Chapter 2
Hinanap ko ang lalaking pumasok sa kwarto kanina. Bakit ba hindi ko natanong kung ano ang pangalan niya?
Pambihira naman ang lawak-lawak naman ng lugar na ito. Ni hindi ko alam kung saan ako dapat papasok dahil sa dami ng mga pintuan. Napahawak ako sa aking tiyan ng kumirot ang aking sugat. Tiniis ko ang hapdi, hindi pa gumagaling ng tuluyan ang aking mga sugat ngunit pilit ko parin ang aking sarili na maglakad sa malapalasyong lugar na ito.
"Geez. Ano bang problema mo Mike? I don't even know what's your point!" napalingon ako sa pintuang bumukas.
"Grace-" hindi natuloy ng lalaki ang paghabol kay Grace ng makita niya ako.
"Bakit napunta ka dito? You should not force yourself to walk." lumapit ito sa akin at inalalayan ang aking pagtayo.
"Ano bang ginagawa mo dito at hindi mo muna hinintay na umayos ang pakiramdam mo ?" taka nitong tanong.
"Where's your dad?"binigyan niya ako ng isang nagtatakang tingin.
"Why did you ask?" napaiwas ako ng tingin dito.
"I just want to talk to him."
"Oh. Okay, I'll lead you the way."
Inalalayan niya parin ako hanggang sa makarating kami sa isang malaking silid. Binuksan niya ang malahiganteng pintuan na nasa harapan namin at pinapasok ako.
Napanganga ako ng makita ang napakandang silid na puno ng iba't ibang klaseng armas. Malinis at masyadong nakakasinag ang kintab ng sahig pati na rin ang kintab ng mg sandata. Anong klaseng mga tao ba ang mga ito?
"Look over there." mas lalo pakong nalula ng makitang maraming mga batang nag-eensayo sa baba. Namangha din ako sa mga ipinapakita nilang galing. Sa murang edad ng mga ito, nagawa nila ang mga bagay na kailanman hindi ko pa naranasan.
"My dad is over there." napatingin ako sa itinuro niya na lalaking nakatalikod at may kasamang babae.
"The woman beside him is my mother." nakangiti nitong sambit.
"A-ano ba kayo?" taka kong tanong. Napatingin ito sa akin saka ngumiti, ang ngiti nito at tila may pinapahiwatig na mensahe.
"You will know soon. For now, let's go to my dad." nauna itong lumakad kaya sumunos ako dito.
Pumasok kami sa isang elevator. Hanggang saang floor ba ang building na ito at tila ang daming numero sa elevator.
Pagbukas ng elevator, naagaw namin ang atensyon ng ama ni Grace ganun din ang ina nito. Pinasadahan ko ng tingin ang mga ito.
Hindi ko maitatanggi na maganda talaga ang ina ni Grace. Mukhang nakuha ni Grace ang genes ng kaniyang mga magulang dahil sa maganda din ang batang ito.
"Hello, Dad and Mom," she said, going over to them and kissing them on the cheeks.
"What is she doing here, honey?" the man asked with a smirk. I suddenly felt annoyed by his words, so I glared at him. Napatawa nalang ang anak nila sa inasta ko.
"Mom we should go. Dad will talk to her." hindi nagtanong ang ina ni Grace kung ano ang pag-uusapan namin ng asawa niya, bagkus ay umalis ito kasama ang kaniyang anak. Ni hindi man lang kami nito tinapunan ng tingin.
"Have you decided?" naagaw ng ama ni Grace ang aking atensyon ng magsalita ito. tumango ako sa itinanong niya sa akin. Napangiti ito sa naging tugon ko.
"Then let's start-"
"But before that. Please let me see my husband and son. I want to see my family. Let me see them." pagmamakaawa ko dito. Gusto ko munang makita ang mga ito ng malaman ko kung ano na ang kalagayan nila.
BINABASA MO ANG
The Wife's Revenge
AkcjaWhen your heart full of hates and hatred and all you want to do is to have your revenge.