"Wake up! You need to wake up!"Madali kong iminulat ang aking mga mata dahil nakita ko na namang sumisigaw ang babaeng paulit-ulit na nagpapakita sa aking panaginip.
Hindi ko ito kilala subalit palagi ko itong napapaginipan. May mga sinasabi ito saakin pero sa tuwing minumulat ko ang aking mga mata ay nakakalimutan ko na naman ito.
Lumingon-lingon ako sa paligid. Madilim. Walang katao-tao at halos wala na rin akong maaninag ngunit sigurado akong nasa gubat pa rin ako.
Sakit. Takot. Gulat. Pangamba. Halo-halong emosyon ang bumuhos saakin ng mapagtantong hindi pa pala ako masyadong nakakalayo. Mula rito ay tanaw ko pa rin ang nag-iisang gusali na nasa gitna ng isla kung saan nila ako dinala.
Agad kong nahigit ang aking hininga ng marinig ko na naman ang nakakatakot na alulong ng mga lobo sa gubat. Ayoko dito!
Naiiyak at namimilipit na ako sa sakit dahil sa samot-saring sugat na natamo ko mula sa pagtakas sa kanila.
Ayoko ng bumalik sa lugar na iyon! Turan ko sa aking sarili. Nakakasakal at takot na ako dahil sa mga pinaggagagawa nila sa katawan ko!
Yakap-yakap ang aking sarili ay muli akong naghanap ng mapagtataguan. Sa di kalayuan ay tanaw ko ang isang puno na sa palagay ko ay kaya kong akyatin.
Matagumpay akong nakapatong sa isang malaking sanga nito subalit ganoon na lamang ang panlalaki ng mata ko ng makita na naman ang mga lobo na nasa baba at pilit na inaakyat ang punong pinagpapatungan ko.
Nanginginig pa rin ako sa takot. Takot na akong bumalik sa lugar na iyon pero di ko rin magawang makalayo dahil sa mga lobo na andidito.
Mariin kong pinikit ang aking mga mata dahil sa hilo na naramdaman ko. Nawawalan na akong ng balanse at sa palagay ko ay makakain na ako ng mga lobo. Marahil ay ito na nga ang katapusan ko.
Bago pa man ako tukuyang mawalan ng malay ay may nakita akong isang pigura. Balot ang katawan pati ang mukha nito subalit kitang kita ko ang mga mata nitong nakatitig sakin.
NAPAMULAT ako ng mapanaginipan ko na naman ang batang iyon. Every now and then she shows up in my dreams. Hindi ko ito lubos na maintindihan dahil kamukhang-kamukha ko ito subalit wala naman akong naaalalang nangyaring ganon sa buhay ko.
I groaned in pain dahil sa sakit ng ulo ko. My dream usually stops sa pagkahulog na nung bata sa puno but today, I saw a different one. It was a creepy lab.
"Revive her!"
Rinig na rinig ko ang sigawan, pagkakagulo, at pati na rin ang mga galaw ng mga tao sa paligid ko. Ang ingay!
Everything seemed real. I saw people wearing lab gowns. Ang mas nakaagaw ng pansin ko ay ang batang na sa gitna nito.
Maraming mga nakakabit na tubes sa katawan nito at tila ginawa na itong lab rat ng mga tao dito.
I stared at her face full of bruises and scars. Hindi ko lubos maisip kung bakit nila ito ginagawa sa musmos na batang ito.
As I was staring at her face, bigla na lamang bumuka ang mga mata nito.
I trembled in fear when I realized na iba ang kulay nito.
"A-A demon!" I heard from one of them. I ran out of words kung ano pa ang pwede kong masabi but she looks so creepy and evil which is matched with her stone cold poker face.
She stared in silence at the moon na kitang-kita sa transparent na ceiling. Despite the ruckus and confusion ng mga tao na andoon ay muli pa rin nilang pinagpatuloy ang mga ginagawa nila sa katawan nito.
I wanted to help her. Pero kahit na anong lapit at hawak ko sa mga bagay na nasa paligid ko ay tumatagos lang ako.
Natigilan ang lahat dahil sa paghikbi ng batang babae. Napatingin ako rito at kitang-kita ko ang mga luha na tumutulo sa mata nito.
Naaawa ako but at the same time I felt scared. Hindi ko alam kung bakit.
Napakamot nalang ang ulo ko, even if it was entirely a dream, I can't help but wonder kung bakit may mga tao pa ring gumagawa ng ganun.
Muli akong nahiga sa kama and I tried to remember much of that creepy ass dream.
In the blink of an eye, she vanished. Nawala siya sa kinahihigaan niya kanina. Napatingin ako sa paligid. Sirang-sira na ang mga gamit dito. May mga katawan na nakahandusay sa sahig at iba naman ay malalang nasugatan.
Naalala ko naman ang batang babae. Hinanap ko ito at napadpad ako sa pinakamataas na palapag ng gusali.
She's on the verge of falling! Agad akong tumakbo papalapit rito. Sinubukan ko itong sigawan at hilain pero wala ring nangyayari.
Tiningnan ko ito at tila nakatitig lang siya sa kawalan. Ang kaninang mapupulang mata nito ay napalitan na ng asul. Bumalik na ata ito sa normal.
Nagpantig ang mga tenga ko ng marinig ko ang mga yapak na papalapit sa rooftop.
Bigla naman itong napatingin sa likuran kaya't napalingon din ako. He was the same person that I saw in the forest. Hindi ko ito malilimutan sapagkat tumatak saaking isipan ang mala silver-gray nitong mga mata.
She stared at him coldly. Walang sinuman ang naglakas na loob na magsalita subalit ganon nalang ang gulat ko ng bigla itong mapatingin sa direksyon ko.
"They're coming for you, Aspen."