-
Kinulit ko pa sila ng kinulit ng ilang sandali doon bago ulit sila magseryoso kaya tinigalan ko na at umayos na ulit.
Nakakahiya, ako nga pala ang panganay.
"Ate, anong plano mo kapag nahuli na mo na sila?" Si Alhyanna naman ang nag tanong.
"Trust me, you don't wanna know." Tumawa ako.
"Papatayin mo?" Lumunok siya, umiling ako.
"Sila ang kusang mamamatay sa kamay ko, Alhyanna."
Ngumiti lang ako at nag-iwas na ng tingin.
Totoo naman 'yon.
Kinulit ako Ella na akala mong may sasabihin kaya napatingin ako sakanya at itinaas ang kilay.
"Ate alam mo ba," lumapit siya saakin at tumingin sa paligid na akala mong may makakarinig.
"Bakit?" Naging interesado ako sa iku-kwento niya kaya lumapit ako, scratch that, lumapit kaming lahat.
"Khelzz! Yung kamay ko naapakan mo!" Sigaw ni Ella kay Khelzz na nakatayo sa likod namin ngayon.
"Ay, sorry." Tumawa siya at umantras ng kaunti at saka muling lumapit, sinamaan ng tingin ni Ella si Khelzz ang sa isa naman ay ngumisi lang na tila nangpipikon.
"Sige mag away kayo sa harapan ko, uunahin ko kayo." Masungit na sabi ko kaya tumigil sila at naglayo sa isa't Isa.
"Ano kasi Ate..." Sumulyap muna si Ella sa iba ko pang kapatid bago magsalita muli.
"Nakita ko sila Nanay kausap si Kuya Trev kanina." Kumunot ang noo ko.
"Ano sabi?" Nagkibit balikat siya.
"Stay away lang narinig namin tapos pinaakyat na agad kami sa taas." Sabi niya at naglandi na ng tubig.
Stay away?
"Sino sino nakita niyo?" Tanong ko sakanila.
"Nanay, Tatay, Tita, Mommy, Daddy at si Kuya Trev." Si Alhyanna ang sumagot, tumango naman si Khelzz.
Bigla akong nabagabag dahil sa sinabi nila. Ano ba ang sinabi nila? At sa anong dahilan?
"Ma'am? Tawag po kayo ng Lola niyo po." Napa tingin ako sa butler ni Nanay.
My siblings eyed me and nodded. Tumayo na ako at pinuntahan sila Nanay, bumati sila saakin habang ako ay nakangiti lang.
"Bakit, Nay?" Umupo ako sa sofa at agad nila akong binigyan ng iced tea.
"Happy birthday, kamusta ka na?" She smiled.
Simimsim ako sa baso na hawak ko at tumango tango.
"Goods lang ako dito, Nay. Nakikita mo na ba mukha ko sa TV?" Ngumisi ako at nag pandekwatro.
Natawa naman si Nanay dahil sa sinabi ko at napailing iling pa.
"Nakikita ko na ang mukha mo sa buong panig ng Manila." Saad niya na nagpangiti sa'kin.
"Are you still planning to run a business?"
"Yes, Nay. You don't need to worry about that, hindi nawawala sa isipan ko 'yan." I assured her.
"Naninigurado lang. Eh sila Ella—"
"Nay, let them. Bata pa sila, I want them to explore the world first. Huwag niyong I pressure." Prangka kong sabi pero ngumiti lang siya saakin.
They always do that, pressure my siblings over small things. That's why pagdating sa mga kapatid ko ay sobrang protektadong protektado ako at hindi sila hinahayaang mag-isa.
YOU ARE READING
Passenger Prince (Cousin Series #1)
RomanceThwyane Zia Fracktumos. The girl who's been out for fun and was always a reckless girl ever since she had rest before she achieve her dream, finally met her match. But who could it be among the four? Pick your fighter.