KAIRON
Naglakad ako papalapit kanila Clair na nakangiti namang naghihintay sa akin na makalapit sa kanila.
"Si Erica nga pala!" Nakangiting sabi ni Clair nang makaupo ako sa tabi niya habang tinuturo ang babaeng nakaupo sa harap ko, si Erica.
"Alam ko."
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin batid kung bakit sila magkasama. Napakarandom lang kasi na bigla bigla ay magkakilala na sila at hindi lang basta magkakilala, magkasama pa sa iisang table.
"Stone cold na siya" pabulong na sabi ni Clair kay Erica na kanya namang nginitian. "Stone cold at shy type! Oh, Match!" Biro niyang dagdag.
Tumingin sa akin si Erica na para bang may binabalak siyang gawin. Maya-maya pa ay iniabot niya sa akin ang kanyang kamay para kamayan ako.
"Um.. Hi?" Mahihin niyang sabi na akala mo ay kung sinong mahiyain.
Napatingin ako kay Clair na siyang katabi ko at binatuhan niya lang ako ng mga tingin. Yung mga tingin na para bang nagbabanta, nag-uutos, at nagsasabing huwag ko siyang ipahiya.
"Bagal!" Iritableng kinuha ni Clair ang kamay ko saka inilagay iyon sa palad ni Erica kaya't wala akong nagawa kun'di ang kamayan na lamang siya.
Pagkatapos non ay nanatiling tahimik ang lahat, hindi pa rin nagsisimulang tumugtog ang banda nila Karl dahil nag-aayos pa lang sila.
Napatingin ako sa table kung saan mag isang nakaupo si Karl at nagmamasid. Nakapagtatakang hindi siya tumutulong sa paghahanda ng mga kaibigan niya sa mga instruments o kung ano man. Katamaran!
Habang nakatitig ako sa kanya at inaaral ang pisikal niyang hitsura ay bigla siyang napatingin sa akin. Our eyes locked. Hindi ko magawang alisin ang tingin ko sa kanya dahil sa hiya, ayokong isipin niya na sinasadya ko siyang tignan kaya't kinunot ko ang aking noo para baliktarin ang sitwasiyon at palabasing 'bakit siya nakatigtig sa akin'.
His lips curled up saka siya biglang kumindat. Mapang-asar na kindat na hindi maiintindihan ang kahulugan.
Tanginang buhay 'to!
Sana naman ay pagbigyan na ako ni Lord at ilayo niya na sana ako sa mga ganitong tao! Ayoko nang maulit pa ulit yung nangyari dati na naging dahilan para ako mismo ang magpasiya na umalis na lang sa volleyball team namin.
"Why are you with Karl nga pala?" Boses ni Erica ang nagpabalik ng atensiyon ko sa kanila.
"Oo nga? Bakit kayo magkasama? Tropa na ba talaga kayo?" Sunod sunod na tanong ni Clair. "Kung ganoon ay marereto mo na ako sa kanya?" Nakangiti niya pang dagdag.
"Hindi."
Biglang bumagsak ang ngiti niya nang marinig ang sagot ko, para bang disappointed.
"Nagkasabay lang kami sa trike." Tumingin ulit ako kay Karl pero hindi na siya nakatingin sa akin.
"Sa dinami-dami ng tricycle?" seryosong tanong ni Clair na dahilan para mapilitan akong maglabas ng sama ng loob.
Tumaas bigla ang boses ko. "Iyon nga e! Sa dinami-dami ng pwede niyang sakyan bakit kailang yung tricycle na iyon pa?! Bakit ba kasi ka—" Napatigil ako sa pagsasalita nang mapagtantong hindi ito ang tamang oras at lugar para mag rant, at mas lalong hindi sila ang tamang tao.
"Oh?"
"Basta hindi ko alam. Nagkataon lang siguro talaga." Tumango tango si Clair.
Ilang segundo muna kaming natahimik bago basahin ni Erica ang kapayapaang iyon.
BINABASA MO ANG
Bound To Fall Inlove
Novela JuvenilAs graduation nears, Kairon plans to confess his love to her friend, Clair, only to get caught in a mix-up involving Clair's crush, Karl. ----- TRIGGER WARNING: Some scenes may have homophomic remarks. Reader discretion is advised. ----- "Karl. My n...