Chapter 17

116 11 0
                                    

-worst punishment

•SOPHENE•

"Stop making me loose my temper para hindi maulit sa'yo iyon." Zadeo said while we are on the road.

Papunta kami ngayon sa magba-birthday celebration, si Kaycee pero ang aking buong attention ay nasa labas ng bintana habang pinapanuod ang bawat dinadaanan namin.

Hindi na ako nagsalita dahil sa sinabi nya. Panigurado ako na walang lalabas sa aking bibig dahil matapos ang nangyari kanina, wala nang nag-iimikan sa amin.

Medyo malayo ang pupuntahan namin at 'di ko alam saang lugar 'yon. Wala man lang sinabi si Zadeo kung saang lugar kami pupunta dahil kusa nalang nya ako pinilit na sumama sakanya sa birthday ni Kaycee.

"We're here." Napalingon ako sakanya nang mapagtanto na dumating na pala kami.

Ipinasok ni Zadeo ang kanyang kotse sa loob ng mansion kung saan magaganap ang birthday celebration ni Kaycee. Agad nya itong ipinark sa gilid kaya nakaramdam ako ng hiya nang makita ko kung gaano karaming tao ang nandito.

"Dito ka sa tabi ko." Sabi nya sabay hawak sa kanang kamay ko nang may lumapit sa amin na grupo ng mga lalaki.

"Oh Zadeo, nandito ka lang pala!" Bati sakanya ng isa sa mga grupong lalaki.

Nakipagkamayan naman sakanila si Zadeo kaya napahigpit ang hawak ni Zadeo sa kanang kamay ko nang napatitig sa akin ang lalaki.

Titig pa lang nya, parang hindi sya mabuting tao ngunit bakit nagawang makipagkamaya si Zadeo sakanya?

"Eyes on me." Sabi sakanya ni Zadeo.

Naibalik naman ng lalaki kay Zadeo ang kanyang tingin. "Oh sorry. Is she your girlfriend or--"

"She's my wife." Pagputol nya sa salita ng lalaki.

Wala akong idea bakit nagtititigan ang dalawa, kalmadong nakatitig kay Zadeo ang lalaki samantalang si Zadeo naman, makikita ko sa mukha nya na parang susuntokin na nya ang lalaking ito.

"Woah guys, nandito tayo para mag-enjoy hindi para magtinginan kayo ng masama kay Zadeo... Oh paano, mauna na kami sa loob Zadeo?" Paalam ng isa sakanila at hinila sa loob ang lalaking nakikipagtitigan kanina kay Zadeo.

Kuryente!

Tama. Parang nakuryente ako dahil sa pagkakahawak kamay namin ni Zadeo kaya naisipan kong bumitaw ngunit mas hinihigpitan pa nya ito na animo'y ayaw akong pakawalan.

Pumasok na kami sa loob ng mansion kaya napanganga nalang ako dahil sa mangha nang makita ko ang hitsura ng loob, para akong nasa castle dahil sa disenyo ng loob. Napapaisip nalang ako kung prinsesa ba si Kaycee o hindi.

"Hi Zadeo?" Napatingin kami sa gilid nang tumabi sa amin si Kate.

"Where's Kaycee?" Parang may nararamdaman na naman akong masakit sa aking puso dahil sa tanong nya.

Ngumuso sya para ituro ang birthday girl na nakikipag usap sa mga guests. "Over there. Kanina ka pa nya hinihintay, pumunta ka na doon. Sosolohin ko lang muna 'tong si Sophene..." Nakangiting sabi ni Kate sabay hawak sa braso ko.

"Let's go Sophene." Umiling ako.

"Why? Ayaw mo bang batiin si Kaycee?" Hindi makapaniwalang tanong nya.

You mean your girlfriend? No thanks!

"Magpapahinga muna ako saglit dito, pumunta ka na doon. May pag-uusapan din kami ni doctora" Utos ko.

Tumango sya. "Then wait for me there..." Kunwari ka pa, 'di mo naman kailangan magpaalam sa'kin dahil girlfriend mo ang pupuntahan mo.

Tuluyan na s'yang umalis sa harapan namin ni Kate pero hindi ko maiwasang ma-guilty sa pagtanggi ko kay Zadeo kanina.

Forced To Marry An Abusive And Jealousy Mafia Boss (Under Revision)Where stories live. Discover now