember anything before ka mapunta dito?" walang pagdadalawang isip na tanong niya sa'kin.

Kumunot naman ang aking noo ng dahan dahang bumalik ang aking memorya ng mga pangyayari. 

"I-I crashed.. Basta ang pagkakatanda ko lang ay dumulas 'yong motor ko at sunod no'n ay wala na akong halos maalala." mahina at halos pabulong na sagot ko.

"Omygod.." dinig kong usal ni Mommy sa aking tabi, tila nanghihina. Mabuti na lamang ay umalalay si Daddy sakaniyang likod.

"What time is it?" tanong ko bigla.

"It's currently 6:05 am, Ms. Tharnalie." sagot sa'kin ng Doctor matapos niyang bahagyang tignan ang relo sakaniyang pulsohan.

Tumango-tango lang ako biglang sagot.

"Do you know what date it is today?" 

Tumango naman ako bilang pagsagot. "It's June 21, "

Marahang napabuntong hininga ang doctor na labis na ipinagtaka ko. Nilingon ko rin sila mommy at nakita ko naman na umiiyak na ito ng tahimik, habang si Daddy naman ay inaalo pa rin ito ngunit may ngiti ng kaunti sakaniyang labi na nakatulong naman upang medyo mapanatag ako.

"I'm sorry to tell you this, Ms. Tharnalie, but it's already July 19. You've been unconscious for about 3 weeks."

Natameme ako at halos hindi ako nakagalaw sa aking pwesto ng sabihin 'yon sa'kin ng doctor. Tila hindi nag r register sa aking utak na na-comatose ako ng 3 weeks dahil sa aksidente na nangyari sa'kin.

Kaya naman pala sobra ang iyak ni mommy ng magising ako dahil mag-iisang buwan halos ang pagkawalan ko ng malay.

"Do you remember kung bakit ka naaksidente? Bukod sa madulas yung daan, is there any reason for you to drive while raining?" 

Pilit ko namang hinahalukay ang aking utak para may matandaan kahit papaano ngunit nakirot ito kapag sobra-sobra akong nag-iisip kaya naman sumagot nalang ako sakaniya gamit ang mga memorya na natatandaan ko.


"I don't know.. Ang tanda ko lang ay inaya ako ni Mery mag-party at noong nakapunta na ako sa venue ay mabilis akong umalis din."

Napahawak akong muli sa aking ulo ng bahagya itong kumirot ngunit nagpatuloy pa rin ako sa pagsasalita. "Pagkasakay ko sa motor ko ay saka ko lang narealize na hindi ko pala nasuot ang helmet ko dahil sa labis na pagmamadali. Hindi ko inalintala yung malakas na ulan, kahit basang basa na ako..Pakiramdam ko may nagu-udyok sa'kin na hayaan na lang ang lahat.."

Nilingon ko naman ang aking mga magulang at nakikinig lang sila sa'kin. Tumigil na rin sa kakaiyak si Mommy.

"The next thing I knew, nawalan ako ng kontrol sa aking motor at sa sobrang lakas ng impact ay namanhid na yata ako kaya hindi ko na naramdaman ang sakit. Pero natandaan ko na may tumulong sa'kin bago ako mawalan ng malay.. Hindi ko lang matandaan kung sino.." pahina nang pahina kong banggit at kwento sa doctor.

Tumango-tango lang siya at saka nagsulat sa hawak niyang papel.

"Do you know someone named Mery Greeze?" banggit sa'kin noong doctor.

"She's my bestfriend."

"How about Quiller?" 

Kumunot ang aking noo sakaniyang binanggit na pangalan.

Nararamdaman kong kilala ko ito ngunit hindi ko maalala kung sino kaya naman umiling lang ako.

"No." maikling ani ko.

Nagsulat naman ulit ang doctor at nagtanong muli sa'kin ng pangalan na hindi ko naman kilala.

"Then, do you know someone named Lich?"

Maikli akong umiling dahil hindi ko naman kilala ang kaniyang mga binabanggit.

Kung hindi nga lang ito doctor ay paniguradong iisipin ko na pinagt tripan niya lang ako dahil hindi ko naman kilala ang mga pangalan na kaniyang binanggit sa'kin. Tanging si Mery lang ang kilala ko.

"Do you know your father and mother's name? If yes, can you say their full names to me?"

"My mother's name is Narnalie Torcer, my father's name is Thrack Torcer." maikling sagot ko tila nagtataka sakaniyang tanong.

Tumango-tango naman ang doctor at nagtanong pa sa'kin ng ilang mga bagay katulad ng pangalan ko, saan ako pinanganak, kailan birthday ko, saan ako nag-aaral, at iba pa. May iba nga lang siyang binanggit sa'kin na hindi ko alam at pangalan naman na hindi ko kilala. Siguro ay tinetesting niya kung alam ko ba talaga at naalala ko ba talaga ang aking sarili.

Matapos ang ilang minutong tila Job interview ay nagpaalam na siya sa'kin at tinawag ang aking magulang sa labas ng aking kwarto.

Ipinasawalang bahala ko naman 'yon at itinuon nalang ang aking mata sa TV.

Maya-maya lang ay pumasok na ulit sila Daddy at ang nakakapagtaka ay kasama ulit nila yung Doctor.

"Your parents decided na sabihin na sa'yo kaagad ito but please, don't force yourself, okay?" salubong ng doctor sa'kin.

Naramdaman ko namang hinawakan ako ni Mommy sa kamay at si daddy naman ay marahang hinahaplos ang aking buhok.

"What is it?" tanong ko.

Naramdaman kong humigpit ang kamay ni Mommy na nakahawak sa'kin ngunit wala doon ang atensyon ko. Nanatili lang akong nakatingin sa doctor, nag aantay sakaniyang sasabihin.

"You have selective memory loss. In short, there was a trauma that was formed in your brain during the accident that led you to have selective amnesia, Ms. Tharnalie."

Tila binomba ang aking puso dahil sa aking nalaman. Halo-halong emosyon ang aking naramdaman ngunit kahit isang salita ay walang namutawi sa aking bibig.

Nalaman ko nalang ay nag-uunahang tumulo ang mga butil ng luha mula sa aking mata. Hindi ko rin maiwasang hindi magtaka kung ano nga ba talaga ang mga bagay na nalimutan ko?

Narinig kong tumikhim ang doctor kaya naman napatingin ako sakaniya. "Hindi natin masasabi kung kailan babalik yung mga memories mo dahil naka-vary ito sa tao, pero ang maipapayo ko lang saiyo ay huwag mong pilitin ang sarili mo dahil kusa at kusa naman itong babalik."

"B-But there are cases na permanently nang nawala yung mga m-memories nila 'di ba?"

"Ang masasabi ko lang nakadepende ito sa tao, Ms. Torcer."

Alam ko sa sarili kong hindi sinagot ng doctor ang aking tanong dahil tama ang aking akusasyon. Hindi ko naman na ito pinilit na sagutin ang aking tanong dahil alam ko nanaman ang sagot.

"I'll get going, Mr. and Mrs. Torcer. Call me if anything happens," lumingon ito sa'kin. "O may kakaiba kang nararamdaman sa sarili mo. You should rest and eat a lot of foods, para bumalik yung nutrients sa iyong katawan."

Umalis naman kaagad ang doctor matapos niya kaming pagbilinan. Nang nilingon ko naman ang aking mga magulang ay nakangiti lang sila sa'kin. Ngiti na parang nawala ang matagal nilang pag-aalala sa'kin.

"I'm fine, Ma, Dad. You don't need to worry about me." mahinahon na sambit ko.

Niyakap naman nila akong dalawa at nang kumalma kalma na sila ay nagsalita si Daddy.

"Don't use your Ducati anymore, Tharnalie." 

Agad na nanlaki ang aking mata dahil sakaniya sinabi. 

"No buts. I'll give you any car you'd like basta 'wag ka nang mag mo-motor," sambit niya at hindi naman na ako nag-react o nag-oppose sakaniya.

Mas mabuti na siguro na magkotse nalang ako.

End of Flashback


Napatango tango naman ang doctor dahil sa aking mga sinabi habang tahimik naman si Mr. Navine, Mery, at Darmex. 

"May naalala ka na ba bago ang naging insidente?" tanong ng Doctor.

Tumango naman ako ng bahagya. "Meron po, pero naalala ko lang 'to nitong nahimatay po ako. May lalaki po akong kausap at hindi ko rin po ma identify kung sino. Pero noong binanggit ko po sakanila," lumingon ako kayla Mery. "Sabi ni Darmex ay siya daw po 'yon."

Tumingin naman ang doctor kay Darmex na nasa tabi ko.

"Maybe mayroong need i-trigger sa'yo para maalala mo ang ibang mga memories na nawala sa'yo. Katulad niyan, sa tingin ko ay may mga bagay na ginawa si Mr. Darmex upang maalala mo ang ibang fragments ng pagsasama ninyo."

"I'll help you recover it, Nize." pagp-prisinta ni Darmex at nginitian ko naman siya.

"Thank you pero I'm not inter--" napatigil ako ng mapansin kong tila nabuhayan si Darmex noong sinabi kong hindi ako interesado sa pag-alala.

Nawala rin ang isip ko doon ng biglang magsalita si Mery. 

"Recover your memories, Tanniebabes. Ayaw mo bang maalala yung mga memories nating dalawa na happy??" madramang arte ni Mery sa'kin habang nakanguso.

Napatawa naman ako ng mahina at hindi rin siya natiiis.

Wala naman sigurong mawawala sa'kin kung aalalahanin ko, right?

Sa huli ay napapayag din ako ni Mery. "Sige na,"

Nagpapalakpak pa siya ng malakas at napangiti naman ako sakaniya. Noong tignan ko si Darmex ay nangunot ang aking noo dahil imbis na matuwa siya ay parang mas nalungkot pa siya sa aking desisyon. 

Nanatili lang siyang tahimik at nakatungo hanggang sa makatulog at magpahinga na ulit ako.

----------------


SWITCH UPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon